---
Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon at namimili ng gamit para kay baby. Tatlong linggo pa lang ng bata sa tiyan ko pero itong tatay niya ay excited ng mamili kaya kahit na ayaw 'kong sumama ay wala na akong nagawa. Pagkatapos kasi ng lunch break ko kanina ay pinuntahan niya ako sa opisina ko at niyayang pumunta dito at ito na nga, nandito na kami.
"Wife, do you think this clothes suit's him?"
For the n'th time ay napairap na naman ako sa sinabi niya. Parang siguradong-sigurado siya na lalaki ang nasa sinapupunan ko. Halos lahat kasi ng pinipili niya ay damit panlalaki. Ang mga kagamitan naman kagaya ng crib ay kulay blue. Tsk! Kapag ito naging babae sayang lang ang perang pinambili niya.
"Wife, what do you think?"muling tanong niya sakin.
"Yeah. That's suits to our youngest."sagot ko na ikinangiti naman niya ng pagkalaki-laki bago nilagay sa cart ang damit na hawak-hawak niya.
Mas excited pa 'tong si Jace kaysa sakin eh. Alam ko naman na di niya nasubaybayan ang pagbubuntis ko sa kambal kaya di ko siya masisisi. Pero minsan ay napaka-OA na niya. Kagaya na lang sa mga pagkain na kinakain ko. Dapat luto daw niya para masiguro niyang ligtas at sakto lang sa mga seasonings na nilalagay. Minsan kasi noong nagluto ako ay dinamihan ko ng suka dahil naghahanap ako ng maasim kaya ayon, pinagalitan niya ako. Nakesyo daw gusto ko ng magsunog baga. Ba'ka daw mapano daw ang baby sa tiyan at kung ano-ano pa kaya ang ending ay inaway ko din siya at sa kwarto ako ng kambal natulog dahil sa pagkabwisit ko sa kanya.
Ito pa, may nakalimutan akong kuhanin na files sa third floor noon eh nasa forth floor na ako kaya lumabas ako sa elevator at gumamit na lang ng hagdan para makapunta doon kaysa naman maghintay pa ako ng elevator eh matagal pa iyon. Saktong pagtapak ng paa ko sa sahig ng third floor ay may nakabanggang sakin, mabuti na lang at nakahawak ako sa railings ng hagdan kaya hindi ako na-out of balance pero nakita naman ako ni Jace dahil nandoon pala siya kausap yung supervisior kaya ayon, naghysterical siya. Nagpatawag siya ng doctor para i-check ako at paulit-ulit niyang minura yung babaeng nakabangga sakin, kulang na lang maglabas siya ng baril para patayin yung babae. Halos walang gustong lumapit sa kanya dahil sa galit na galit niyang mukha takot na lang nila dahil trabaho nila ang nakasalalay. Noong araw din na iyon ay nalaman ng lahat ng tao sa building na iyon na ako ang asawa niya. Kaya makita pa lang ako ng mga empleyado ay tumitigil at yumuyuko sila dahil sa takot. Takot na mabangga ako at mawalan sila ng trabaho.
Yung mga body guards naman na nagbabantay sakin ay mas domuble pa. Halos bente na bodyguards ang nagbabantay sakin at agaw pansin kapag nagbyabyahe kami patungo dito dahil sakop na namin ang buong daan.
"Jace, ba'ka babae ito. Sayang naman ang mga pinamili mo."wika ko sa kanya habang hinihintay namin na matapos ang pagcount sa pinamili namin.
"No, baby. I'm sure that's a boy."ngiting wika niya sakin at saglit akong hinalikan sa labi.
Napailing na lang ako dahil sa ginawa niya. Pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking bewang na hinayaan ko na lamang.
Pinanuod ko ang babaeng nagpupunch at napataas ang kilay ko ng simisimpleng sulyap siya kay Jace. Tinignan ko naman si Jace at blanko lang siyang nakatingin sa mga bagay na pinapunch. Muli 'kong binalikan ng tingin iyong babae at naabutan ko siyang nag-ayos ng buhok. Pinalikod niya ang buhok na nasa harapan niya at tsaka yumuko kaya lumitaw sa harapan namin ang cleavage niya. Hindi man lang siya nag-abalang takpan tsk! Ang landi! Balak niya pang-landiin si Jace! Tsk! Bwisit na babae ito! Ang sarap niyang sigawan ng...
"HOY! NANDITO SA HARAPAN MO ANG ASAWA NG NILALANDI MO!!"
Napatigil siya sa ginagawa niya at parang natuod. Ngayon ko lang din napansin na na-voice out ko na pala ang dapat na nasa isipan ko lang.
BINABASA MO ANG
Make The Mafia's Back
ActionHow can I make the mafia's back if I am the one who made the reason to stay her away. Language:English & Tagalog Book 1:Make The Mafia's Fall (Completed) Covered by:MizzyFantasia
