Khaila's POV
Ang ganda pala rito. Pero ang gulo lang ng mga tao. Ang usok ng mga sasakyan... Di gaya sa probinsya. Pero ang ganda pa rin rito.
"Insan!!!!" napalingon ako nung may sumigaw. At nakita ko si Crystal na patakbo sa akin at sina tiya at kuya Led.
"Insan!!! Bat ngayon mo lang naisipan pumunta ulit rito?!!! Ha?!!!" sigaw na tanong na tanong ni Crystal sa akin pag kalapit niya. Hays.. kahit kailan talaga ang ingay nito.
"Tal.. Ang ingay mo. Baka mabingi na si insan mo niyan." sabi ni tita Lora na nasa likod na ni Crystal.
"Hehehe... Na miss ko lang to ma eh. " sabi niya sabay yakap sa akin. Wahhh.. di na ako makahinga.
"I-insan p-papatayin m-mo ba ako?" di makahingang tanong ko.
"Ay.. heheh.. sorry." sabi niya sabay bitaw sa pagkakayakap sa akin. "Tara na, gutom na ako eh." sabi niya sabay hila na naman ng kamay ko. Kinuha nman ni kuya Led ang bag ko kaya nginitian ko na lang siya.
Nasa sasakyan na kami ngayon nina Tiya. At itung loka kung pinsan daldal ng daldal. Tss....
"Alam mo insan ang ganda doon sa Z.U. Alam mo may crush na nga ako ro'n eh." sabi niya sa akin na nakakapit sa braso ko habang katabi kami sa upoan. Bahang si kuya Led ay nagmamaneho at nasa passenger sit si Tiya.
"Talaga? Eh sino naman?" tanong ko rin rito.
"Hehe... Si ano...." huminto muna siya sa pagsasalita at tumgingin kay kuya Led na seryosong nag mamaneho. "Si Kent Bryce Mendez." sabi niya sabay ngiti. Kinabahan naman ako kasi nasub-sub ako sa passenger sit kasi bigla na lang tumigil ang sasakyan.
Nakita ko si kuya Led na ang sama ng tingin ng tumingin ito sa amin ni Crystal.
"Gusto mo si Bryce?" galit na tanong ni kuya. "Alam mo ba kung ano ang ugali ng ulol na yun? Ha?!!!" dagdag pa niya kaya pinakalma siya ni Tiya Lora.
"Excuse me kuya Led. Hindi gusto kundi crush." pagtatama naman ni Insan kay kuya na may pa arte arte pa. Tss...
"Wala akong pake. Crush or gusto parihas lang y---." di na natapos ang sasabihin ni kuya kasi na unahan na siya ni insan.
"Kuya!!! Crush is paghanga!!! Gusto is kalapit na sa Love!!!" paliwanag niya sabay pamaywang.
"Wala akong pake babae!!! Basta wag na wag kang magkakagusto ro'n!!! Alam mo ba na ang playboy ng ulol na yun?!!! At ikw Khaila wag mong gagayahin yang si Crystal!!! Pag pumasok kayo sa Z.U wag kang lalapit sa XQ gang!!! Bantayan mo yang si Crystal!!! Nako!!!" galit na sigaw ni kuya at pinaandar ulit ang sasakyan wala na kaming nasabi kasi tinignan kami ni Tiya ng 'Wagniyonangpatulan-look'. Kaya tahimik lang kami ni insan dito sa likod. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
Bumaba agad si insan at hinila ako papasok.
"Insan punta tayo sa kwarto mo may sasabihin ako dali!!!" sabi niya sabay hila sa akin papunta sa kwarto.
Narinig ko pa yung sinabi ni kuya Led
"Wag kang magpapadala sa mga kwento niyang Istal, Khai!!!!" sigaw ni kuya nung masa kwarto na ko "daw" at mabilis namang sinara yun ni insan.
Tinignan ko ito na pumunta sa kama at umupo. Ngumiti ito ng malapad at may kinuha sa bag.
"Ano yan?" tanong ko nung kinuha niya yung album o notebook. At pinatong sa kama ang bag niya at pinapunta ako sa tabi niya.
YOU ARE READING
The Demon's Angel
DiversosDalawang nilalang na magkaiba ang mundo. Pero pinagtagpo ng tadhana. Tadhana na maaaring ikapahamak nila, itong tadhana ring ito ang siyang magdadala ng isang sakit. Sakit na mararamdaman nila, sakit na pwedeng ikasira ng kanilang buhay. At pagkabun...