Huling Kabanata

26 2 0
                                    

"Sir Cedric, nandiyan na po ang mga bulaklak." bulong ng aking sekretariya

"Sige, ipaayos mo na sa kanila ang mga bulaklak sa loob ng studio." sagot ko sa kaniya

Risk taking. 'Yan ang isa sa pinakamahirap na gawing desisyon. Ang pagsugal sa isang walang kasiguraduhan na kinabukasan. Ngunit hindi ka uusad kung hindi mo handang gawin ang lahat para sa isang desisyon na iyong ginawa. 

"Sir Cedric, gusto niyo pong hawakan ko muna ang inyong camera?" bulong muli niya

"Hindi na, ayos lang ako. Kung maaari ay tulungan mo na lamang ang mga nag-aayos ng bulaklak sa loob." sagot ko

"Sige po." 

Hindi mo makakamit ang iyong pangarap kung uupo ka lamang at magpapakain sa takot na magkamali sa pagdedesisyon para sa iyong kinabukasan. 

"Hoy! Ibalik mo 'yan!" Bigla na lamang may humablot ng camera na hawak ko. Sinubukan ko siyang habulin sa kabila ng kanyang kabilisan sa pagtakbo hanggang sa nahabol ko siya at hinablot muli ang camera.

"Akin na yan! Kay bata bata mo pa nagnanakaw ka na. Gusto mo bang dalhin kita sa pulis?" paninigaw ko sa kaniya. Isa siyang binatang lalake na mukhang nagaaral pa sa kolehiyo.

Sabi nga  sa kanta ni Pepito Manaloto, "Wala ring mangyayari kung hindi mo susubukan."

"Parang awa niyo na po. 'Wag niyo po akong ipakulong. Kailangan ko lang ng magandang camera para sa aming proyekto." pagmamakaawa niya. Magsasalita pa sana ako nang may biglang dumating na babae na mga nasa edad singkwenta at piningot siya sa tenga.

"Ikaw talaga Ramon! Umaabsent ka na naman sa eskwelahang bata ka! Kay mahal mahal ng binabayad ko para sa tuition fee mo tapos hindi ka naman pumapasok! Hala sige bumalik ka sa eskwelahan at mag-aral ka!" paninigaw ng babae, na tila kaniyang ina

Tumingin sa akin ang binata at parang bang nangungusap ang kaniyang mga mata na tulungan siya. Ayoko sanang sumingit sa kanilang pagtatalo, ngunit mayroon sa loob ko na nagtutulak na tulungan siya, maaari ay dahil parang nakikita ko ang aking sarili sa kaniya.

"Ma'am, pinatawag ko po talaga si Ramon upang kausapin tungkol sa kanilang proyekto. Kailangan daw nila ng tulong mula sa isang propesyonal na photographer." pagsusuhestiyon ko

"Ganun ba sir? Ah sige po, paumanhin po sa aking pagdalos-dalos na pananalita. Ngunit, ang kaniyang kurso ay medisina, bakit kailangan nila ng camera?" Napatingin ako sa binata dahil akala ko ang kaniyang kurso ay konektado sa photography. Ngunit yumuko lamang siya.

Hindi magiging madali ang magiging daan patungo sa pagkamit ng iyong pangarap, ngunit lahat ng iyon ay sulit kung ang magiging kapalit noon ay ang kinabukasang napakaganda.

"Ah may kailangan po kasi silang kunan na letrato tungkol sa mga taong may sakit na cancer, upang pag-aralan nang mas malalim ang kanilang pamumuhay at kalagayan." pagsisinungaling ko

"Ah ganun ba? O siya sige, mauna na po ako at baka nakakaabala na ako." at naglakad na siya paalis

"Maraming salamat po sir. Kahit hindi niyo ako kilala ay tinulungan niyo pa rin po ako." pagpapasalamat ni Ramon

"May kapalit iyon." sagot ko

"Ano po iyon? Wala po akong malaking halaga ng pera sa ngayon. " pagtataka niya

Ngunit sa paglakad patungo sa kinabukasang iyon, ay may mga bagay na dapat natin isakripisyo. Kasama na doon ang mga bagay o tao na nagbibigay sa atin ng kasiyahan.

"Simple lang. Ibibigay ko sa'yo ang camera na ito kapag tama ang iyong sagot sa aking katanungan." 

"Talaga po? Ano po iyon?" 

The Second Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon