Patuloy lang ang pagtulo ng mga luha saaking mata.
Buntis ba si Elayne? Gaya noong itulak ako ni Giselle nagdurugo din ako.
Finish na. May nanalo na.
Kung ganoon nga, mas pipiliin ni Greg kung sino ang mahal niya, mas pipiliin niya si Elayne.
Mas mahal niya ang magiging anak nila kesa saakin.
"Ate Lillian, please, mag-usap muna kayo ni Kuya. We can do something."
"Stop crying na please." pag-aalo ni Giselle saakin, pero hindi ko alam, mas lalo lang sumasakit ang puso ko.
"Hindi ko na ba talaga mapipigilan ang pag-alis mo?" napatigil ako sa pagempake sa mga damit ko, pinunasan ko ang luha ko at tumingin sakanya.
"H-Hindi na, Giselle. Alam ko naman kung sino ang pinipili ni Greg. Alam naman nating dalawa na mahal na mahal ni Greg si Elayne, ano ang magagawa ng anak ko sa anak niya?" napayuko si Giselle.
"Saan ka pupunta? Sa probinsiya ba?" tanong nito
Umiling ako. Ayokong sabihin. Ayokong malaman nila. Ayokong malaman ni Greg. Kasi nasasaktan ako, at ayokong malaman niya 'yon.
"Hindi ko alam, Selle. Hindi ko alam, bahala na kung saan ako mapadpad." at pinagpatuloy ko na ang pageempake.
"S-sige ate. Hahayaan ka muna namin. For now, I need to see ate Elayne. Don't worry, kuya said she's now fine." hindi ko na ito nilingon, nagpakawala ako ng malalim na hininga.
Mabuti nalang at hindi nasaktan ang baby ni Elayne. Paano ako patatawarin ni Elayne at Greg kung nasaktan ko ang baby nila?
Hindi diba? Kahit saang angulo hindi ako makaisip ng paraan kung paano nila ako mapapatawad kung nagkataon man.
Matapos kong ipasok lahat ng gamit ko. Tumayo na ako at inilibot ang tingin sa paligid.
"Anak aalis na tayo sa bahay ng Papa mo." naiiyak kong saad habang hinahaplos ang tiyan ko
"Mamimiss ko 'to." tumulo ng tuluyan ang luha ko, mabilis ko itong pinunasan at binitbit ang bag ko.
Bahala na, kung saan ko man maisipang pumunta doon na muna ako. Pero hindi muna ako uuwi sa probinsiya.
Humakbang ako ng isa, dalawa, tatlo. Hanggang sa pabilis ng pabilis ang paglakad ko.
Tatlong beses nag-ring ang cellphone ko bago may sumagot nito.
"Hello?!" pagsigaw na sagot ni Andrea sa tawag ko.
Hindi ko maibukha ang bibig ko upang sumagot dahil sa tono nito at kaba na nararamdaman ko. Jusko, ano nalang ang ipapaliwanag ko sakanila?
"Ikaw na naman ba 'to Sir? Please lang, tama na!" kumunot ang noo ko, may kaaway ba si Andrea?
"R-rea... S-si Lily 'to." utal-utal kong saad.
Tumahimik ang kabilang linya.
"Ly? Ikaw pala 'yan! Akala ko 'yong manyak kong amo, hahaha. Ano? Makikipagkita ka ba saamin ni Aby?"
"O-oo. Kailangan ko ng tulong ngayon, kailangan ko ng matutuluyan. Please..." pakiramdam ko'y naramdaman nito ang sitwasyon ko kaya agad niyang sinabi saakin ang address ng apartment nila ni Aby.
Nagpasalamat agad ako at ibinaba ang tawag.
Pumara ako ng taxi at ipinabasa sakanya ang address na nasa cellphone ko. Napakamot pa 'to ng ulo dahil malayo daw 'to mula dito.
Nagmakaawa na lang ako na ihatid niya ako, babayaran ko naman siya. May eight thousand naman ako na pocket money. Binibigyan kasi ako noon ni Greg ng sweldo diba? Nakakaipon naman ako at ang iba'y pinapadala ko kina mama.
Speaking of mama, hindi pwedeng magtagal ako kina Aby, dapat makauwi kaagad ako. Sapat naman siguro ang pera ko para makauwi ng probinsiya diba? Manghihiram nalang din ako ng tig-500 kina Andrea. Sigurado namang may pera ang mga 'yon.
Matapos ang halos isang oras huminto kami sa harap ng isang medyo mamahaling apartment. Mukhang bago pa ito dahil halatang-halata.
Nagbayad ako kay manong at nagpasalamat ito saakin. Sinobrahan ko pa kasi ang bayad ko.
"Lily! Dayy!" agad akong dinamba ng yakap ni Andrea. Nasa likod naman si Aby at ganoon din, hinalikan niya ako sa pisngi.
"Pasok ka Ly. Ipinagpaalam ka na namin sa land lady namin. Hali ka." tinulungan nila ako sa bag ko lalo't kitang-kita nila ang umbok sa tiyan ko. Hindi sila nagsalita o umimik.
Si Aby naman ay hinaplos lang ang tiyan ko at saka ngumiti.
Pagpasok namin sa kwarto nila napangiti ako.
Ahh! Napagod ako."Ano day? Gusto mo bang kumain muna o matulog?"
Ngumiti ako ng payak.
"Pwede bang matulog muna ako?" tumango naman sila at inayos ang higaan sa baba. Double deck kasi ang kama nila at sa taas ang kay Andrea, sa ibaba naman si Aby at di hamak na mas malaki ang space sa baba.
Umupo na ako sa kama at nag-sign of a cross. Hindi na muna ako magbibihis. Inaantok na talaga ako.
Pumikit na ako at nilamon ng dilim.
"Day, day, day." ilang yugyog ang naramdaman ko bago ko tuluyang napagdesisyunang ibuka ang mga mata ko.
"Oo, eto na." bumangon ako at kislot ang matang tumingin kay Andrea.
"Sa mall na tayo mananghalian." nakangiting saad nito, kumakalam na nga ang tiyan ko pero wala na akong pera uuwi pa ako sa probinsiya.
"Pasensiya ka na, Rea. Balak kong umuwi ng probinsiya at wala na akong pera. Pamasahe ko nalang ang nasa wallet ko."
"Don't worry day," biglaang sabat ni Aby, nagkatinginan muna sila bago nito itinuloy ang sasabihin niya.
"Ililibre ka namin, we'll give you extra money too." agad na nanubig ang mga mata ko at niyakap si Andrea na mas malapit saakin. Tumingala ako kay Aby at ngumiti.
"Salamat mga baday. Ang swerte ko sainyo."
Busog ako sa pagkain namin sa mall. Halos ilang fast food chains ang pinasukan namin bago ko napagdesisyunang sa Jollibee ang gusto ng baby ko.
Pumasok din kami sa mga dessert stalls ng mall. Sobrang dami ng inilibre nila saakin. Binilhan din nila ako ng bagong maternity dress, cotton shorts at loose t-shirts. Nagtataka man sa dami ng pera na ginagasta nila saakin, hindi na ako nakapagtanong. Ibinili din nila ako ng toothbrush, tissue at ipa bang hygiene products.
Matapos namin sa grocery ay naglakad-lakad nalang kami sa loob ng mall.
"Day, huwag mong mamasamain ha? Ano ba ang nangyari sa'yo at sa jowa mo? Nag-break ba kayo?"
Napayuko ako. Sasabihin ko ba ang totoo?
"Sabihin nalang natin na, bumalik na ang mas mahal ni Greg. At wala akong binatbat sakanya." napatingin ako sa malayo.
"Paano ang baby niyo?" tanong ni Aby
"Hindi ko alam. Bubuhayin ko ito ng mag-isa. Wala naman kaming panama sa mahal niya lalo pa'y buntis din 'yon."
Narinig ko ang pagsinghap nila.
Hayaan mo baby. Kahit wala ang daddy mo. Bubuhayin naman kita eh.
-----U P D A T E D
BINABASA MO ANG
Giving Up My Virginity: I Innocently Give It (COMPLETED)
RomansaShe made a mistake and that was to let her self free for the mean time. The Giving Up My Virginity series number 3 is now finally COMPLETED! ----- Date Started: 05/15/19 Date Completed: 12/27/19