dedicated to heyitsyanny :3
***
CHAPTER FOUR: STAND-OUT MOMENT
- Jamey's POV -
"Kain na kayo" sabi ng mama ni Maya matapos niya ihain ang dalawang juice at konting tinapay sa harapan namin.
Kumuha na rin si Vince ng isang piraso kaya kumuha na rin ako. Kaso nung aabutin ko na yung tinapay ay agad kinuha ito ng mama ni baliw para i-alok ulit kay Vince. "Kuha ka lang Vince. Huwag ka ng mahiya. Hindi ka rin naman bago saakin, parang anak na rin turing ko sayo."
Ito naman si mokong tinawanan muna ako bago kumuha ulit ng isa pang piraso. "Salamat Tita."
Nabaling naman saakin yung tingin ng mama ni Maya at ako naman ang inalok niya ng tinapay na parang napipilitan lang. "Oh. Kuha ka din iho."
Kinalibutan ako bigla sa tingin niya sa akin kaya nasabi ko na lang, "Okay lang po. Diet po ako. Salamat po"
Tinaasan niya lang ako ng kilay sabay balik ng tingin kay Vince na nakangiti. May galit ba saakin ito? She's treating me like a criminal who just bailed from the jail after doing something bad.
Is it because I rejected her daughter?
Nasaan ba kasi si baliw?
"Bakit pala kayo nandito?"
Hinayaan ko na lang si Vince ang makipagusap, tutal siguradong hindi naman ako papansinin ng mama ni baliw. Minabuting manahimik na lang.
"Nabigla po kasi ako sa sinabi niyo po saakin kanina sa call. One week na rin pong hindi umuuwi si Maya?"
Ah! Kaya pala ganun ang trato saakin ng mokong na ito kanina. Ako pala yung sinisisi niya dun.
"Oo. Akala ko nga busy siya sa school kaya hindi talaga siya umuuwi. Pero okay na, nagtext na siya saakin ngayon na doon na muna siya sa bahay bakasyunan namin para makalayo sa isa dyan. Grabe daw siya nasaktan kaya need niya daw makalimot muna at mag move on"
Napunta yung tingin ng mama ni baliw saakin. Ayan na naman, kinalibutan na naman ako kaya umiwas na lang ako ng tingin at yumuko.
"Talaga po? Buti po pinayagan mo siya"
"Kahit labag sa kalooban ko, sa tingin ko kailangan niya ito. Para na din makalimutan niya ang kahibangan niya sa lalaking yan." sabi niya sabay tingin ulit saakin.
Nagkunyare akong nililibot ang paningin sa bahay nila para makaiwas. Ayoko tumingin at baka bigla akong malusaw sa tingin saakin ng mama ni baliw. Bakit ba talaga kasi ako sinama ng mokong na ito dito? Pinaparusahan niya ba ako?
BINABASA MO ANG
Have You Seen Maya?
Genç Kurgu[TAGLISH] Jamey gets really annoyed everytime Maya acts crazily inlove with him. Then one day, Maya stop attending school and everyone blames Jamey. When he thought he finally get rid of her, she suddenly appears infront of him but as a ghost. Will...