Mission 18

2.2K 72 11
                                    


---
"Lady Ae, ito na po ang files na pinapahanap niyo sakin."wika ni Rovic habang papalapit siya sa kinaroroonan ko.

Nandito ako ngayon sa opisina ko sa head quarter dahil gusto 'kong malaman kung sino yung bagong leader ng Axe Blue Dragon at pati na rin yung taong nagpapadala sakin ng mga note.

Inilahad ko ang kamay ko kay Rovic tanda na ibigay niya sakin ang folder.

Iniabot naman niya sakin iyon kaya nagpasalamat ako bago siya umalis sa kwartong ito.

Agad 'kong binuksan ang folder at binasa ang laman niya.

Hayward University is build on January 29 1896. This university is owned by the famous architect, Arthuro O' Sullivan. But the owner's died 10 years after he build the said school. So his only son named, Arthur O' Sullivan manage the Hayward University. Mr.Arthur change the name of this university into Sullivan University to reminisce his father's memory. But a year after the university pass through a crisis. They experience a lot of problems like, toxic, chemicals that mixed in the water that makes their students confined in the hospital. Some of their students died and the owner undergo in depression. Until he decided to sale their school to pay all their debt in the hospital and to the parents who are complining.

A rich Japanese business man bought the university. He renovate every part of it until they open the university under the name, HayWard Univerity. The Japanese Businessman bequeath the university to his youngest son named,

"Aikino Firence?"bulalas ko matapos mabasa iyon.

Iisa lang ang kilala kong Aikino Firence. Yun ay si Kino. Nabanggit din dito na japanese ang nakabili kaya di malabo na si Kino nga ito.

Agad 'kong flinip sa kabilang page at bumungad sakin ang mukha ni Kino. Damn! Kaya pala. Kaya pala ang bait niya sa kambal dahil siya pala ang may-ari ng eskwelahang iyon. Shit! Alam na kaya niya na anak ko ang dalawang bata na binilhan niya ng plain ticket? Shit! Shit! Shit!

Agad nabaling ang atensyon ko sa cellphone ko ng mag-vibrate ito. Kinuha ko ito at unknown number ang lumabas. Pinatay ko na lang at ilalapag ko na sana sa table ng mag-vibrate ulit ito at yung unknown pa rin ang tumatawag.

Napairap na lang ako bago sagutin ang tawag.

"Hello?"medyo inis 'kong wika. Aksaya kasi sa oras itong tumawag eh. Tsk! Tsk!

["Mommy!"]agad akong napaayos ng upo ng marinig ko ang boses ng anak kong babae.

"Oh, Aivonne what happened?"tanong ko sa kanya dahil bigla-bigla na lang napapatawag ang anak ko.

Kaninong cellphone kaya ang gamit niya ngayon?

["Daddy's looking for you and it seems like he will going to exploid now, mommy."]sumbong niya sakin na kinunutan ko naman ng noo.

Ano na naman kayang kailangan ng lalaking iyon at hinahanap ako? Tsk! Halos buong maghapon siyang tumambay sa opisina ko kanina. Mabuti na lang at natakasan ko siya noong uwian tapos ngayon ay hahanapin na naman niya ako? Hindi ba ito nagsasawa sa pagmumukha ko? Dahil ako ay sawang-sawa na sa kanya. Siya na lang ang lagi 'kong nakikita.

"Why is he looking at me?"

["I don't know, mommy. Maybe daddy miss you? And ofcourse, me and kuya already miss you."]sagot niya sakin.

Napabuntong hininga naman ako dahil doon.

"Okay. Okay. I'm on my way."sagot ko na lang sa kanya at agad ng pinatay ang tawag.

Niligpit ko na lahat ng nakalagay sa mesa ko at tsaka pinatay ang computer dito. Nang matapos ay agad na akong lumabas sa head quarter. Kailangan 'kong magmadali sa pag-uwi ngayon dahil sigurado akong papaulanan na naman ako ng tanong nung dalawang kambal. Isama mo pa si Jace na kanina pa daw ako hinahanap. Tsk!

Make The Mafia's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon