dedicated to PixieBlanch :3
***
CHAPTER THREE: HALLUCINATIONS
- Jamey's POV -
"YOU! YOU DID THIS!"
Hindi niya ako binibitiwan kaya tinutulak ko siya para makawala kaso tumigil ako kasi mukhang mapupunit na yung uniform ko kung pipilitin ko pa. Bigla ba naman ako kinuwelyuhan ng gago.
"Bitiwan mo nga ako! Anong pinagsasabi mo?!"
"At talagang feeling inosente ka ha! Ito sayo!" Akmang susuntukin na niya ako nang bigla siya napahawak sa may batok niya at napa-aray kaya nabitiwan na rin niya ako.
Tumalikod siya.
"SINO KANG GAGO KA?!"
Luh! Sinong kausap nito? Ito yata nagagawa kapag kaibigan mo si baliw eh, nagiging baliw na din. Ienroll ko kaya ito sa mental hospital?
Tapos humarap na siya saakin, "Sino? Sabihin mo saakin kung sino yung bumatok saakin?"
Napataas ako ng kilay, "Wala namang tao sa likuran m--ay baliw!"
Nanlaki yung mata ko nang makita ko si baliw sa likuran ni Vince na tumatawa pero bigla siyang nawala na parang bula.
"Baliw? Asan yung baliw? Lagot saakin yun" Habang busy sa paghahanap si Vince kung sino yung bumatok sakanya, nagsimula na rin akong maglakad para makatakas sa kabaliwaan nito.
Pero ano yun? Hindi maaalis sa isip ko yung nakita ko kanina. I'm sure I saw baliw or am I just imagining things?
That's weird.
Bumalik na ako sa classroom at nakita kong nagdidiwang silang lahat kasi may meeting daw ang lahat ng teachers kaya free na ang buong hapon namin. Bakit kaya hindi nalang nila kami pinauwi diba? Hassle pa.
Napagdesisyunan ko na lang na yumuko kasi mukhang sumakit ang ulo ko sa kaiisip nung ano ba talaga yung nakita ko kanina. Mabuti pa't itulog ko na lang ito.
An enemy has been slain.
Tsk. Napaka ingay maglaro nung sa gilid ko. Humarap ako sa kanan kaso parang nakaramdam akong parang may nakatitig saakin kaya iminulat ko yung mga mata ko.
Laking gulat ko nang makita ko si baliw sa harapan ko with the same position nung saakin.
Pero katulad din nung kanina, nawala na naman siya bigla. Kinusot ko pa nga yung pareho kong mata pero wala na talaga. Aurgh. What's this?
BINABASA MO ANG
Have You Seen Maya?
Ficção Adolescente[TAGLISH] Jamey gets really annoyed everytime Maya acts crazily inlove with him. Then one day, Maya stop attending school and everyone blames Jamey. When he thought he finally get rid of her, she suddenly appears infront of him but as a ghost. Will...