Prologue..Sa isang di inaasahang pangyayari napadpad kami ng mga kaibigan ko sa isang isla na hindi ko inaakalang nageexist! At sa islang yun nawala ang pagiging single ko. ToT
*FLASHBACK*
"huhu pano na? waaah!! bakit nangyayari saken toh?! sabihin niyo mga bakla, pano?! " hagulgol ko sabay yugyog kay Kristopher a. k. a Kristy.
" ay bakla panagutan mo yan! keri mo yan noh? ikaw pa! kung di ka lang sana sandamakmak na tanga edi ngayon di ka aabot sa ganitong stage! " sabay sabunot sa akin.
" ano ba guyss, wala na tayong magagawa nandito tayo sa isla nila at wala tayong kasiguraduhan kung makakaalis ba tayo sa lugar na toh! " singit ni Rochelle na bakas ang inis sa tono nito. Hindi ko inaakalang aabot ako sa time na ipapakasal ako kay prince Rurhu.
Inaamin ko naman na gwapo siya at hot. Eh? Ano ba tong pinag-iisip ko?!
Hindi ko alam kung anong tribu sila. Basta humanga lang ako kakaibang kgwapuhan ni prince Rurhu at hindi ko namalayan na napahaba ang titig ko sa prinsipe nila. Tapos ayon sa great king nila ay kapag tinitigan mo ng matagal ang isang lalaki ay gusto mong makasal dito kaya akala niya'y nais kong maikasal sa anak niya.
Tuwang-tuwa pa ang matanda dahil sa wakas ay nakatagpo ang kanyang anak ng napakagandang dilag. Kokontra sana ako sa sinabi niyang napaka kaso wag nalang sayang kasi minsan ka na nga tawaging maganda kokontra ka pa.
Nagpaliwanag naman ako sa great King nila na mali ang inaakala niya pero pinagbantaan lang kami na papatayin pag sumalungat sa pinuno. Psh! hindi ba nila alam na may freedom of speech tayo? kasali na yun ang pagtatanggi sa kasal noh!
Pero mabuti nalang toh kasi kay prince Rurhu ako tumitig kung sa kamalas-malasan pala sa iba ako ipapakasal. Lalo na kanina duon sa mukhang tengang lalaki na halos mapuno na yung katawan at itsura niya ng pierce.
Nakakatakot pa ang mga itsura nila. Pero mas nakakatakot kasi nakabahag sila na kulay green at itim. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit iba ang itsura ni prince Rurhu? Iba ang kulay ng mga mata niya, mahahaba ang mga pilik-mata niya, makakapal ang kilay niya at manipis ang labi niya ibang iba sa mga ka tribu niya.
Hindi kaya naligaw lang rin si prince Rurhu nila?
"besh.. di kaya bet ka ni prinsipe Rurhu?" Biglang tanong ni Kristy. Napalingon ako sa kanya. "panong bet ehh nakakainis nga eh! di mo ba narinig kanina? pag nakasal ka sa isa sa kanila. Hinding-hindi ka na talaga nila bibigyan ng chance makaalis sa isla na toh!" padabog kong ibinaba ang damit na gagamitin ko sa kasal bukas.
"ano na ang plano natin? " singit ni Andri na kanina pa pala tahimik.
"Ay, I do not know papa Andri! maswerte kayo ni Rochelle at mag-asawa na kayo kaya kahit sino pwede niyong tingnan. Ito naman si baklang Beatrice eh nakatagpo ng prince charming sa isla na toh! eh ako? baka magkaasawa ako ng mukhang monkey ng wala sa oras! I kenat! mabuti ng mamatay na birhen basta wag lang talaga ako maikasal sa isa sa mga pierce people dito!.. aray! " binatukan nalang namin siya ni Rochelle.
"Gaga! marinig ka nila sa labas baka malalaman nalang namin ikaw na pala ang hinahain sa kasal netong si Bea bukas" parang nasuka ako sa sinabi ni Rochelle.
"oh eh ano ngang plano naten?" tanong ulit ni Andri. "guyss alam niyo naman sigurong pag tumanggi ako ay papatayin nila tayong lahat.." napahinga ako ng malalim.
Tumahimik silang lahat.
Pumikit ako. Ramdam ko ang titig ng mga kaibigan ko saken ngayon. Siguro ito talaga ang tadhana sa akin. Pwede akong umayaw pero bukas na bukas wala na kaming ulo at makikita niyo nalang ang bungo namin na pulutang-lutang sa dagat. Mas mabuti ng ako nalang ang magsasakripisyo tutal ako naman ang may kasalanan. Kapag natagpuan kami ay sila lang ang babalik at ako ay maiiwan sa isla na toh.
Natatakot man akong e-imagine na isang araw kauri na ako mg mga pierce people dito hindi ko naman isusugal ang buhay ng mga kaibigan ko.
Dumilat ako at bumumtong-hininga.
"I'll do it. I'll marry that native boy"
Ako si Beatrice Royalle Peralta. I am a 19 year old girl who is married with My Native Husband.
BINABASA MO ANG
My Native Husband
Fiksi UmumBeatrice Peralta dreamt for a fairytale wedding. Simula nung bata pa lang ito ay gusto niyang makapag-asawa ng mayaman. But fate will always prevail. Dahil sa isang aksidente ay natagpuan nila ang isang maliit at payak na pamayanan sa isla. Duon niy...