Chapter 4
Nadatnan naming nakahiga dun si Andri sa isang kama na gawa sa ratan. Agad siyang niyakap ni Rochelle. Naalimpungatan naman si Andri.
"Hon, I thought you were dead" iyak ni Rochelle.
"shhh tahan na hon nandito lang ako" nagyakapan lang ang dalawa habang kami naman ni Kristy ay umupo lang.
"oh pano dito muna kayo at babalik muna ako magpapadala nalang ako rito ng damit ng pagkain" Nagpasalamat nalang kami sa matanda.
Nagkwentuhan kami sa mga nangyari sa amin. Medyo madilim dilim na rin sa labas. Lumabas muna ako. Masaya ang mga tao kahit na bonfire at liwanag ng buwan lang ang ilaw nila.
May mga bata pang naglalaro habang nakabahag lang. Umupo lang ako sa lupa at pinagmasdan ang padilim na kalangitan. Naramdaman kong may tumabi sa akin. Hindi ko Nilingon kasi baka si Kristy lang yun.
Bigla niyang hinawakan ang paa ko kay Napalingon ako. "Kristy ano bang---" nagulat ako dahil siya yung gwapong netibong tingin ng tingin sakin kanina.
May nilagay siya sa paa ko at parang petroleum jelly siya pero may mga dahon ito. Nakatitig lang ako sa kanya habang pinapahiran niya ang mga sugat ko sa paa ng kung anong halamang gamot man yan.
"ahh okey na" binawi ko na ang paa ko. Nilapag niya lang ang lalagyan na parang buko sa tabi at muling kinuha nag paa ko. Aangal na sana ako kaso isinuot niya sa akin ang tsinelas niya na gawa sa hindi ko alam na materyales. Para siyang abaka at yung balat ng puno ng niyog? basta ayun na yun.
"para..di masakit" aniya habang nakaturo sa paa ko. Natulala lang ako sa kanya. Ngumiti naman siya. Gahh!! ang puti ng ngipin niya! mukhang wala namang available na toothpaste dito pero parang sandamakmak na colgate nginuya nito eh.
Iba talaga ang itsura niya sa mga tao rito.
"Bea san ka ba sumusuot na babae ka at.. waiii! iba pala sinusuot mo ah! " Sambit ni Kristy ng makita itong lalaki na nasa gilid ko na hindi ko namalayan magkalapit lang ang katawan namin. Yung mga braso niya nasa magkabilang gilid ko, nakapatong sa lupa. Tapos yung half naked body niya naman ay nakaharap saken.
gulp!
Umiwas ako ng tingin at umusog. "gaga g-ginamot niya lang ang s-sugat ko noh" tumayo na ako pero na sa akin pa rin ang mga mata ng lalaking ito.
Arghh!! ano ba naco conscious ako! at ang masaklap pa ay dito pa ako na co concious na taga tribung toh eh nung nasa Manila ako ay never naman akong na concious sa sarili ko habang kaharap ang mga disenteng mga ka office mates ko.
"ginamot niya ang sugat mo? saan sa heart? hihihi"
"baklang toh ang layo ng heart sa paa noh!" Tumayo yung lalaki.
"alis na ako" paaalam niya. Hindi ko siya kinibo. Gosh! hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. "ayy pa hard to get ang peg?.. ahh kowya pedi eketch nemen gemeten me?" wika ni Kristy habang nagpapacute.
"ang laswa bakla" umalis na ako at naiwan si Kristy duon habang pinagmamasdan yung lalaking umaalis.
Nakakagulat naman ang pagsulpot niya kanina. Lumapit lang pala siya para gamutin yung sugat ko tapos ibinigay niya pa yung tsinelas niya sa akin?
May lahi siyang kabute! mana siya sa isla nila na bigla nalang susulpot dito. Mali, >~< kami pala yung sumulpot dito.
***
Kinaumagahan ay nagising ako ng masakit ang katawan ko. Panu ba naman kasi ay ang liit lang ng kama namin gawa pa sa isang uri ng matigas na kahoy. Pero yung unan namin ay sobra namang lambot.
"teh! ang sakit ng body ko!" reklamo ni Kristy. Nakahawak pa siya sa bewang niya sabay unat unat.
"sinabi mo pa! pero wala naman tayong magagawa eh! we have to wait at magtiis muna.. mga tao nga dito eh nakaya nilang mamuhay rito ng ilang years tayo pa kaya na iilang w-weaks lang naman s-siguro" nautal ako nung napaisip ako sa huling sinabi ko. I'm not really sure kung may mag rerescue sa amin dito.
"hay naku teh! okey na! okey na! ke aga aga eh nagkwak kwak ka na jan" Hindi ko na pinansin si Kristy at dumiretso kina Andri at Rochelle.
Naamoy ko ang luto ng mga taga isla dito sa labas ng kubo. Nagluluto siguro sila. Kagabi Hindi talaga ako nakamove on sa kinain naming pagkain. Ang sarap nun! Meron daw kasi silang natural spices and herbs.
Ngayon naman hindi ko alam kung anong luto yun dahil bago lang sa ilong ko yung amoy eh! Lumabas muna ako saglit sa kubo namin. Iniwan ko muna dun ang tatlo.
Naglakad-lakad muna ako sa palibot nitong mini community nila. Simple lang ang mga bahay dito pero refreshing ang dating. Lalo na't gawa sa iba't-ibang uri ng kahoy. Marami ding wild flowers na ang gaganda ng kulay ang nakatanim sa gilid ng mga bahay nila. Para akong naglalakad sa isang resort na nakakubli sa isang isla.
May mga bata ring naglalaro. Di nila alintana kung anong uri ng fashion ang sinusuot nila. Ang mga batang babae ay nakasuot ng damit na kulay green na parang tapis. Pero lahat ng damit nila ay meron intricate outlines ng mga bulaklak na may motif ding kulay itim. Kahit na parang hindi ko bet ang kombinasyon ng kulay ng mga damit nila ay kapag isinuot ito ng...
"Kristy ano bang---" nagulat ako dahil siya yung gwapong netibong tingin ng tingin sakin kanina.
May nilagay siya sa paa ko at parang petroleum jelly siya pero may mga dahon ito. Nakatitig lang ako sa kanya habang pinapahiran niya ang mga sugat ko sa paa ng kung anong halamang gamot man yan.
"ahh okey na" binawi ko na ang paa ko. Nilapag niya lang ang lalagyan na parang buko sa tabi at muling kinuha nag paa ko. Aangal na sana ako kaso isinuot niya sa akin ang tsinelas niya na gawa sa hindi ko alam na materyales. Para siyang abaka at yung balat ng puno ng niyog? basta ayun na yun.
"para..di masakit" aniya habang nakaturo sa paa ko. Natulala lang ako sa kanya. Ngumiti naman siya. Gahh!! ang puti ng ngipin niya! mukhang wala namang available na toothpaste dito pero parang sandamakmak na colgate nginuya nito eh.
ARGHH!! BAKIT KO BA KASI YUN INIISIP?!
Pero infairness ah, Ang ganda talaga ng mga mata niya. Kulay gray! Tapos antangos naman nung ilong niya. Yung uri ng pagkatangos na hindi naman as in sobrang tangos? Naalala ko pa kahapon yung lips niya. Ghaaad!! napapalunok nalang talaga ako kahapon kasi naman sobrang lapit niya saken tapos naka half naked pa siya! never pa nga ako nakalapit sa lalaki eh tapos siya lalapit-lapit siya tapos wala pang damit pang itaas?! eh kung marape ko siya ng wala sa oras? Waahhh!! nagiging manyak ma ata ako eh! >~<.
Jeezz! Pag nakabalik ako sa Manila mas marami dung mas gwapo pa sa kanya noh! disente pa tss(-__-) Pero aaminin ko wala na talagang mas gwapo pa sa kanya sa Manila eh! Kakaiba yung pagkagwapo niya. Ang tangkad niya rin eh! eh yung mga tao rito ka height ko lang. Siguro mga 6 footer siya?
Tapos ginamot niya pa ako kahapon. Ni hindi nga kami nag-usap o nagka ngitian man lang. Bakit kaya niya ako naisipang gamutin? di kaya..
eh ano naman kung ginamot niya yung paa ko?! dati marami namang mga gwapong concerned sa akin noh! (>0<) Makalakad na nga lang.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at bigla ring napahinto. nyetas! Nakita ko na naman siya at ang mga alipores niyang mukhang unggoy. Ano na naman kaya yang trip nila. Napapahagikgik na naman kasi yung mga native girls eh! Pati ba naman sa isla na toh may mga heartrob din?
—————————————————————
ANOTHER CHAPTER DONE!! 😁😁
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATES. 💖💖
Thank YOU!! 😘😘
SARANGAHAEYO! 💖💖
BINABASA MO ANG
My Native Husband
Ficción GeneralBeatrice Peralta dreamt for a fairytale wedding. Simula nung bata pa lang ito ay gusto niyang makapag-asawa ng mayaman. But fate will always prevail. Dahil sa isang aksidente ay natagpuan nila ang isang maliit at payak na pamayanan sa isla. Duon niy...