Chapter three
Bea's POV
NAGISING ako sa hampas ng alon. Pagkadilat ko ay naramdaman kong nakadapa ako sa buhangin.
O_0 Buhangin? ibig sabihin... LIGTAS AKO!! (TOT)
Pero.. Nasaang lupalop naman kaya ako napadpad?! Nilibot ko ang patingin ko habang nakadapa pa rin.
Mapuputing buhangin. Sa dulo ay may makapal na kagubatan na puno ng mga niyog at wild trees. May mga malalaking bato rin sa Dalampasigan.
Teka--Nasaan sina bessyyy??!!! Kinabahan ako. Di pwedeng ako lang mag-isa dito sa.. sa NAPAKA laking isla na ito! Waahh!!! Bumangon ako tsaka kinakabahang lumakad.
Sa ginawa kong takbo-lakad ko ay bigla nalang akong nadapa.
*Zzzzzttt*
O_O what the??
Napatingin ako sa bestida ko.
Sheyte!
Napunit ang ibabang bahagi ng bestida ko. Kaya pinunit ko nalang ang tuluyan hanggang tuhod. Kaya ang mahabang bestida ko ay hanggang tuhod nalang. Nakasuot pa ako ng highcut na sapatos.
Nagtataka siguro kayo sa fashion ko. Mahabang bestida tapos nakahighcut? ang jologs kung tingnan pero ganito talaga ako manamit eh hindi nagkakaintindihan ang sapatos ko at ang damit ko. :P
"KRISTOPHER!! ROCHELLE!! ANDRI!! ASAN NA KAYO?! " mangiyak ngiyak na tawag ko. Hindi ko alam kung parte pa ba ng Pilipinas ang islang ito. Baka parte na toh ng Hawaii! Malaysia?! Indonesia? Korea? o di kaya Palawan na talaga toh? pero impossible dahil wala namang katao-tao ito rito!
" BESS!! GUYSS!! " ito na siguro yung napapanuod ko sa tv. Yung mababaliw nalang ako sa isla na toh na walang makausap, walang makain, walang matulugan!
"Be.. Bea.. B-Bea" Napahinto ako sa paglalakad tsaka pinakinggan kung saan galing yung boses.
"K-Kris.. Kristopher? KRISTOPHER ASAN KA?! " Pumunta ako sa isang malaking bato at nagulat ako dahil andun si Kristy na nakahiga sa gilid ng bato pero may sugat siya sa noo. Dumudugo ito!
" oh my gosh Bes! " Pumunta ako sa direksyon niya. "gaga.. k-kung di lang ako.. nanghihina ay sinabunutan na kita sa p-pagtawag mo ng Kristopher eh" Tinulungan ko siyang makatayo at dinala ko siya sa may ilalim ng puno para hindi kami mainitan.
Binendahan ko ang ulo niya gamit ang punit na bahagi ng beatida ko. Habang busy ako sa pagbebenda sa kanya ay may tumawag na pamilyar na boses.
"GUYSSS!! WAAHH!! BUHAY KAYO! " nalingon kami at nakita ko si Rochelle na naiiyak na papalapit sa amin. Nagyakapan kami. Hingal na hingal si Rochelle na umupo sa buhangin. Nanginginig rin siya.
"anyare sayo teh?" tanong ni Kristy.
"si.. Si A-Andri.. kinuha siya! "
O_O.. kami ni Kristy
" Patay na si papa Andri?! " Sigaw ni Kris.
"hindi!.. k-kinuha siya ng m-mga taong may p-peirce sa itsura" nanginginig na turan ni Rochelle.
"oh my--so ibig mong sabihin may mga taong gubat sa isla na toh?! " tanong ko.
"I don't know! n-nakatakas ako bago makuha si Andri.. guyss help me! let's save Andri" iyak ni Rochelle.
Hindi ako makaisip ng maayos. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Dapat ay magti-trip to Palawan lang naman kami tapos ay ganito na ang nangyari.
BINABASA MO ANG
My Native Husband
General FictionBeatrice Peralta dreamt for a fairytale wedding. Simula nung bata pa lang ito ay gusto niyang makapag-asawa ng mayaman. But fate will always prevail. Dahil sa isang aksidente ay natagpuan nila ang isang maliit at payak na pamayanan sa isla. Duon niy...