Ikaapat na Kabanata

39 4 0
                                    

"Pssst. Pssst. Cedric!" pabulong na tawag sa akin ni Abigail, na katabi ko ngayon sa loob ng classroom

"Ano?" mahina kong tanong sa kaniya

"May sasabihin ako sa'yo mamaya hihi."

Mukhang masaya siya at excited sa sasabihin niyang balita, ano kaya 'yon?

"Sige mamaya na at makinig muna tayo kay Miss."

"Ayy parang gusto ko ng ikwento ngayon sa'yo." pagmamaktol niya

Kahit kailan ang iksi ng pasensya ng babaeng ito haha.

"Mamaya na at hindi ko na maintindihan tinuturo ni Miss."

"Hmp. Magpaturo na lang tayo kay Miggy mamaya."

"Hindi pwede."

"Ha? Bakit naman hindi pwede? Magkagalit ba kayo?" hindi ko alam kung concern 'to o chismosa lang talaga eh haha

"Nope. We're good." maiksi kong sagot dahil wala na talaga akong maintindihan sa tinuturo

"Isusulat ko na lang sa papel, Cedric."

Tumango na lang ako bilang tugon sa kaniyang sinabi.

At habang nagtuturo ang aming professor, siya naman ay bakas ang ligaya habang nagsusulat sa papel. Masaya na akong makita ang mga ngiting iyan, kahit hindi ako ang dahilan.

Maya-maya ay may inabot na siya sa aking papel nang palihim at baka kami ay mahuli ng aming guro.

Bakit may pakiramdam ako na hindi ako matutuwa sa isinulat niya sa papel?

"Buksan mo na Cedric, dali!" excited niyang sabi

"Mamaya na lang, after class." bulong ko

"Ngayon na! Kaya nga sinulat ko na para mabasa mo na ngayon." may halong pagtatampo ang kaniyang pagsasalita

Hindi ko na muna siya pinansin.

"Akin na nga! Wag mo na lang basahin." at sinubukan niyang agawin sa akin ang papel

Hinila ko naman ito pabalik, at pinilit pa rin niya itong hilahin. Kinakabahan na ako at baka mapagalitan kami ng aming professor, pero alam kong mahalaga sa kaniya ang nakasulat kaya nais ko pa rin yung malaman.

Hanggang sa hindi inaasahan ay napunit ang papel.

"Mukhang ayaw yata ipaalam sa'yo ng tadhana ang sasabihin ko ah." panunukso ni Abigail

Kinabahan ako sa sinabi niya. Bakit? Ano ba ang nakasulat? May aaminin kaya siya sa akin?

Kaya tinanong ko na lang sa kaniya agad kung ano ang nakasulat, "Ano ba kasi yung nakasulat?"

Ngunit ngiti lang ang kaniyang itinugon sa aking tanong.

"Ano? Sabihin mo na." pangungulit ko

"Ang nakasulat doon ay--"

Naputol ang kaniyang sinasabi dahil may biglang tumawag sa kaniya.

"Abigail! Totoo bang boyfriend mo na si Ethan?"

Hindi ko na kinilala pa kung sino ang nagsalita, dahil ang mga mata ko ay nakatutok lamang sa mga ngiti sa labi ni Abi at sa mata niyang punong-puno ng kaligayahan.

Marahil, hindi ko na kailangan pang hintayin ang sagot niya sa tanong ko dahil alam ko na. At hindi ko yata kayang magmula pa ang sagot sa kaniya. Tumayo agad ako at lumabas ng classroom. Buti na lamang at uwian na at pinalibutan na siya ng mga estudyante.

Kaya pala, kaya pala ayaw sa aking ipaalam ng tadhana.

May hawak pa pala akong piraso ng papel ng sinulatan niya kanina. Nilamukos ko ito at ibabato ko na sana sa hindi ko maipaliwanag na sakit at galit na nararamdaman ko. Ngunit may parte sa utak ko na nagsasabing basahin ang nakasulat sa papel.

Binuklat ko ang piraso ng papel at nabasa ang nakasulat na,

"Ano, happy ka ba para sa akin? Haha"

Masaya ako basta masaya ka. Pero sa ngayon, hayaan mo muna ang pagtulo ng aking mga luha.

The Second Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon