Chapter 3

10 1 0
                                    

"Clumsy"

Renz POV

Maagang umalis si Mommy, meron daw siyang isang linggong business trip sa Cebu. Ibig sabihin kami lang dalawa ng babaeng yun dito!

Kainis talaga si Mommy, ba't kase pinayagan niyang dito tumira ang babaeng yun. Akalain niyo yun, binilin niya pa sakin na bantayan ko daw si Jen!

Damn! Malaki na talaga yung sira ni Mommy sa ulo.

Napabangon ako kase may naamoy ako, at sigurado akong galing sa kusina yun. Kaya naman di na ako nag dalawang isip pa na magtungo sa kusina. At di nga ako nagkamali, dahil naabutan ko si Jen at andaming usok sa galing sa stove. Kaya dali-dali akong pumunta sakanya, at in-off ang stove.

"Balak mo bang sunugin ang kusina namin?" Inis na usal ko.

Halatang nagulat siya sa pagsulpot ko. Napakurap siya, tsaka ngumiti at nag peace sign sabay sabing...

"Sorry"

May topak siguro to no! Saan ka kaya  makakakita ng taong sinigawan na nakuha pa rin niyang ngumiti?

"I just wanna cook some breakfast" paliwanag niya.

"Talaga? Eh sinusunog mo na yung kusina namin eh!" Singhal ko.

Napayuko naman siya.

"Sorry, di kase ako marunong magluto eh" saad niya.

Ano!

"Di ka marunong?" Parang di makapaniwala kong tanong.

Napailing siya.

"Si Mommy kase gumagawa nun eh" muli niyang saad.

Pambihira! Akala ko pa naman marunong siya.

"Edi sana sakanya ka nagpaluto, hindi yung susunugin mo ang kusina namin!" Saad ko.

"I'm sorry" yan lang ang saad niya at muling yumuko.

"Tsk, Clumsy" ismid ko.

"Bakit ba hindi ka sa mommy mo magpaluto!" Suhestiyun ko..naiinis na talaga ako.

Napa-angat siya ng tingin.

"Sana nga, pero hindi pwede eh" malungkot niyang saad.

Huhh? Bakit kaya?

"Basta, it's a private" saad lang niya.

Private? Na naman!

Pakiramdam ko may tinatago talaga to, Ewan ko lang. Kung ano man yan malalaman ko rin yan.

"I'm sorry ulit" paghihingi niya ng tawad.

Meanwhile...

ding *

dong *

Dali-dali kong binuksan ang pintu nang marinig ko ang tunog ng door bell.  Baka kase si Luke yun, pupunta daw dito ngayon eh. Nalaman niya kaseng wala si Mommy para daw di ako ma bored. Sira rin talaga ang isang to eh!

When An Angel CryWhere stories live. Discover now