Chapter 1

17 2 0
                                    

"Still in pain"

2 years after...

Renz POV

"Wooohhh!!" Hiyawan ng mga tao dito.

Nandito ako ngayon sa loob ng isang bar. Actually araw-araw ako nandito. Simula ng iwan kami ng gong-gong kong ama.

"Dude you look like a shit. Ilang araw ka na ba dito? Di kana halos umuuwi ah" komento ng kaibigan kong si Luke.

Di na talaga ako umuuwi sa bahay. Napapagod na kase akong makinig sa mga iyak ni Mommy. Gabi gabi siyang umiiyak, Ewan ko kung ba't iniiyakan pa niya ang gagong yun!

"None of your business Luke" saad ko.

"Dude! Araw-araw kinukulit ako ni Tita kung nasan ka! I'm sorry dude, ayoko nang magsinungaling pa." Saad naman niya.

What!

"Dude, don't tell na sinabi mo kay Mommy kung nasan ako" pagbabanta ko.

"I won't tell you then" nakangisi niyang saad.

Shit!

Napasapo na lang ako sa aking nuo.
Kainis naman to, paanu kung pumunta si Mommy dito? Iiyak na naman siya! Ayoko na! Kahit ilang taong na ang lumipas matapos kaming iwan ng gagong yun the pain is still here.

Di naman basta basta nawawala yun diba? Kainis naman si Luke.

Ayoko pang makita si Mommy. Baka mas lalo lang akong masaktan kapag nakita ko siya.

"Dude" tawag ni Luke at may tinuro sa likuran ko.

Napakunot naman ako ng nuo.

"What!" Inis na saad ko

"Your mom" simpleng sagot niya.

Natigilan ako sa sinabi niya.

My mom?

Awtomatikong napalingon ako sa likuran.

Mom.

Namumugto ang kanyang mga mata na halatang kakagaling lang nito sa iyak.

"Renz" naluluhang saad niya.

"Maiwan ko muna kayo Dude, Tita" paalam ni Luke.

Tumango ako.

"Thank you" saad naman ni Mommy Kay Luke.

Napatango lang si Luke at umalis.

"Renz please come home" pagmamakaawa ni Mommy.

Nilapitan niya ako at hinawakan sa pisngi gamit ang mga palad niya.

"Please Renz" muli niyang saad.

Napatingin ako sa mga mata niya.

"Umiyak ka na naman" saad ko

"Akala ko kase iniwan mo na ako eh, please uwi na tayo Renz" saad niya habang namamalibis ang mga luha.

When An Angel CryWhere stories live. Discover now