SimulaAndito ako sa bahay naglakad-lakad lang. Wala kasing magawa at kinakabahan ako. Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas. Nakita ko si mama na nakangiti sa akin na may hawak na papel.
"Anak." tawag niya sa akin
"Bakit po, ma?" tanong ko rito at nilapitan ako. May inabot ito sa akin. "Ano po ito?" tanong ko pagkaabot sa akin ng papel. Tinignan ko lang ito at walang balak na buksan. Kinakabahan ako, baka ito na.
"Buksan mo." nakangiting sabi nito sa akin.
"Kinakabahan ako." yun lang ang lumabas sa bibig ko.
"Wag kang mag-alala." mahinahung sabi nito. Kaya dahan dahan kong binuksan ang papel.
Napanganga na lang ako sa nabasa ko. As in? At na bitawan ko iyo. Dali dali namang kinuha yun ni mama. Nakatingin lang ako sa kanya at nakita ko ang pagkawala ng ngisi niya at bigla itong tumungin sa akin at niyakap ako. Narinig ko siya'ng umiyak kaya hinagud ko ang likod ni mama.
"M-masaya ako sa iyo, nak." umiiyak na sabi ni mama. Kaya nagsimula na rin ang luha sa aking mga mata.
"Ma." sabi ko tas hinagud ang likod niya "Salamat sa lahat. Salamat kasi pinalakas mo ako." sabi ko at umiyak na "D-dahil to sa iyo, sa inyo ni papa." umiiyak na sabi ko. Nagiiyakan lang kami hanggang sa napagod kami.
Nag-gabi na ay hinanda ko na ang mga gamit ko. Andito na rin si papa galing sa trabaho. Subrang saya nito at di mapaking tinulungan ako.
"Nak, yung gamot mo nasa bag mo na ba?" tanong na naman nito. Kanina pa kasi niya ito tinatanong sa akin. "Eh yung rosary at bible mo? wag na wag mo yung kakalimutan." sabi na naman nito di pa nga ako nakasagut nung unang tanong niya may tanong na naman. Hays... Papa talaga.
"Papa kalma ka lang. Okay na ang lahat, baka sabihin mo pa yung gatas ko naiwan. Haha...Andito na po sa bag ko." tumatawa na sabi ko kaya tumigil na rin ito tas tinignan ako.
"Ikw talaga. Nag-aalala lang kasi ako. Manila kaya ang pupuntahan mo at wala kami ro'n ng mama mo. Tas baka kung anong mangyati sa iyo. Nako iba na ang panahon ngayon anak. Madami ng mga adik baka pag-----" di na natapos ang sasabihin ni papa kasi sumingit na ako.
"Papa di ko pala inakala na O.A. ka pala." sabi ko rito ay tinigil muna ang pag-aayos ng mga gamit ko at tinignan ko ito. "Kaya ko naman ang sarili ko at andoon naman si Tiya Lora at yung anak niya di naman nila ako pababayaan." sabi ko rito. Si tiya Lora kasi ay kapatid ni papa na nasa Manila na ngayon at doon ako maninirahan sa kanila.
"Oo nga, pero may anak rin ang tiya mo." sabi ni papa sabay hawak sa kamay ko. "Baka di ka nila mabantayan." sabi na naman niya.
Nginitian ko ito bago magsimulang magsalita. "Papa, kaya ko na ang sarili ko o gusto niyo lang ako wag na gumuloy?" sabi ko naman rito at nawala ang ngiti sa labi kk at tinignan ko rin siya ng seryoso ganun rin si papa.
"Di naman sa ganun, nak." sabi niya at pilit na ngumiti "A-ang kinababahala ko lang ay.... Baka kung anong mangyari sa iyo." sabi niya at tumingin sa baba. "Wala kami ni mama mo. Walang magbabantay sa iyo doon at ayaw lang kitang mapagamak." dagdag pa niya at tumayo na "Cge ituloy mo na lang yan at lalabas lang ako para tignan ang mama mo kung tapos na ba siya." sabi ni papa at umalis na.
Hays... Tinapos na na ang pagliligpit at lumabas na rin nakita ko si mama na pupunta sana sa kwarto ko pero ng malita ako ay bumalik na lang din sa kusina. Nakita ko si papa na tahimik na naka-upo lang. Kaya umupo na rin ako. Nagdasal kami at tahimik lang na kumain. Walang kahit na anong salita, para na nga akong mamamatay rito eh. At ito ang ayaw ko sa lahat yiu subrang tahimik.
"Ma, natawagan ko na pala si tiya na luluwas na ako bukas at susunduin rin nila ako." sabi ko para mawala ang katahimikan. Kaya tumingin sa akin si mama.
"Ganun ba.. Cge kumain ka na lang ng mabilis at matulog ka ng maaga kasi madaling araw ka luluwas." sabi ni mama sabay subo ng kinakain niya.
"Okay po." yun na lang ang nasabi ko. Bumalik na naman ang katahimikan... wahhhh.... Di ko na kaya to... Ang sakit sa tinga.....
"Papa, sorry po kanina." sabi ko naman kay papa na tahimik na kumakain. Tumango lang ito, di man lang ako tinignan. Hays.... Nagtatampo si papa. Hays...
Hanggang sa natapos na kami ay wala pa ring kibuan ang nagaganap kaya dumiritso na ako sa kwarto ko at maagang natulog kasi maaga ako luluwas bukas.
~~Kinabukasan~~
Maaga akong nagising mga 3:30. Ginising rin naman ako ni mama kaya nagising na rin ako. Nag-ayos na ako pinaligo ako ni mama para hindi ma apektohan ang mata ko. Malabo na kasi ang mata ko at may eye glasses na ako pero di ako nerd.
Ang ganda ko naman ro'n. Ganito kasi mata ko kasi dahil sa alikabok at sadyang malabo lang talaga. Eh sila ni mama hindi naman. Natapos na ako alumabas na ako sa kwarto ko. Nakita ko si papa na umiinom ng kapevgabang si mama ay inaayos lang ang mga gamit ko. Nilapitan ko sila.
Tumikhim muna ako bago magsalita "Mama ayos na pa ako." sabi ko kay mama na tumango lang. Tumingin ako kay papa na abala sa paginom ng kape. Hays... tampororot talaga to si papa.
Kaya nilapitan ko ito at niyakap sa likod. "Eh... wag ka nang magtampo papa... Aalis na ako ngayon tas di mo pa ako pinapansin." malambing na sabi ko, pero di pa rin niya ako pinapansin. Umiinom pa rin ito ng kape. "Eh.. Papa naman eh." inis na sabi ko. Kakalas na sana ako ng pigilan niya ako
"Asus... tas ikw na naman ang nagtatampo?" tanong nito sa akin. Hays... Salamat at kinausap na ako ni papa. Nilingon ko ito at binigyan ng isang malaking ngiti at nginitian rin ako nito pabalik. Tumayo ito at niyakap ako niyakap ko rin ito pabalik. "Sorry nak ah... Nag-aalala lang kasi ako. Manila yun at baka." di na natapos ang sasabihin ni papa ng tinawag na kami ni mama. Kaya pumunta na kami ro'n.
-----
Andito na kami sa termenal ng bus. Kasama ko sila mama at papa. Ihahatid lang nila ako rito. Di kasi sila makakasama sa akin lasi may trabaho sila rito at kailangan nila yun at alam ko naman ang bahay nina Tiya doon sa Manila.
"Oh basta yung mga bin namin sa iyo. Wag mo yung kalimutang bata ma makakalimutin ka naman. At yung gamot mo." pagpapaalal sa akin ni papa at tungo lang ako rito
"Basta nak ah... Tawagan mo kami may kailangan ka at pag may problema ka." sabi ni mama sa akin.
Nagkwentohan lang kami at ng tawagin na ako bus ko at tumayo na ako at tinignan sila mama na nakangiti habang tinutulongan ako.
"Oh... cge na nak." sabi ni papa sabay bigay sa akin nung bag at kinuha ko naman ito.
Napatingin ako kay mama nag pipigil ng iyak. Kaya dinatuhan ko agad ito.
"Oh... iiyak ka na naman ma." sabi ko rito. Si mama talaga ang drama
"Eh kasi ito ang una na malalayo ka sa amin ng papa mo." tumulo ang luha sa mata nito "Ikw Khaila Kyle Cruz ah... wag kang magpapasakit ng ulo ng Tuya mo doon." sabi niya sa akin sinabi pa talaga ang full name ko. Kaya niyakap ko na lamg ito at pinunasan ang luha.
"Oo naman ma. Di ko pasasakitin ang ulo ni Tiya. Magpapakabait po ako." sabi ko at kumalas sa pagkakayakap. Tinignan ko ito at nginitian. "Oh.. cge na po baka maiwan ako eh... bye po." sabi ko sabay kuha ng bag at pumunta na ng bus.
Hays.. mamimiss ko sila mama at papa. First time ko to na mahiwalay sa kanila. Pero okay lang yun para naman ito sa future ko at sa kanila, at andoon naman si Tiya at yung dalawang anak niya. Si Kuya Led at Crystal. Mas matanda si kuya Led sa akin ng isang taon tas matanda naman ako kay Cristal ng dalawang taon. Pero close kami no'n ni Crystal pwera na lang kay kuya Led na ang sungit.
Nakatulog na ang ako sa kakaisip.
.
.
.
.
.
.
.
.Yinmea♡
YOU ARE READING
The Demon's Angel
RandomDalawang nilalang na magkaiba ang mundo. Pero pinagtagpo ng tadhana. Tadhana na maaaring ikapahamak nila, itong tadhana ring ito ang siyang magdadala ng isang sakit. Sakit na mararamdaman nila, sakit na pwedeng ikasira ng kanilang buhay. At pagkabun...