Mission 12

2.3K 77 12
                                        

---
Aedam Rylee Miyamoto POV

"So, how's your date with my son?"ngiting tanong ni Mr.Esperanza.

Okay sana kung hindi si James iyon. Pero si James yun eh. James na kaklase ko at isa sa taong trumaydor sakin.

Imbis na sabihin kay Mr.Esperanza na di ko nagustuhan ang nangyari kahapon ay nginitian ko na lang siya at nagpakaplastic.

"Okay lang naman. Masaya po siyang kasama."labas sa ilong 'kong sagot sa kanya.

Tsk! Tsk! Nagsisinungaling na naman ako. Grr!

"That's good. Buti na lang, hija at hindi na nagpumilit sayo ang anak ko na ihatid ka. Kasi kung nagkataon ay ba'ka pati ikaw ay nadamay pa sa gulo."napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.

"Gulo? Bakit po? Ano pong nangyari?"

Tutal mahaba-haba pa naman ang oras namin bago ang meeting ay makikitsismis muna ako kay Mr.Esperanza. Ano kaya ang nangyari sa isang yun?

"Tinambangan kasi si James kahapon eh. Bugbog ang mukha na umuwi sa bahay."napangiwi ako sa sinabi niya.

Bakit ganun? Bakit feeling ko alam 'ko kung sino ang gumawa nu'n? Damn! Hindi naman sana tama yung iniisip ko.

"Eh, sino daw po ang gumawa?"tanong ko ulit sa kanya.

"Ewan ko. Di niya sinabi eh. Siguro di niya kilala."sagot naman niya sakin na ipinagkibit-balikat ko na lang. "By the way, let's have a lunch, Ms.Miyamoto. tutal ala-una pa naman ang meeting eh."yaya niya na inilingan ko naman.

"Busog pa po ako eh. Kanin po kasi yung meneryenda ko kanina."sagot ko naman sa kanya.

Hindi kasi ako nakapagbreakfast kanina sa bahay dahil nagmamadali akong umalis. Ayokong makasabay si Jace kaya bago pa man siya magising ay umalis na ako ng bahay. Akala ko nga ay pupunta siya ngayon dito sa opisina pero hindi pala. Wala pa kahit anino niya ang tumatapak dito. Tsk! Bahala siya sa buhay niya at wala akong pakialam sa kanya. Tsk! Tsk!

"Okay then. So I'll excuse myself, Ms.Miyamoto."nakangiting tumango ako kay Mr.Esperanza at hinatid ko na lang siya palabas ng opisina.

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay napabuntong hininga na lang. Bigla tuloy akong nagsisi sa nangyari kahapon. Kamusta na kaya si James? Ba'ka dahil sakin kaya siya nabugbog? Haiist! Sana talaga hindi ako ang dahilan ng pagkabugbog niya. Dahil kung ako man yun ay panibagong problema na naman iyon. Tama na yung siya lang ang may kasalanan. Dahil ayokong magkaroon din ng kasalanan sa kanya.

"I smell something fishy."napabalik ako sa ulirat ng marinig ko iyong boses na iyon na bumulong sa tenga ko.

Lumingon ako sa kanya at ang bwisit na pagmumukha ni Vanessa ang bumungad sakin. Agad ko siyang tinaasan ng kilay dahil sa sinabi niya.

"Kibago-bago pa lang pero lumalandi na."parinig niya na ikinakunot naman ng noo ko.

Lumalandi? Ako? Anong pinagsasabi ng etchoserang babaeng ito? Alam na kaya niya na nakatira ako sa bahay ni Jace? Damn!

Pansin ko ang pagngisi niya kaya pinilit 'kong kinalma ang sarili ko.

"Lumandi ka na nga sa matanda pa. Worst may asawa pa. Nakakahiya ka."wika niya na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

Matanda? May asawa? Si Mr.Esperanza ba ang tinutukoy ng babaeng ito? Pfft!

Di ko maiwasan ang hindi mapigilan ang pagtawa ko kaya napakunot siya ng noo.

"Ako pa talaga ang pag-iisipan mo ng kabit ha? Pfftt!"wika ko sa kanya hanggang sa di ko na talaga mapigilan ang pagtawa ko at natawa na lang ako.

"W-what do you mean?"nauutal niyang tanong.

Make The Mafia's BackMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon