Yung tipong ang saya-saya niyo dati at halos ibigay mo na lahat sa kanya pero nagawa ka pa rin niyang iwan.'Yung pagod na pagod ka nang maghabol sa taong minahal mo ng sobra pero mas pinili niyang magmahal ng iba.
'Yung lagi ka na lang laban nang laban pero matagal ka na pala niyang sinukuan.
Why so unfair?!
Kaya halos binantiyagan ka na bilang 'MARTIR' /'TANGA'.
Pero hindi naman talaga sila 'tanga'/'martir'. Nagbabakasakali lang naman sila na baka magbago pa ang isip ng taong mahal nila. Hoping na balang araw bumalik yung dating taong nagpasaya, nagpakilig at nagmahal sa kanila. Nagbabakasakaling, baka puwede pang isalba at ibalik sa dati ang lahat.
Pero kung wala na... WALA NA! GUMISING KA NA!
HINDI MO MATATAKASAN ANG REYALIDAD!
HINDING-HINDI MO MATATAKASAN ANG KATOTOHANANG: "May mahal na siyang iba kaya wag kang tanga!"Dinipende mo kasi ang lahat lahat sa kanya kaya nung iniwan ka niya bigla-bigla nalang magpa-pop up sa isip mo na 'paano ba ulit maging masaya?' , paano bang lumimot?
Kaya heto ang mga lunas diyan sa sakit!
1.) ------------>Delete <------------
………Mahirap gawin ngunit kailangan!……
Di porket dinilete mo ang mukha niya kasama ka at yung mga pictures niyang nakalabas ang dila. Haha! (Pakealam ko?! Joke) eh immature ka na.
Eh sa gusto mo lang limutin siya at mabawasan ang sakit eh.
Kung gabi-gabi ay umiiyak ka habang pinagmamasdan ang mga 'yun... please lang tama na!
dati'y halos segu-segundo kang ngumingiti dahil sa 'good morning', 'Good night' , 'kumain ka na hah' , 'sige na matulog ka na' pero ngayon hanggang 'like' o 'seen' nalang.
Kung gabi-gabi'y namumugto ang mga mata mo with matching sad songs pa habang binabasa ang sweet na convo niyo DATI--pwes tumigil ka na!
Kung lagi naman siyang nangunguna sa 'active now' mo... pwes itigil mo na ang pagsulyap-sulyap diyan!
Usapang tao lang po:
Wag kang magtatangkang i-block o i-unfriend mo siya sa social media dahil parang mas nasaktan ka pa sa kanya o di kaya'y mas pinamumukha mo pang mas dehado ka.Kung lagi mo nalang pinagmamasdan ang mga bagay na binigay niya na siya namang dahilan para maalala mo ang mga masasayang alaala ng kahapon ninyo--pwes pamigay mo na o di kaya'y ibenta (oh di ba? Para mapakinabangan naman)
Hindi ka bitter o immature para gawin yan! Tandaan mo kung magmo-move on ka na lang din naman pwes sana ipush mo na as in dapat i-todo mo na!
Paano ka makakamove on kung lagi ka nalang umiiyak dahil lagi kang nakatitig sa pictures niya sa gallery mo, sa conversations ninyo, sa mga bagay na binigay niya sayo ah basta--IDELETE MO NA!
(Para kasi sa'kin hindi mo kailangang itago ang pictures niya o di kaya'y convo niyo para itreasure ang alaala niyo dahil naging bahagi siya ng life mo--CHE!)
FYI may word na 'alaala'. Di ba pwedeng hanggang alaala nalang...
Lahat tayo nagbabago.
Hindi sa lahat ng oras eh iiyak ka na lang, habang hinahayaang maging masaya siya sa piling ng iba. Deserve mo din namang sumaya ah.
Siguro ngayon, ang nasa isip mo eh: "sana nagka amnesia na lang ako nang sa gayun eh makalimutan ko siya".
BINABASA MO ANG
Psst, I loved You! (with past tense)
RandomIkaw ba'y... Sinaktan? Niloko? Pinaasa? Pinagpalit? Iniwan? Na-friend zone? well ang librong 'to ay magtuturo sa'yo ng mga payo para mabawasan ang sakit na nadarama mo. Ang librong sinulat ng napakagandang nilalang na ito ay naglalaman ng mga tip...