Ikaanim na Kabanata

34 4 0
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa classroom, biglang may tumawag sa'kin,

"Uy Cedric! Nagiging snob ka na ah. Hindi ka na yata namamansin ngayon. Tsk." si Abi pala ang tumawag sa akin

"Busy lang." wala talagang kaalam-alam ang babaeng 'to. Haist.

"Busy saan?" at makulit pa rin

"Nagfi-freelance ako sa mga binyagan o kasal." sana huminto na siya sa pagtatanong, gusto ko munang lumayo sa kaniya

"Wow! Galing talaga ng bestest friend ko! So proud of you Cedric!" masaya niyang sabi at akmang yayakapin ako

Lumayo agad ako.

Una, dahil ayokong makasira ng bagong niyang relasyon. Pangalawa, dahil ayokong mag-take advantage sa kaniya. At pangatlo, baka hindi ko na siya pakawalan.

"Tss. Arte naman neto oh. Nagbago ka na!"

"May boyfriend ka na." paalala ko sa kaniya, pati na rin sa akin

Napangiti naman siya sa sinabi ko, kasabay ng pagkirot sa puso ko.

"Speaking of. Sama ka sa'min sa isang araw. Labas tayong tatlo para mas makilala mo siya. Mabait 'yon. Hindi lang siya pogi. Maalalahanin, magaling kumanta at maggitara, gentleman, matalino, masipag, at higit sa lahat mapagmahal!"

Sige budburan mo pa ng asin yung sugat.

"Huy! Ano na? Sama ka ha? I don't accept no as an answer alam mo yan." pamimilit niya

Sige itanong mo kung mahal kita, you won't really receive no as an answer.

"Oo yan ha. Silence means yes haha. Dun tayo sa Lover's Park magkita-kita, mga 6:30 pm. Sagot daw ni Ethan haha."

Lover's Park?

Hindi pa ba siya aalis? Hindi ba siya nakakaramdam kahit konti?

Ganyan ka ba kamanhid?

O ganito lang ako kagaling umarte?

Sabi ko mas 'di ko kakayanin na hindi na siya maging kaibigan at makausap. Masakit din palang hanggang kaibigan lang talaga.

"Huy! Hello? May problema ka ba Cedric? Sabihin mo sa'kin, makikinig ako."

Hindi pa ba kami makakarating sa classroom, ngayon ko lang naisip na ang layo pala ng classroom namin mula sa gate.

"Wala akong problema. Mahirap lang yung topic sa Calculus."

Ano? Yun na yata ang pinaka-lame na sagot. Napakamot na lang ako sa ulo ko at pinipigilan na batukan ito.

"Hala! Totoo ba nahihirapan ka dun? Mukhang madali lang naman ah? Gusto mo turuan kita?" lumayo ka na lang sa'kin, mas makakatulong ka

"Hindi na. Manonood na lang ako sa youtube."

Pakiramdam ko isang oras na kaming naglalakad. Hindi pa ba kami makakarating sa room?

Ang sakit ng sinasampal ka ng katotohanan, lalo na sa kaniya pa nanggagaling ang mga salita. Hindi ko matanggap. Ayokong pakinggan.

"Pare! Kanina pa kita hinahanap. Ano halika na? Ay. Hi Abigail andyan ka pala." biglang akbay ni Miggy sa balikat ko

"Miggy saan kayo pupunta? Sama ako." paniningit ni Abi

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ang sinasabi ni Miggy. Pero isa ang alam ko, tinutulungan niya akong lumayo kay Abi.

"Sorry Abigail, for boys lang eh. Paano? Mamaya na lang. May pupuntahan lang muna kami ni Cedric. Bye Abigail!" at hinila na ako paalis ni Miggy

Masyado na bang halata na broken hearted ako? 

At nang makalayo-layo na kami,

"Uy pare ayusin mo itsura mo, masyadong halata na BH ka haha." pang-aasar niya sa akin

Tahimik lang ako. Pero yung utak at puso ko nagwawala. Paulit-ulit na inaalala ang mga salitang sinabi ni Abi kanina at kung gaano siya kasaya sa piling ng iba.

"Ano ba sinabi niya sa'yo?" pagpapatuloy niya

Naglabas muna ako ng malalim na buntong hininga bago sinabing, "Pare, akala ko masakit na nung nalaman ko. Iba pala yung sakit kapag sa kaniya pa nanggaling."

Napabuntong hininga rin si Miggy pagkatapos kong magsalita. Nandadamay pa ako ng iba.

"Inaya niya akong sumama sa date nila para raw makilala ko yung boyfriend niya." pagtutuloy ko

"Double kill pare! Hindi ko na tatanungin at alam ko namang hindi ka papayag don. Dapat lang pare, lumayo ka muna para hindi ka masyadong masaktan." pagpapayo niya sakin

"Pumayag yata ako eh." mahina kong sinabi

"Ano?! Bakit ka pumayag? Gusto mo bang parusahan yung sarili mo?"

"Ang tagal mo kasing dumating eh. Hindi ako makapagsalita kapag kasama ko siya." sagot ko sa mga tanong niya

"Ha? Anong klaseng excuse yan? May bibig ka pare, kung ayaw mo talaga, ang daling sabihin. Sigurado ako, gusto mo ring sumama don. Kilala kita pare."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kilalang-kilala nga niya ako.

Tama si Miggy, may parte sa akin na gusto ring sumama sa gabing iyon.

"May parte sa akin na.." nahihirapan akong sabihin sa kaniya

"Na ano?"

"May parte sa akin na gustong.. na gustong makita yung ngiti sa mga labi niya kapag kasama niya si Ethan." pagpapaliwanag ko

Tahimik lang si Miggy na nakatingin sa akin at hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Para kapag nakita ko yung mga ngiting iyon, matanggap ko na. Matanggap ko na yung katotohanang kailangan ko na siyang pakawalan, at kalimutan ang aking nararamdaman." pagpapatuloy ko

"Sa pagpatay ko sa puso ko, baka sakaling mabuhay ang isip kong dati kong pinatay."

The Second Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon