Chapter 5

7.5K 150 1
                                    

NAIHILAMOS ni Jeena ang kanyang palad pagkatapos basahin ang article na isinusulat niya para sa Metro Fame. Nakaapat na revision na siya pero hindi pa rin siya kontento sa gawa niya. Napaigtad siya nang may kumatok sa pinto. “Come in,” malakas na sabi niya.

Pumasok ang managing editor nila na si Olive. May bitbit ito na brown envelope. “Dumating na po ang mga pictures ni Miss Barbara de Leon,” wika nito. Ibinaba nito sa mesa niya ang envelope.

Kinuha niya iyon. “Dumating na ba 'yong articles ng mga contributors natin?” tanong niya habang isa-isang tinitingnan ang mga larawan ng napili nilang cover girl.

“Iilan pa lang ho ang mga articles natin, Ma’am.”

Tiningnan niya ito. “Tell them na dapat, tapos na nila iyon bukas. Mamimili pa kasi tayo ng mga magiging cover stories. How was the interview of Barbara?”

“Okay na ho,” mabilis na sagot nito.

Napatangu-tango siya. “Good.”

“Ma’am, tumawag ho kanina si Miss Veronica. Ipinapatanong ho niya kung ano na ang nangyayari sa preparation ng grand launching party natin. Kung nakapili na raw ho ba ng venue.”

Biglang umasim ang mukha niya. Nang nagdaang araw pa kumukulo ang dugo niya kay Veronica. Kung kailan minamadali nila ang trabaho ay saka pa ito umalis. Lahat tuloy ng trabaho nito ay napasa sa kanila ng managing editor nila.

“Sabihin mo, may tatlo tayong pinagpipilian. Ise-send ko na lang sa e-mail address niya ang mga details,” iritableng sabi niya.

“Ang bilin ho niya, i-update ninyo siya from time to time kung ano ang nangyayari dito sa opisina.”

Binitiwan niya ang hawak na papel at tiningnan ito nang matalim. “Sabihin mo sa kanya, kung gusto niyang updated siya sa nangyayari sa trabaho natin dito, bumalik siya rito!” hindi na nakapagpigil ng inis na sabi niya.

Natigilan ito, halatang nagulat sa biglang pagtaas ng boses niya. Kapwa rin sila nagulat nang may magsalita mula sa pinto.

“Ano’ng nangyayari dito?”

Lumipad ang tingin niya kay Raziel. Para siyang natauhan at na-realize niyang napagtaasan na pala niya ng boses si Olive.  “I’m sorry, Olive. Masyado lang akong nai-stress,” hinging-paumanhin niya.

“Okay lang po, Ma’am,” mahinang sabi nito.

“Bumalik ka na sa desk mo. Kapag tumawag uli si Veronica, i-transfer mo na lang ang tawag niya rito sa office ko,” utos niya.

Tumango ito at lumabas na ng opisina niya.

Isinara ni Raziel ang pinto paglabas ni Olive at saka ito lumapit sa kanya. “May problema ba?” tanong nito. Umupo ito sa harap niya.

Hindi siya sumagot. Ni hindi niya magawang tingnan ito dahil sa sobrang hiya.

“Jeena?”

“I’m sorry. I know I shouldn’t have done that. Wala akong karapatang pagtaasan ng boses ang mga kasamahan ko. Hindi ko lang talaga kasi napigilan ang sarili ko. Masyado yata akong nai-stress.”

“Ako na ang humihingi ng pasensiya para kay Veronica,” mapagpakumbabang sabi nito.

Tinitigan niya ito.

“Hindi sana ganyan karami ang trabaho mo kung narito lang siya. Kailangan kasi talaga niyang pumunta sa New York.”

Hindi siya kumibo.

Hinawakan nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa at pinisil iyon. “Don’t worry, after ng launching natin, bibigyan kita ng one-week vacation.”

❤With Just One Kiss (COMPLETED; Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon