Maaga akong nagising at ininom ang binili ni Greg na gatas, 'yon daw ang inireseta ni doc Jazmin saakin noong nagpacheck kami.Handa na lahat ng gamit ko, sa totoo lang mga limang pares lang naman ng damit ang dala ko. Hindi naman ako magtatagal sa probinsiya e, kakamustahin ko lang sina mama at ang dalawang kapatid ko.
Masaya naman ang stay ko dito sa unit ni Greg, kahapon nga e nagpunta kami sa mall. Pinilit niya talaga ako para may dala daw ako kina mama. Pinabili niya ako ng hindi kamahalang cellphone para sa kapatid kong babae at isang mamahaling brand ng sapatos para sa bunso kong kapatid.
Tiyak magugulat at masisiyahan ang dalawang 'yon. Kaya ko naman magtiyaga para sa kanilang dalawa. Basta ba e, mag-aral sila ng maayos. Ang pasalubong ko naman kay mama ay groceries at kaunting pera. Sapat na siguro ang mga 'yon, nagpapadala naman ako tuwing sweldo e.
"Are you ready? Wala na bang naiwan?" tanong ni Greg, tumango lang ako at umiling
"So, kapag nasa probinsiya niyo ka na, tawagan mo lang ako kung may problema o kung uuwi ka ng maaga. Take care always because my kid is on your womb. Okay?"
Oo nga pala, napilit niya rin ako na bilhan ng cellphone, at dahil hindi ako makahindi ako na mismo ang pumili ng cellphone at siyempre 'yong pinakamurang touch screen pero maganda parin ang features ang binili ko. Mahirap na baka maakusahan pa along gold digger.
"Okay."
Agad na niyang dinala ang bag ko na back pack lang naman at isang handy bag na naglalaman ng regalo ko sa mga kapatid ko.
Nang makapasok na ako sa loob ng kotse ay pumikit na ako. Siguro tatahimik nalang ako sa buong biyahe.
Narinig ko ang pagstart niya sa kotse. Nakahinga naman ako ng maluwag ng maramdaman kong umaandar na kami.
Konti nalang...
Konti nalang talaga makakatulog na sana ako ng tumikhim si Greg.
"So... Hindi mo ba ako ipapakilala sa mama at kapatid mo?" napabukha ako ng mata dahil sa sinabi niya, kumunot ang noo ko at nag-isip.
"Mahirap na Greg, mas mabuti siguro na hindi na."
"Paano kapag nalaman na nilang buntis ka? They'll ask you kung sino ang ama."
"Edi sasabihin kong tinakbuhan ako."
"You know that I didn't, Lily."
"Oo nga, pero mahirap na Greg. May girlfriend ka at alam kong papakasalan mo siya. Hindi pwedeng mapalapit ka sa pamilya ko. Hahanapin ka nila saakin, paano nalang kung isang araw magkita-kita tayo tapos nandoon si Elayne? Malalaman niyang nabuntis mo ako."
"Lily, I will tell her naman kung ano ang nangyari e. I'll make sure na after ng wedding namin malalaman niya ang tungkol sa anak natin."
"Magiging komplikado lang 'yon, Greg. Huwag mo nalang kayang sabihin? I-sekreto nalang natin. Total tayo at mga kaibigan mo lang naman ang may alam. Pwede mo namang kausapin ang mga 'yon."
"You're impossible, Lillian." saad nito habang umiiling
Hindi ko nalang siya sinagot. Ano pa ba ang gusto niya? Hindi ko na nga siya papahirapan diba? Tutulungan ko siya na malusutan ang pagkakamaling nangyari saamin pero mismo siya pa ang gusto ng mahirap na paraan.
"I love my kid, Lily. I love the child on your womb."
Hindi ko mapigilang mapaiyak. Pinilit kong hindi magpahalata. Mabuti nalang at naka-pokus siya sa kalsada. Palihim kong pinunasan ang aking mata at pisngi.
Mahal ko rin naman ang anak natin e. Kaya nga gusto kong isekreto nalang. Ayokong malaman ni Elayne ang tungkol sakanya. Alam na alam kong hindi niya 'to tatanggapin. Baka saktan niya lang 'to o kamuhian.
Ang hirap Greg. Kung sana hindi nalang tayo nagpadalos-dalos, hindi sana tayo nahihirapan ngayon.
Ipinikit ko ang mata ko at kinagat ang aking labi.
Sana ako nalang Greg. Sana kami nalang.
"Mama si ate! Ate!" agad akong napangiti dahil sa saya.
"Nariyan na ang ate mo?"
"Lance! Hali ka nga! Tulungan mo si ate!" sigaw ni Sylvia, ang pangalawa saakin.
"Wow ate! Mukhang gumanda ka yata ngayon at namuti!" sigaw ni Lance, ang bunso kong kapatid
Agad akong nagmano kay mama.
"Mabuti at pinayagan ka ng amo mo na umuwi. Sige na Lance, Via, ipasok niyo na ang gamit ng ate niyo."
"Lance sa sala mo lang ilagay 'yan. Via, sa kwarto natin mo ilagay 'yan."
Tumango lang ang dalawa at ngumiti. Halatang excited ang mga 'yon.
"Oh anak, pasok ka na."
"Sige ma, susunod po ako."
Ngumiti lang 'to at pumasok na sa loob.
Lumingon ako sa medyo di kalayuan. Doon ko natanaw ang maputing lalaki sa loob ng itim na kotse. Kinayawan niya ako kaya gumanti ako.
Inihinto lang ako ni Greg sa terminal at pinasakay sa isang tricycle, pero sinundan niya parin kami hanggang sa bahay namin. Gusto niya daw kasing makita na nasa bahay na talaga ako.
Tumalikod na ako at pumasok na sa loob.
"Ate! Parang tumaba ka yata! Iba talaga kapag nasa manila na!" ani Lance.
Natigilan ako at napatingin sa tiyan ko. Shet naman, baka mahalata pa nilang buntis ako. Agad akong ngumiti at pinulot ang handy bag.
"May regalo ako sainyo."
"Wow!" singhap ni Lance
"Eto ay para sa'yo Sylvia," nanlaki ang mga mata ni Via ng iabot ko sakanya ang brand new na cellphone.
"Wow ate! Totoo ba 'to? Mahal 'to ah! Salamat ate!" at niyakap niya ako ng mahigpit
"May selpon din po ba ako ate?" tanong ni Lance
"Naku, hindi ka pa pwedeng magkaselpon. Si ate Via na muna, pero alam kong gusto mo 'tong dala ko." agad kong inilabas ang bagong sapatos ni Lance
"Wowwwww! Ito 'yong bagong sapatos!"
"Wow ate! May kamahalan 'yan ah. Wow! Galante si ate!"
Ngumiti lang ako at humarap kay mama.
"Ma, binilhan kita ng bagong sandals at damit. Saka may groceries din. Lance, lika muna dalhin mo muna to sa kusina."
"Ang dami naman ng dala mo anak. Marami kang naipon doon?" natigilan ako dahil sa tanong na 'yon ni mama.
"O-opo ma, galante kasi ang amo ko. Malaki magbigay ng sweldo at palaging may bonus. Alam mo na, negosyante eh."
"Eh kelan ang balik mo roon?"
"Tatlong araw po ako dito ma tapos balik na ako sa manila. Hindi ko nga po alam kung kelan ang sunod kong balik, baka mga ilang buwan pa o taon."
"Okay lang 'yan anak. Salamat sa mga dala mo ha? Magingat ka palagi sa manila. Lalo pa't babae ka't dalaga. May boyfriend ka na ba doon?"
"M-mama!"
"Oyyyy si ate namumula." sinimangutan ko kaagad si Via dahil sa tinuran nito
"Wala no. Ano ka ba ma, kailangan munang magtapos ni Via sa kolehiyo bago mangyari 'yon."
"Grabe ate! Kaya mo 'yon? Twenty four ka na nganon tapos five years pa bago ako magtapos. Twenty nine ka na noon!"
"Kakayanin ko Via. Kaya ikaw, umayos ka sa pag-aaral mo dahil ikaw na ang magpapatapos kay Lance."
"Oo naaaa!"
"Tama na nga muna 'yan. Magbihis ka muna anak tapos samahan mo ako sa kusina. Maghahanda ako ng pananghalian."
-----U P D A T E D
BINABASA MO ANG
Giving Up My Virginity: I Innocently Give It (COMPLETED)
RomanceShe made a mistake and that was to let her self free for the mean time. The Giving Up My Virginity series number 3 is now finally COMPLETED! ----- Date Started: 05/15/19 Date Completed: 12/27/19