Umasa ka? haha nakakatawa

657 8 3
                                    

  Umasa ka? Haha nakakatawa.

DEAR MARURUPOK:

      sorry sa napaka-super tagal na update. Halong isang buwan din simula nang magparamdam si past huhuhu eh ako namang si tanga, naniwala kaagad kaya heto NASaKTAN. Pero ita-try ko pong mag update kaagad.

#Promisedinakoaasa
#wala_ngsecondchance
#hindikopalakaya

WARNING:

Ang chapter na ‘to ay para lamang sa mga taong umasa, paasa at walang pag-asa sa crush niya. Kung crush ka lang din naman ng crush mo well… SANAOL!

Hindi mawala-wala ang ngiti mo habang tinititigan ang crush mo kasama ang mga katropa niya.

Yung tipong isang ngiti lang niya ay buo na agad ang araw mo, na sa tuwing nakikita mo siya ay tila ba dinadala ka sa langit at makita mo lang na tumawa siya ay hindi mo na rin mapigilan ang sarili mong tumawa… para kang baliw.

Gusto mo siya, pero… alam mo naman sa sarili mong ‘hindi ka nage-exist sa mundo niya’, ‘hindi ka niya kilala’o di kaya’y ‘hindi siya interesado sayo’.

Minsan mapapaisip ka nalang na…

sana pansinin din niya ko…

sana ngitian niya ko…

sana tapunan man lang niya ‘ko ng tingin…

sana…

pero sa kabila nun ay PATAY NA PATAY ka pa rin sa kanya. Tapos isang araw nung may lakas loob kang i-chat/itext siya ay ginawa mo.

To: ****

Hi

Halos mawalan ka na ng hininga dahil sa sobrang kaba matapos mong isend yun. Makalipas lang ang ilang minute ay nagreply siya kaya halos ilibre mo na ang mga kapitbahay niyo sa sobrang tuwa. Grabe! Sanaol!

From:****

Hello

Matapos yun ay araw-araw na rin kayong magkachat. Minsan ay nagkakausap na rin kayo sa personal pero hindi palagi. Ayun ikaw namang ‘marupok’ , UMASA! (tama ako dib a?) sino ba namang hindi mafa-fall kung ganito siya kung makipagchat sa’yo:  (‘Kumain ka na hah’, ‘goodnight’, ‘mag-ingat ka’).


Yung tipong bibigyan mo ng motibo ang mga pinapakita niyang sweet words and gestures sayo. but the thing is, wala siyang sinabing ‘Gusto ka rin niya’, ‘I love you too’, ‘I like you too’.

Sabi pa nga nila;

“Walang paasa kung walang taong umaasa”

Sabi naman ng iba,

“Wala namang umaasa kung walang nagbibigay motibo”

Teka! Taeng- tae na ko…

Haaayts… sino nga ba ang may kasalanan? Umasa o Paasa?

1*Yung mga tao bang paasa dahil kahit alam naman nilang hindi nila masusuklian ang pagmamahal ‘nung tao ay patuloy pa rin silang nagbibigay ng motibo?

2*O yung  mga nag-aassume ba na kahit alam naman nilang walang basehan, kasiguraduhan at sariling opinion lamang ang binabasehan ay patuloy paring umaasa?

Para sa akin masasabi kong ‘wala’. 

As long as nagmamahal ka, tama ‘yun. Pero nagiging mali iyon kapag wala na tayong pakealam sa mga nararamdaman ng iba, yung hindi na natin iniisip ang kung ano man ang maaaring mangyari. Naghahangad lang naman tayo ng mabuti pero minsan sa maling paraan.

Minsan kasi masama ang sobra, katulad na lang sa kape, masama ang sobrang tamis dahil nakakadiabetes. Sa mga niluluto natin masama ang sobrang alat. Kagaya din sa love… masama kung sobra sobra.

Nagkakaedad at tumatanda tayo para hindi maramdamang may nasasaktan at umaasa. Matanda na rin tayo para hindi maramdamang may mga taong kalian man ay hindi masusuklian ang pagmamahal na binibigay natin at kahit kalian ay hindi tayo kayang mahalin.

Tayo ang gumagawa ng mga desisyon natin sa buhay, kaya wala tayong dapat sisihin sa mga pagkakamali natin. Isaisip na hindi sa lahat ng oras ay papabor sa’yo ang tadhana, minsan may natatalo, may nananalo pero atleast ay nagging Masaya ka at natuto ka sa lahat ng pinagdaanan mo sa kabila ng sakit.  Laging tandaan na ikaw ang bida sa kuwento ng iyong buhay (Credits kay Ma’am Charo) *peace*

---

Spread love not hate mga marurupok! Sama-sama tayong masaktan woah!

Miss_Book-wormmmy

Psst, I loved You! (with past tense)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon