STATUS: In a relationship
#mayforeverPaano makakaiwas sa masalimuot na 'break up'?
Sa buhay kasi, may mga desisyon tayong ikabubuti natin o ang mas malala ay pagsisisihan natin sa huli, lalong lalo na sa larangan ng pag-ibig.
Sa sobrang paghihinayang mo, minsan ay pumapasok na lang sa isipan mo ang mga salitang:
"sana di ko nalang yun ginawa"
"sana sinabi ko agad"
"sana inamin ko"
Break up? Yun yung part na maiiyak ka nalang sa sobrang sakit at bigat ng nararamdaman mo. Yung part na parang hindi mo na kakayanin. Tapos bigla-bigla nalang papasok sa isipan mo na,
"akala ko ako lang"
"Ba't ba nangyayari to?",
"nananaginip lang ba ko?"
Well, hindi talaga maiiwasan na may pag-awayan kayo, o di kaya'y may pagseselosan pero hindi naman okay kung sa sobrang galit mo.... bigla-bigla ka nalang bibitaw ng mga masasakit na salita, pagkatapos niyan... BREAK Up na agad ang papasok sa isip mo!
I asked my lolo (para di kayo maguluhan, I call him Tol instead of lolo) , "Tol, paano kayo nagtagal ni lola?", and then he smiled while looking into my lola, "pinili naming magtagal. Lagi naming pinipili ang isa't isa kahit na gaano pa kahirap ang sitwasyon", then I realised...its a choice. Kasi kung choice nyo talagang tumagal, tatagal talaga kayo.
Sabi nila, kung gusto mo daw makasama ang taong yan, lagi niyong piliin ang isa't isa. Always choose that person.
So kung duwag ka at hindi mo kayang ipaglaban ang pagmamahalan ninyo o ang nararamdaman mo then, TALO KA!
Sa isang relasyon kasi, iba't-iba ang mga dahilan kung bakit minsan ay natutuldukan ang matatamis na pinagsamahan. Lalo na kung nagiging kumplikado ang lahat. Yung tipong lumalaki ang maliliit na issues.
Yung akala mong kayo talaga ang para sa isa't isa... haha... 'akala' mo lang pala.
Kaya heto ang mga tips kung paano makakaiwas sa masalimuot na BREAK UP!
NUMERO UNO!
Trust me~(-)Selos dito... selos doon...
Minsan sa sobrang pagseselos mo nagiging praning ka na at hindi mo na namamalayan na nagiging toxic na yung relasyon niyo.
Yung tipong oras-oras kailangan itext ka niya, tapos dapat din niyang ipaalam sayo kung saan siya pupunta. Ultimong bawat paghinga niya kailangan alam mo.
Minsan kasi, sa pagiging possessive mo, yung tipong gusto mo sayo lang iikot yung mundo niya which is hindi naman dapat. Hindi na kasi healthy ang relasyon niyo dahil sa laging pag-aaway ninyo na siyang idinudulot ng pagseselos.
Sa relasyon kasi, kailangan niyo ng trust para maging pundasyon ninyo.
At kung gusto mo ring pagkatiwalaan ka... then sana naman maging katiwa-tiwala ka.
Dos!
PriorityIparamdam mo sa kanya na isa siya sa mga priorities mo. Huwag mo siyang balewalain kahit sa maliliit na bagay lamang. Huwag kang makalimot sa mga occasions or anniversaries n'yo.
BINABASA MO ANG
Psst, I loved You! (with past tense)
RandomIkaw ba'y... Sinaktan? Niloko? Pinaasa? Pinagpalit? Iniwan? Na-friend zone? well ang librong 'to ay magtuturo sa'yo ng mga payo para mabawasan ang sakit na nadarama mo. Ang librong sinulat ng napakagandang nilalang na ito ay naglalaman ng mga tip...