Chapter 4

8 1 0
                                    

"That Bitch!"

Renz POV

Kahapon habang tinatanong ni Luke si Jen tungkol sa mga magulang niya, ngumingiti lang siya habang nagkukwento. Pero halata namang pilit lang yun. Magkaiba kase yung ngiting pinapakita niya lagi kaysa kahapon.

Nakita ko rin kung panu ang kumikinang niyang mata napalitan ng lungkot at puno ng pighati. Katulad nung umiiyak si Mommy ng iwanan kami ng gago kong ama. Punong puno ng sakit, hinagpis at pagka lumbay.

Ibang-iba siya talaga kahapon,oo may pagka masayahin siya pero iba yung nakita ko kahapon!

Lungkot

Yun ang nakita ko.

Ulila na pala siya, pero bakit dito siya nakikitira? I'm sure may iba pa siyang kamag-anak dito. Alam kong magkaibigan ang parents namin, pero di yun sapat na dahilan para patirahin siya dito.

Papunta ako sa room ni Mommy dahil may kukunin lang ako dun, dahil magkatapat lang yung room nila nakita kung naka-awang yung pintu niya.

Kita mo tong babaeng to! Di man lang sinara yung pintu niya!

Napasilip ako ng kaunti, nakita ko siyang hawak-hawak ang isang picture frame. Family picture ata nila. Niyakap niya iyon at tumingin sa kisame sabay ngiti ng mapait. Tsaka tinignan ulit yung picture.

"I miss you Mom..Dad..sorry kung wala akong nagawa para iligtas kayo,ang duwag ko kase nun. Pero pangako Mom..Dad..sisiguraduhin kong mananagot siya sa batas ngayon" Saad niya habang hinahaplos ang picture.

May pumatay sa mga magulang niya?

Hindi ko namalayan na nakababa na pala siya ng bed niya. Nilakihan niya yung naka-awang niyang pintu. Hindi man lang siya nagulat ng makita ako. Ngumiti lang siya sakin. Tumingin ako sa mata niya.

Walang Luha!

Paano niya nakayanang itago ang lungkot niya? Baka ayaw lang niyang kaawaan siya. Tulad ko.

"Good morning" nakangiti niyang saad.

"Wag mong pilitin ang sarili mo." walang gana kong saad at pumasok sa room ni Mommy, may duplicate key naman ako.

Kainis kase! Ba't ba niya pinipilit ngumiti kung labag naman sa kalooban niya!

Lumabas ako dala ang cook book ni Mommy, sabi niya kase kunin ko daw to para may susundan ako sa pagluluto.

Naabutan ko sa sala na nakaupo si Allissa, anong namang ginagawa ng babaeng to dito? Lumabas si Jen galing sa kusina na may dalang juice at sandwich tsaka nilapag sa mesang katapat ni Allissa.

"Ang tagal mo naman!kanina pa ako nagugutom eh!" Bungad niya kay Jen.

"Sorry po" saad naman ni Jen

Ano to? Anong akala niya kay Jen utusan? Ni hindi nga siya inuutusan ni Mommy eh!

Grabe talaga ang babaeng to!

"Pasalamat ka mabait ako, alis na! Dun ka sa kusina!" Saad pa ni Allissa.

When An Angel CryWhere stories live. Discover now