Pangalawang Kabanata

53 5 0
                                    

"Miss, okay ka lang?" isang lalaking may pamilyar na mukha

"O-oo. Okay lang ako." nauutal na sabi ni Abigail.

Lumapit naman agad ako at hinila siya palayo sa lalaking iyon. Mamaya may iba pa pala yung modus.

"Woah. Pare, tinulungan ko lang siya." pagdedepense ng lalaki habang nakataas pa ang dalawang kamay

"Oo nga naman Cedric, nagmabuting loob lang siya. By the way, thank you nga pala?" sabi ni Abigail at halatang nais niyang malaman ang pangalan ng lalaki

"Ethan. Walang anuman?" at halata ring tinatanong ang pangalan ni Abigail

"Abigail." pagpapakilala ni Abi nang may matamis na ngiti. At sila ay nag-abutan ng kanilang mga kamay

Hangin ba ako at walang pumapansin sa akin? Tsaka ang bilis din ng galawan ng lalaking ito, nahawakan agad ang kamay ni Abi? Tss.

"Ehem." pagpaparamdam ko sa kanila

"Ay ito naman pala si Cedric." pagpapakilala niya sa akin

Tsk. Wala akong balak makipagkilala sa lalaki na iyan.

"Abi, tara na." pag-aaya ko at baka magkamabutihan pa yung dalawa na 'to

"Sige Ethan, una na kami. Thank you ulit ha?" nagpapa-cute pa yata 'tong babae na 'to

"Sige, see you when I see you." pagpapa-cute ng unggoy na yon tsk

Hinila ko na paalis si Abigail.

"Uy ang sungit mo naman yata dun kay Ethan, mukha namang mabait." pagtatanggol niya

"Yung mga tao ngayon magagaling magpanggap."

Tinamaan yata ako sa sinabi ko ah. Nagpapanggap na kaibigan. 

"Mabait yon! Tsaka nakita mo yung uniform, Mechanical Engineer din yung course niya!" Ramdam ko ang saya sa pagsasalita ni Abi

Kung minamalas ka nga naman, oo. Kaparehas pa pala namin ng course yun. Kaya pala pamilyar yung mukha.

"Feeling ko nakita ko na siya? Hmm." at dun na nagsimula na puro yung lalaki na yon ang kanyang bukangbibig

"Alam ko na! Siya yata yung Mr. Mechanical Engineer? 'Di ba? Wow! Kaya pala pamilyar! At ang gwapo niya." kilig na kilig niyang sinabi

"Tss. Manloloko yon, 'wag kang lalapit don." asar na sabi ko

"Haha! Bakit ba ang bitter mo? Tsaka imposible namang mapalapit ako don. Parang ang hirap niyang i-reach haha!" 

Hindi na lang ako nagsalita at ayoko ng pag-usapan ang unggoy na yon.

"Abigail!" may lalaking nagsigaw sa pangalan niya

Parehas kaming lumingon sa likod, at ang unggoy pala ay nakakapagsalita na. Tumatakbo pa papalapit sa amin.

"Ethan? Bakit?" pagtataka ni Abigal at halatang tinatago ang kaniyang ngiti. Tss

"Nahulog mo yata itong panyo mo kanina." at inabot niya ang panyo ni Abi

Tss. Galawan mo bulok.

"Thank you, Ethan. " mahinang sabi ni Abi at kinuha ang panyo

"Tara na, Abi." pag-aaya ko ulit. Yan na lang ba role ko dito?

"Sige, Ethan. Mauna na ulit kami." mahinahon ulit niyang sabi

"Sige. Bye Abi." pagpapaalam ng unggoy

At tumalikod na ulit kami, at ayoko ng lumingon pa ulit.

"May tinatago ka palang kahinhinan." pang-aasar ko na may halong pagkasarkastiko

"Hmmp. Mahinhin naman talaga ako ah." sabi niya na halatang nagpipigil ng kilig at pinalo pa ako nang mahina

"Aray."

"Uy masakit ba? Grabe oa ka naman.  'Di naman malakas palo ko." pagdedepensa niya

Hindi na lamang ako sumagot. 

At nararamdaman kong may mas masakit pa siyang idudulot sa akin, higit sa palo niyang ginawa.




The Second Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon