Isa...Dalawa...
Mabilis ang pagragasa ng mga luha ko na unti-unting nagpapalabo sa aking mga mata. Dalawang buwan na ang lumipas at sa loob ng dalawang buwan nararansan ko na pala ang sinasabi nilang sintomas ng isang buntis. Wala akong kaalam alam na ang simpleng pagduduwal ko sa umaga at ang simpleng pananamlay ko ay sintomas na pala. Nagsimula narin akong maging mapili sa kinakain na hindi naman dapat dahil isa lang akong maid at kung ano ang gusto kainin ng mga amo namin, iyon lang din ang makakain ko.
Napatampal ako saaking ulo dahil sa katangahan. Sus maryusep! Anong ibubuhay ko sa batang 'to e isa lang naman akong hamak na kasambahay? Ako lang ang inaasahan ng mga kapatid ko pagdating sa pag-aaral nila. Jusko naman, tinanggap ko na nawala ng parang bula ang iniingatan ko pero hindi ko ginustong magbunga 'to. Paano ako makakapagtrabaho kung lalaki na ang tiyan ko?
Napapikit ako at napahilamos nalang sa mukha ko. Diyos ko naman, kung hindi ko lang sana pinabayaan ang sarili ko na mapahamak, hindi sana 'to mangyayari. Natatakot ako na baka hindi ko makayanang buhayin ang bata, ni hindi ko pa nga alam kung papayag ba si madam na magtrabaho ako dito gayung buntis ako.
Napahawak ako sa tiyan ko.
Pasensiya ka na, pero hindi ko ginustong magkaroon ng anak. Marami na akoang problema at ayokong dumagdag ka pa doon.
Pikit matang itinapon ko ang pregnancy test na binili ko sa basurahan ng cr. Humarap ako sa salamin bago tuluyang naghilamos. Wala namang mawawala kung hindi ko susubukan. Itatago ko nalang muna kina madam at manang Zuzi ang kondisyon ko. Hindi na lang muna ako magpapahalata.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng bumukas ito ng kusa. Agad nanlaki ang mga mata ko ng makitang si madam pala ito.
"Anong ginagawa mo dito Lily? Diba pinapalinis ko sa'yo ang front yard?" nagtatakang tanong ni madam, tila biglang may umihip sa leeg ko dahil sa kaba, napalunok ako ng ilang beses at pilit nangapa ng maisasagot.
"A-ano po kasi pa-papunta na po ako doon, inabutan po ako ng tawag ng kalikasan, madam." nakita ko ang pag singkit ng mga mata ni madam bago ako tuluyang pabalikin sa front yard.
Sana naman hindi malaman ni madam ang tungkol sa kalagayan ko. Hindi ako pepwedeng mawalan ng trabaho.
Kumuha muna ako ng walis tingting bago tuluyang magsimulang magwalis. Medyo pagod ako at walang gana na maglinis pero hindi dapat ako unahan ng pagkatamad. Mabibilis ang mga galaw ko ng may humablot sa kamay ko.
Nangunot ang mga mata ko ng nanlilisik na tumingin si madam saakin. Sh't! Bakit ba?
Hinila ni madam ang braso ko papasok sa loob kaya wala akong nagawa kundi mabitawan ang walis at magpatangay sakanya. Kinakabahan ako, nakita ba niya ang pregnancy test sa cr? Naku, sana naman hindi! Galit na galit pa naman si madam.
Pagdating namin sa loob at tuluyang natuyo ang lalamunan ko. Inihagis ni madam saakin ang pregnancy test na may dalawang linya saakin. Nanlilisik ang mga mata niya.
"Sa'yo ba 'yan Lily?" nagsimulang mabuo ang kaba at takot sa puso at isipan ko.
Ngumisi si madam at muling nanlilisik na tumingin saakin.
"I must not ask you. Ikaw lang naman ang nanggaling sa comfort room eh, now, I just need you confirmation Agatha." hindi nag nakataas ang mga luha ko dahil sa kaba. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho pero base sa inaakto ni madam mukhang galit na galit siya.
"I'm going to ask you again be sure to answer me directly, are you pregnant Lily?" napaangat ang tingin ko at dahan dahang tumango.
"O-opo madam." basag ang boses na saad ko, nahihiya ako sa pag-amin ko, alam nilang lahat na wala akong nobyo kaya imposibleng mabuntis ako.
BINABASA MO ANG
Giving Up My Virginity: I Innocently Give It (COMPLETED)
RomanceShe made a mistake and that was to let her self free for the mean time. The Giving Up My Virginity series number 3 is now finally COMPLETED! ----- Date Started: 05/15/19 Date Completed: 12/27/19