Ikalimang Kabanata

30 4 0
                                    

"Sinabi ko na sa'yo pare baka maunahan ka. Hindi ka naman nakinig sa akin." pangangaral sa akin ni Miggy

Hindi na lang ako nagsalita at wala ako sa mood magsalita, pati na rin kumain o maglakad o kahit anong kilos.

"Pare magsalita ka naman. Kinakabahan na ako sa'yo ah."

"Ano gusto mong sabihin ko?" seryoso kong tanong sa kaniya

"Ewan. Kahit ano. Pare, wag kang mag-alala marami pang ibang babae diyan." hindi ko alam kung pinapagaan niya ang loob ko o pinapabigat pa lalo

Pero napagdesisyonan ko na ring magkwento sa kaniya, mapagkakatiwalaan ko naman 'to.

"Tama ka. Dapat dati pa lang umamin na ako, naunahan pa ako. Pare, limang taon na kaming magkaibigan. Tapos sila, dalawang linggo pa lang?" kasunod ng mga sinabi ko ang mabigat na buntong hininga

Hindi ko inakala na magiging ganito pala kasakit yung nangyari, yung katotohanan.

Tahimik lang si Miggy at inaabangan ang susunod kong sasabihin.

"Pero sabagay kung may nararamdaman din siya sa akin, hindi yun mangyayari. Kaso mukhang wala talaga pare. Olats haha" ang hirap talaga magpigil ng luha

"Pare parang ayoko ng lumapit sa kaniya. Kaso. Kaso ang hirap, gusto kong iparamdam na mahal ko siya. Gusto ko siyang bigyan ng bulaklak, gusto ko siyang ihatid at isundo, gusto kong iexpress yung nararamdaman ko para sa kaniya, pero wala akong magawa. Wala ako sa posisyon." at hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking luha

"Pare, lahat ng tao may karapatang magmahal,"

Napatahimik ako sa sinabi niya.

"at lahat din ng tao ay may karapatang masaktan." pagtutuloy niya

"Hindi mo kasalanan na minahal mo siya. Hindi mo kasalanan na nahulog ka sa kaniya, tao ka lang, may nararamdaman."

Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Pero huwag ka lang aasa na mamamahalin ka rin niya gaya ng nararamdaman mo sa kaniya. "

Akala ko nung una pinapagaan niya ang loob ko, sasaktan din pala ako neto.

Pero, tama naman ang mga sinabi niya. Naiintindihan ko ang nais niyang iparating.

"Ano pare magpapakalugmok ka na lang ba diyan, o lalapit ka ulit sa kaniya bilang kaibigan? O aamin ka sa kaniya?"

Ang dami namang tanong ng lalakeng 'to. Akala mong ang dali lang sagutin ah.

"Gusto mo bang lumapit pa ako sa kaniya at mas lalong mahulog? Tapos mas matindi yung sakit? Haha pero basta pare, hindi ako aamin sa kaniya." sagot ko sa mga tanong niya

"Ikaw bahala. Pero pare baka pagsisihan mo sa dulo kapag hindi ka umamin. "

"Not all of the words were meant to spilled pare. Parang prutas, hindi lahat pwedeng kainin. May relasyon na sila, ayokong makasira sa kanila. Aamin ako kapag naka-move on na ako."

"Ang drama mo pare! Haha tara't mag-dota na lang muna." hindi ko alam kung paano neto nababalanse yung pagdodota at ang matataas niyang grado

"Pass muna pare may lakad ako."

Tahimik lang siya pero alam kong gusto niyang malaman kung saan ako pupunta.

"Magfi-freelance ako mamayang hapon sa isang binyagan." pagpapaliwanag ko

"Naks pare kumikita ka na diyan sa pagkuha mo ng letrato. 'Wag ka na mag-aral hahaha!" pambobola niya sa akin

"Hobby lang 'to pare. Tsaka chamba lang yung magagandang kuha, dinadamihan ko lang para may mapagpipilian haha."

"Anong hobby ka dyan? Buhay mo na nga yata yan eh haha. Basta pare tandaan mo yung sinabi ko, lahat ng tao may karapatang magmahal,"

"kahit walang kasiguraduhan kung mamahalin ka rin pabalik." pagtutuloy niya at tumapik sa balikat ko bago siya umalis

The Second Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon