Kung talagang 'minahal mo nga siya' eh matagal ang panahong kailangan para nakalimot.
Pero heto ang ilan sa mga puwede mong malaman kung pwede ka nang magmahal ulit.
Damhin ang sigaw ng puso
1. Affected ka pa ba tuwing naririnig mo ang pangalan niya?
2. Nasasaktan ka pa ba tuwing nakikita mo siya?
3. Apiktado ka pa rin ba sa t'wing tinutukso ka ng mga kaibigan mo tungkol sa past mo?
4. Kaya mo na bang tignan siya sa mata t'wing magkausap kayo?
5. Kaya mo na bang makasalamuha siya?
Kung ang sagot mo ay 'hindi na' mula 1 hanggang 3 at 'oo' naman mula 4 hanggang 5, well! CONGRATULATIONS! At sa wakas ay nakagraduate ka na mula sa pagiging shunga! Haha←_←
Handa ka na nga ba?
Tanungin mo ulit si Self...
Kapag wala ka nang galit, sama ng loob o hinanagkit d'yan sa puso mo at napatawad mo na ang mga taong naging dahilan kung bakit nagkagulo ang tahimik mong mundo ay masasabi mo nang 'Ready na ko'
Remember!
Kung dadating ka na sa puntong, tatanggap ka ulit ng taong magmamahal sayo... expect pains. Wala naman kasing perpektong tao na nabubuhay dito kaya wala ring perpektong relasyon.Three-month rule
Yan yung hindi ka nagko-commit kahit kanino within three months.
During those months ay nilalaan mo lamang ang mga oras at panahon mo para sa sarili mo at para makamove-on ka.
___________________________________________
Paano maging masaya 'ulit'?
1. Forgive
Free your heart from hatred. Try to forgive but don't forget. Try mong patawarin sila at wag magtanim ng galit dahil lalamunin nito ang kasiyahang natitira diyan sa puso mo.As what I've said. Biktima ako ng depression at umabot na ko sa puntong gustong-gusto ko nang magpakamatay. Pero bigla ring sumagi sa isip ko na... ano nalang kaya ang mangyayari kay mama kung wala na ko?
Kaya imbis na gumanti ako ay pinagdasal ko nalang sila. Tuwing may problema ako pumapasok lagi ako sa kuwarto at nagkukulong hindi para saktan ang sarili ko kundi para kausapin si God. Tuwing nagaglit ako pinapakalma ko nalang ang sarili ko at sasabihing 'Kalma self! Di naman totoo yan. Sadyang insecure lang sila'. Hayaan mong si God nalang ang bahala sa kanila.
2. Wag mag-over think
Yung tipong nagkakagulo na nga ang lahat tapos guguluhin mo pa yung utak mo. Stop worrying and start thinking happy thoughts.
Hayaan mo naman ang self mong huminga.
Inhale... exhale!!
3. Give more
Tumulong ka hangga't kaya mo. Wag nang maghintay ng kapalit. Ika nga nila the more you give the you receive. He will give you more, wag kang mag-alala.Promise! Napakagaan sa feeling na marami kang natutulungan.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Time out!
This time try to give your self a break! Magpahinga ka muna.
BINABASA MO ANG
Psst, I loved You! (with past tense)
RandomIkaw ba'y... Sinaktan? Niloko? Pinaasa? Pinagpalit? Iniwan? Na-friend zone? well ang librong 'to ay magtuturo sa'yo ng mga payo para mabawasan ang sakit na nadarama mo. Ang librong sinulat ng napakagandang nilalang na ito ay naglalaman ng mga tip...