dedicated to whokersanyway, my siz sa wattpad hihi, and first commentor na rin. mwua :*
***
CHAPTER ONE: THREAT
- Maya's POV -
It's Valentines Day.
Nandito ako ngayon sa kitchen ng school at kakatapos ko lang ibake ang favorite brownies ni Jamey. Medyo inaantok pa nga ako kasi ang aga ko pumunta dito. Bawal kasi ang students sa kitchen pero nilabag ko ito para may maibigay lang ako ngayon kay Jamey.
Ganun talaga. Lahat gagawin mo para sa mahal mo.Yiii.
Tsaka, ngayon na rin ako aamin na may gusto ako sa kanya. Gosh, kapag naiisip ko yung kinakabahan ako.
May oras pa naman ako, kaya after ko maglinis ng kitchen, umupo ako sa may isang stool at sabay yumuko. Hindi ko na malayan, nakatulog na pala ako.
(Maya's dream)
Nasa unahan na ako ng altar. Tapos na rin ang entrada ng lahat ng bridesmaid, ring bearer at iba pa.
Ang kulang na lang ay ang groom.
Tumunog na yung kampana, nagsimula ng kumanta ang mga ibon.
*tuntuntunun*
Nagsitayuan na ang lahat. Bumukas ang malaking pintuan at iniluwa nito ang napakagwapong nilalang, si Jamey King.
My one and only groom.
Mahihimatay na ako kilig. Naiiyak na ako sa tuwa habang pinapanuod ang slow motion na lakad ni Jamey papunta saakin.
Kaso, bigla siyang tumigil sa paglalakad. Tumigil na rin ang mga ibon sa pagkanta. Anong nangyayari?
"Maya." Malungkot ang expression ng mukha niya. "I'm sorry!"
Matapos niya sabihin yun, tumakbo na siya palayo.
(End of Maya's dream)
"JAMEY WAAAG!!!!"
"Anong jamey wag ka dyan? Hoy Mayatot. Kanina pa kita hinahanap. Umalis na tayo dito at baka mahuli pa tayo oh. Mukha kang naiwanan sa altar ng groom mo."
Panaginip lang pala yun pero pati ba naman sa panaginip hindi ako magugustuhan ni Jamey ko? Uwaaa. Lagyan ko kaya ng gayuma yung mga brownies? *insert evil grin here*
"Uy brownies. Patikim nito ha" Bumalik ako sa realidad at inagaw agad yung box sa kamay ni Vince.
BINABASA MO ANG
Have You Seen Maya?
Teen Fiction[TAGLISH] Jamey gets really annoyed everytime Maya acts crazily inlove with him. Then one day, Maya stop attending school and everyone blames Jamey. When he thought he finally get rid of her, she suddenly appears infront of him but as a ghost. Will...