Mission 5

2.5K 100 6
                                    

Please do VOTES 😊

---
Aedam Rylee Lavigne Miyamoto

Pabalik-balik ako ng lakad dahil sa panibagong problema na naman na pinasok ko. Kainis! Dapat di ko na lang talaga tinanggap ang offer na ito. Kaya pala nagdadalawa ang isip ko noon at pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari yun pala ay si Jace Matthew Lee ang CEO ng Black Company. Haiisst! Nakakainis!

Padabog akong naupo sa kama dahil stress na stress ako sa pag-iisip 'kong paano ko susolusyonan ang problemang ito. Alam 'kong seryoso si Jace sa sinabi niya. Hindi na talaga ako makakaalis dito dahil nakapirma na ako. Damn it! Masisira ang imahe ng kompanya ko kung magbaback out ako sa kontrata. Haaiist! Nakakainis talaga!

Isa pang prinoproblema ko ay itong bahay na tinitirhan ko. Hindi na nga talaga nagbibiro si Jace dahil dito nga talaga niya ako pinanatili. Kainis! Kahit saang anggulo kasi ng bahay na ito ay may masayang alaala para sakin. Kahit na pinuwersa ako ni Jace sa bahay na ito ay may magandang bunga pa rin iyon para sa akin. Dahil nagkaroon ako ng dalawang mumunting anghel.

Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot.

"Axl!"bati ko sa kanya pero iba ang sumagot sa kabilang linya.

["Mommy!"]ang lalaking anghel ko pala. Agad akong ngumiti kahit hindi naman niya nakikita.

"Yes, baby?"

["Mommy, I got ten star!"]he exclaimed that full of excitement. I just smile for my baby's achievement.

"Wow! That's great Aivan! So what gift would you like to get?"tanong ko sa kanya.

Ganito talaga ako kapag may mga achievement silang nakukuha. Lagi ko silang binibilhan ng gusto nila o kaya naman ay pinapasyal ko sila. Hindi naman sila masyadong spoil sakin dahil kapag may nagagawa silang kasalanan ay pinapagalitan ko sila. Minsan nga noong pumunta ako sa Japan para sana i-welcome ang mga bagong myembro ng clan ay napatawag sakin ng wala sa oras ang eskwelahan nila para sabihin ang ginawa ni Aivan. Hindi pa man ako nakakalabas sa airport ng mapalipad ulit ako pabalik sa London dahil nakipagsuntukan si Aivan sa isa niyang kaklase. Bugbog sarado ang mukha ng kaklase niya at naconfine pa siya sa hospital ng tatlong linggo. Mabuti na lang talaga at mabait ang magulang ng batang binugbog ng anak ko kaya nagkaareglohan na lang.

Isang buwan noon na grounded si Aivan at puro aral lang siya sa kwarto niya hangga't hindi siya humihingi ng sorry doon sa batang binugbog niya. Bata pa lang yung anak ko pero ang tigas na ng ulo. Manang-mana sa tatay niya. Tsk!

Napailing na lang ako dahil sa iniisip ko.

["Mommy, I want your hug right now. Please go home. I'm begging you, mommy."]wika ng anak ko na ikinalungkot ko naman.

"I will, baby. But I need to finish my work first."

["But, mommy. I need you here. Please...."]natutunuhan ko na ang naiiyak niyang boses kaya agad akong nag-salita.

"Ssssh~ don't cry, baby. I will. I will, okay? Don't cry."

["Really, mommy?"]

"Yeah. But wait, where's your sister? I want to hear her voice too."wika ko sa kanya at narinig ko naman ang pagtawag niya sa kabilang linya.

["Kuya, why?.....Mommy, want to hear you.... Oh? Mommy? Where's my mommy?! Mommy!"]sigaw ng babaeng anak ko na ikinangiti ko.

Mas nauna ng tatlong-pung minuto si Aivan na isilang kaysa kay Aivonne. Mahabang oras din ang pagitan nila at laking pasalamat ko sa diyos dahil pareho kami ni Aivonne ang buhay ngayon. Noong mga panahon din kasing iyon ay 50-50 ang buhay ko dahil nahirapan ako ng sobra kay Aivonne. Akala ko di na siya lalabas sa sinapupunan ko.

Make The Mafia's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon