Chapter 4

14 1 0
                                    

"Hahaha!!! Buti nga sa kanya." sabi ko nung makalayo na kami. Hahaha.. 'You will pay for this bitch' raw. hahaha... Tae niya.

"Hays.. Ikw talaga insan. Baka mapahamak ka pa sa pinagagagawa mo." sabi naman ni Crystal.

"Ikw na nga yang pinagtatanggol tas sisisishin mo pa ako. Pasalamat ka nga sa akin at tinulungan kita sa hari ng mga impakto na yun. Tss.... Gwapo nga pangit naman ang ugali. Yun ba ang sikat sa inyo? Impakto ang ugali." sabi ko. "Kung di ka lang lutang eh di sana di yun mangyayari." dagdag ko pa.

"Eh.. Sorry na sorry na. Oo ako na may kasalanan, kasi naman may iniisip ako kaya di ko nakita agad si Alexis." sabi niya

Iniisip? Ano naman yun?

"Anong iniisip mo?" tanong ko

"A-ah.. Kasi parang m---" di na niya natuloy ang sasabihin kasi may tumawag na sa pangalan niya.

"Crystal!!!"

Napalingon kami at nakita namin si kuya Led at may mga kasama siya. Omy... ito Yung ZQ gang? Pero wala yung impakto na nakita ko kanina. Buti nga naman.

"Hi Kuya." ngiting sabi ni Crystal tas may pa wave pa pero sa ibang direction nakatingin "Hello Kent." sabi niya at ang lapad ng ngiti.. Ang landi ng pinsan ko....

Nginitian lang siya nito kaya ang pinsan ko ayon mamatay matay na. At Wohhhh... ang sakit ng braso ko kasi hinawakan niya ito ng mariin. Kaya hinablot ko paalis amg kamay niya at sinamaan ng tingin kaya ayun nag peace sign pa.

"Bakit kayo andito?" tanong ni Kuya Led kaya napatingin kami rito.

"Duhhh... Kuya para sa lahat kaya tong mall. Kaya andito kami, at namili lang kami ni insan para sa school blah blah namin." sabi niya kaya tumango tango na lang si kuya Led.

"Eh ikw po Kuya Led, Ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko.

"Ah... may sususndo-in lang kami." sabi ni Kuya. Susundo-in? What if si Impakto ang sundo-in nila? Tas magkita na naman kami? Aish... Kung umalis na kami ng maaga? Oo yun..Cge aalis na kami.

"Sino bang susundo-in niyo?" tanong naman ni insan.Hays... buti nga tinanung niya. Para sure....

"Ah... si Alexis, nawala kasi kanina at tumawag siyang may nakita raw siyang bruha." sabi niya. Bruha? Di kaya ako yun? Aish.. "Wait uuwi na ba kayo? O sasama na lang kayo sa amin?" tanong pa ni kuya.

"Sasama/Hindi." sabay pa naming sabi ni insan. What? Anong sasama?

"Uuwi na kami kuya Led eh." sabi ko pa

"Per----." pinandilatan ko ng mata si Crystal kaya di na niya yun natapos "Oo nga pala may gagawin pa kasi kami sa bahay at sabi ni mama na umuwi raw kami ng maaga eh." pagiiba niya ng dapat na sasabihin niya kanina.

"Cge hatid ko na kayo." sabi ni kuya Led.

"Tol, Kailangan ka dito. Hinahanap ka pa naman ni Pareng Alexis. Baka magbuga pa yun ng apoy." Pag di ako nagkakamali si Kane yun. Yung Casanova nilang kaibigan.

"Cge na Tol ako na lang ang maghahatid sa kanila." sabi naman ni Jyz.

"Cge tol. Mag-iingat kayo ah. Ingatan mo yang kapatid at pinsan ko." sabi ni kuya Led. Kaya tumango na lang ito.

"Oiii.. Sama ako sa inyo." sabi ni Kane at tumabi kay kuya Jyz. "Kayo na lang ni Mark at Kent ang sumundo kay pareng Alex." sabi niya pa.

The Demon's AngelWhere stories live. Discover now