PROLOGUE

43 3 0
                                    

Naabutan ni Renz ang mga magulang sa sala na nagbabangayan.

"Mamili ka! Kami ng anak mo o yung babae mo?" saad ng kanyang ina.

Nanunuod lang si Renz sa kanila habang hinihintay ang sagot ng ama na ikinagulat niya.

"Buntis siya Melisa" sambit naman ng kanyang ama.

Halos di na siya makagalaw sa kinatatayuan niya.

May babae si dad?

And she's pregnant!

Samo't saring emosyon ang nararamdaman niya sa kasalukuyan. Hindi pa man tuluyang na proseso sa isipan niya ay nagsalita na naman ang kanyang ama.

"I want an annulment" muli nitong sambit.

Bigla namang napaluhod ang kanyang ina sa harap ng ama niya.

"Please Karl! Wag mong gawin samin to!" Pagsusumamo ng kanyang ina.

Ngunit tila bingi ang kanyang ama.

"I don't love you anymore, Melisa" may diing saad nito.

Napahikbi naman ang kanyang ina, Umiling ito.

"No no, Karl please alang-alang kay Renz, wag mo namang gawin to" pagmamakaawa ng ina niya.

Lumapit ito sa kanyang ama habang nakaluhod at kumapit sa binti nito.

"Renz is a smart boy, maiintindihan rin niya ito" kalmadong saad ng ama niya  na pilit binabaklas ang kamay ng ina niya mula sa pagkaka kapit sa binti.

Hindi na napigilan ni Renz ang kanyang galit. Umalis siya at dumiretso sa sariling silid niya at doon niya ibinuhos ang kanyang galit.

"Arghhh!!!" Sigaw niya dahil sa inis.

Hinagis niya ang lahat ng bagay na nakikita niya pati ang cover ng kanyang kama ay di nakaligtas sa galit niya.

Napahinto siya ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid. Bumungad sakanya ang mga magulang nito. Napadako ang kanyang tingin sa namumugtong mata ng kanyang ina. At galit na napatingin sa ama.

"You want an annulment, right?" Walang emosyong tanong niya sa ama.

Nanlaki naman ang mata ng kanyang ama na animo'y nagulat sa inasal ng anak pati rin ang ina nito.

"Renz" pag agaw ng atensiyon ng ina niya dahil di pa rin umaalis ang tingin niya sa kanyang ama.

"What mom? Diba yan ang gusto niya?" Sarkastikong saad niya sa ina.

Samantala........

Halos hindi na maawat ni Jen ang mga luhang nag uunahan sa pag agos.

Nakaluhod siya ngayon sa harap ng libingan ng kanyang magulang, kakalibing lang nito sa kanila.

Lahat ng kamag-anak niya ay nakauwi na, siya naman ay nagpaiwan muna. Habang umiiyak ay bigla namang bumuhos ang ulan na tila nakiki-dalamhati sa kanya.

Siya na lang ang natira matapos ang trahedyang nangyari sa pamilya niya. Ayaw niyang umuwi sa kanilang bahay dahil siguradong malulungkot lang siya doon, kaya napagdesisyunan ng mga kamag-anak nila na doon na siya manirahan sa Italy sa bahay ng kanyang Tita Grace ang kapatid ng kanyang ina.

"Mom..Dad..I'm sorry po kung di ko kayo napagtanggol, I'm sorry po. Pangako po, hindi na po ako iiyak, magiging matapang na po ako. Kapag umiyak man po ako ibig sabihin lang nun ay pagod na ako,hindi ko na kaya at suko na ako" maluha luha niyang saad sa puntod ng mga magulang.

Tumayo siya at naglakad na  hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan.

When An Angel CryWhere stories live. Discover now