Chapter 2

11 2 0
                                    

"First Encounter"

Jen's POV

Maghahating gabi na nang makarating ako sa bahay nila  Tita Melisa. Nag door bell muna ako, baka kase tulog na sila.

"Sandali lang!"rinig kong  may sumigaw mula sa loob.

Maya maya'y bumukas ang gate at iniluwa nito ang isang magandang babae. Napangiti siya ng makita ako.

" Jen"nakangiti niyang saad.

Lumapit siya at niyakap ako.

"Ang laki mo na pala" saad niyang muli.

"Magandang gabi po Tita" saad  ko nang kumalas na siya.

Sa ganda niya tila naubusan ako ng salita. Di ko alam ang sasabihin ko.

"Naku! Pumasok na muna tayo sa loob" nakangiti niya pa ring saad.

Tumango lang ako at sumunod sakanya. Pagpasok namin sa  loob, ang ganda ng loob maaliwalas ito tignan.

"I know you're tired, halika ituturo ko sayo ang magiging  room mo" saad ni Tita habang hila-hila yung kamay ko.

Nagpahila na lamang ako sakanya, pagod na talaga ako ang haba ba naman ng biyahe eh.

"Pagpasenyahan mo to ha, maliit lang talaga itong guest room namin" paghihingi niya ng pasensya.

"Don't worry po, ok lang po. Marami pong salamat" saad ko.

Maliit naman talaga ito, pero ok lang. At least may matutulugan ako. Maliit naman ako eh kaya kasyang kasya.

Hinawakan ni Tita ang balikat ko.

"Sige magpahinga ka na, bukas na lang tayo mag usap" saad niya na para bang isa niya akong anak.

"Opo, good night po" saad ko naman at humalik sa pisngi niya.

Niyakap niya ako muli at hinalikan sa nuo.

"Good night, Jen" saad niya at nagtungo sa room niya na nasa tapat lang pala ng guest room na to.

Pumasok na ako sa magiging bago kong room. Itinabi ko muna ang dala kong maleta, bukas ko nalang aayusin to. Humiga ako sa kama, at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.


Kinaumagahan nagising ako ng tumunog yung tiyan ko. Bago ako lumabas naisipan kong maligo muna. Pumasok ako sa bathroom, at nagsimula ng maligo. Kumanta kanta pa ako para ma feel ko talaga ang shower.

Renz POV

May narinig akong parang may kumakanta, di naman marunog kumanta si mommy kaya imposible namang siya yun.

Sinundan ko kung saan nagmumula ang tunog na yun dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng guest room na katapat lang ng room ni Mommy.

Pinihit ko ang door knob pagbukas ko ay awtomatiko ring bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas ang isang babaeng nakatapis lang at mukhang kakatapos lang maligo.

When An Angel CryWhere stories live. Discover now