Tanga?

722 9 10
                                    

*Minsan ka na bang naging TANGA?*

One of my teachers said, "Once is enough, Twice is too much, Thrice is stupidity", so di ka na dapat lumagpas pa sa pangalawang beses.

Tama na ang niloko ka niya sa una at patawarin mo siya dahil doon pero hindi na okay ang magbigay ka pa ng 'pangatlong' pagkakataon.

Ako? Minsan na ko nagmahal, nasaktan, at umasa. Ilang beses na rin ako nagbigay ng mga forgiveness at chances pero lahat ng iyon napunta lamang sa wala.

Alam mo yung kahit ilang beses mong ilagay diyan sa kokote mo ang mga masasakit at masalimuot niyong alaala para lamang makalimutan siya ay hindi mo pa rin magawa-gawa dahil kapag nakikita mo siya at tuwing naririnig mo ang pangalan niya ay bigla-bigla nalang papasok sa isip mo ang masasaya at nakakakilig na moments ng nakaraan ninyo.

Ganun naman siguro sa love... kahit gaano pa yan kasakit mangingibabaw pa rin ang mga happy moments ninyo.

Yung totoo, ilang beses mo na bang napatawad yung girlfriend/boyfriend mo? Yung ka M.U mo?

Kahit na ilang beses mo pa siyang makitang may ibang babae/lalaking kasama, kahit ilang beses mo pa siyang nahuling may katext na iba, kahit na lagi kayong nag-aaway, pinapatawad mo pa rin siya.

Yes, masayang maging tanga. Pero once na masaktan ka na ng paulit-ulit, yung tipong sobrang lalim na ng sugat at wasak na wasak na yung heart mo... Tama na... maawa ka naman sa puso mo.

Once is enough, Twice is too much... Thrice is stupidity.

Hindi ka naman bayani para ipaglaban mo siya.

(This time... ikukuwento ko sa inyo ang mga times na nagiging tanga ako sa iisang tao. I hope may makuhang kayong aral.)

#una!  (I am his option)

Pang-ilang beses ko na ba siyang nahuling kayakap ang past niya?

Pang-ilang beses ko na ba nakitang may dinidiskartehan siya?

Pang-ilang beses na ba niya akong naloko?

Kahit anong pilit kong ipasok sa isip ko ang mga pangako niyang;

"ikaw lang at wala ng iba"

"Mamahalin kita habang buhay"

"Di kita iiwan"

"Papakasal pa tayo"

"It will always be you"

Ay pilit pa rin rumerehistro sa isipan ko nun ang mga nangyari.

Hindi pa rin mawala-wala sa utak ko ang sinabi niya sa past niya.

"Ikaw lang naman umpisa pa lang. Hindi kita ipagpapalit...promise."

Wow! So anong tawag sa'kin? Second choice? Option? Na kapag bored ka saka ka lang lalapit sa'kin?

Wow hah! As in wow!

Umpisa pa lang, my friends warned me. They warned me na sasaktan lang ako ng lalaking yun but I didn't listened. Mas pinakinggan ko pa ang puso ko kaysa sa isip at mga kaibigan ko.

After ng nangyari nagdesisyon akong iwan siya at bigyan ng time ang sarili kong makapag-isip.

At first, mahirap kasi nga kaklase ko siya at lagi kaming nagkikita. Pero para saan pa ang pagmumove-on ko kung babalik din lang naman ako?

Psst, I loved You! (with past tense)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon