Chapter 6

11 0 0
                                    

"Worried"

Jen's POV

Nakita kong lumabas si Renz, narinig kong sinasabi niya kanina na sana hindi ito malaman ni Tita Melisa.

Saan kaya siya pupunta? Nagpaalam muna ako kay Luke na susundan ko siya. Ayos na naman ako eh, kaya pwede na akong lumabas.

Nakita ko siyang nakaupo sa bench at nakaharap sa mga bulaklak.

"Renz" tawag ko sakanya.

Alam kong narinig niya ako, pero hindi niya ako nilingon. Kaya umupo ako sa tabi niya.

"Galit ka ba sakin?" Tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit sayo? Eh ang bait-bait mo nga eh!" Sarkastikong saad niya.

"Alam mo yun? Yung nagagawa mo pang ngumiti sa taong dahilan kung bakit ka nandito" saad niya pa.

Eh hindi naman alam ni Luke na  bawal ako sa hipon.

Bakit ba siya nagagalit?

"Eh hindi naman yun kasalan ni Luke" depensa ko.

Tagis bagang tumingin siya saakin.

"Pinagta-tanggol mo po siya, alam mo bang ako ang malalagot kapag may nangyaring masama sayo? Tulad ngayon! Di ko nga alam kong bakit mas itinuturing ka pa ngang anak ni Mommy kaysa sakin."naiinis niyang saad.

Kaya ba siya nagkakaganyan? Dahil mas tinuturing pa akong anak ni Tita kaysa sakanya? Hindi ko alam  yan pala ang nasaisip niya.

Napayuko na lang ako, ayoko makita kung gaanu ka galit ang mga mata niya sakin.

" I'm sorry"saad ko.

"I'm sorry? Gasgas na sakin yan eh! Hindi ako galit, naiinis ako! Alam mo ba kung bakit?" Saad niya na para bang nanggigil.

Napa-angat ako ng tingin sakanya at sabay iling.

"Dahil sobrang bait mo! Yun ang kina-iinisan ko!" Singhal niya sakin.

Napaigtad naman ako sa taas ng boses niya.

Naiinis siya dahil sa sobrang bait ko? Tama ba yun?

"Subukan mo kayang mag sungit minsan" saad pa niya.

Napailing ako

"Ano?!" Inis niyang saad.

Hindi ko kaya yun!

"Ayoko, hindi ko magagawa yun" saad ko naman.

Humalakhak siya.

When An Angel CryWhere stories live. Discover now