Cyan's
"Ano ba" sabi ko habang inaalis yung braso ko. Hawak niya kasi to at nasasaktan na ako. Namumula ang mga mata niya, parang galit na galit.
"At nakuha mo pang makipag landian sa harap ko" sabi niya, nanlumo ako. Ganun na ba kadumi tingin niya sakin? Sabagay, kasalanan ko rin naman dahil sa nangyari nung araw na yun. Pero hindi eh, may mali rin siya pero bakit kasalanan ko lahat?
"Bat ka ganyan?" I said, kumunot ang nuo niya tila nagtataka
"Bat kasalanan ko lahat pat? Wag mong kalimutan na i drank that night because of you" napaiyak na ako, hindi ko na kaya eh. Tinignan ko siyang muli at halatang wala siyang pake, sobrang blanko ng itsura niya. Wala man lang ba siyang sasabihin?
I believe i need an explanation also. Di lang naman siya yung nasasaktan eh. Siguro kasalanan ko pero i can't take whole account on what happened dahil siya ang simula ng away namin at hindi ako. Bakit ba ako pumapayag na ginaganito? I can find my self a better man. Pero hindi eh, ang hirap. Mahal ko talaga.
"Nakita kitang may kahalikan nung araw na yun. For fuck's sake, nag handa pa ako ng pagkain for you at yung naratnan ko ay ikaw na may kahalikang iba? Now how do you explain that to me?" Yung itsura niya biglang nagalit.
"And i saw you naked under one blanket with another guy, how would you explain that to me?" He said at umalis. Halos masira yung pintuan ng cr ng plane dahil sa lakas ng pagkakahila niya dito. Naiyak na lamang ako sa nangyari.
*knock knock
Inayos ko sarili ko dahil may gagamit yata ng cr. Pinunasan ko ang luha ko at nag apply ng lipstick. Medyo namumula pa mata ko. Bahala na.
Lumabas akong naka yuko dahil baka makita pa nina mommy. Buti nalang at tulog sila.
——
Matapos ang ilang oras ay nakarating na rin kami ng japan. We got to our hotel at kinakausap pa nina mommy yung nasa lobby para maihatid na kami sa rooms namin.
"Hija here's your room key" bigay saakin ni tita
"Ay tita, magiiba—" bigla kong naputol ang sasabihin ko nang marealize ko ang sasabihin ko. Fck what to do
"I mean, mag kaiba po tayo ng room?" Tanong ko nalang. What a stupid question to ask. Malamang cyan. Malamang. Mag asawa sila at mag asawa kami so malamang.
"Yes of course we're not planning to spoil your night!" Tita said at kiniliti ako sa bewang. Napatawa nalang ako. Ang awkward!
I got my luggage and sabay sabay na kaming sumakay ng elevator, sobrang tahimik. Ang awkward ng sitwasyon, ewan ko ba bakit di nakakapansin sina mommy eh halatang halata na ang cold nung anak nila. Mas malamig pa yata sa japan!
"Hija, get dressed at magdidinner tayo sa labas" tita said and hugged me tight. How will they react kaya pag dumating na yung annulment papers? What will they say? Natatakot akong masaktan sila.
I got the card key at binuksan ko yung pinto, ang ganda! Sobrang ganda ng view ng room namin, kitang kita yung city lights and yung tokyo tower.
Namimiss ko si lolo, siya talaga kasama ko pag nag iibang bansa nung mga panahong di pa ako kasal. Sumasama ako pag may business trip siya. Kaso nga lang ang punta ko ay mga bar, parties.
Di ko maiwasang mangulila, i've never felt so unloved. Kay pat lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Kahit si lolo takot na takot pag tumulo na yung luha ko. Alala ko pa noon, we went camping kasama ang mga kabusiness ni lolo at kinagat lang ako ng langgam eh nataranta na si lolo, malaki yung langgam, yun yata yung pinakamalaking langgam na nakita ko. Sobrang namamaga sa kati at sakit yung braso ko nun, muntik na magpatawag ng ambulance si lolo. I laughed at the memory at may narinig akong tumkhim sa likod ko. Oh right kasama ko pala si pat.
BINABASA MO ANG
My gay husband
RomancePatrick needs to be married for the sake of their company, and so as cyan, who is mataray, masungit, at maganda! when they crossed their paths, nagkakilala sila, at sa di inaasahang pagkikita, pareho pa sila ng problema! Well medyo pareho. at nagpak...