Ikapitong Kabanata

41 4 0
                                    

Ngayong araw na 'to, napagpasyahan kong umabsent muna sa school. Gusto ko munang magpalamig, umiwas kay Abi, umiwas sa eskuwelahan, umiwas sa kursong Mechanical Engineering.

Ayoko munang ipagpilitan ang sarili ko sa mga bagay na ayaw naman sa'kin.

Nakakapagod.

Saan ko ba mahahanap ang lugar na para sa'kin? Ang lugar kung saan tatanggapin kung sino at ano ako.

Pagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko sa mga lugar na pilit akong tinataboy.

Lumabas ako sa aking apartment, nakasuot ng itim na tshirt, maong na pantalon, itim na cap, at itim na sapatos.

Saan kaya ako pupunta?

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung saan ang lugar para sa'kin, o kung may lugar pa nga ba ako dito sa mundo.

Sa aking paglalakad, ay para bang may nais puntahan aking mga paa.

Hanggang sa nakarating ako sa simbahan.

Pumasok ako rito at nagdasal nang taimtim, "Panginoon, tulungan niyo po akong alamin kung ano ang dapat kong gawin. Bigyan niyo po ako ng katalinuhan sa aking mga gagawing desisyon."

Ang sarap sa pakiramdam na makipag-usap sa Panginoon. Ang tagal ko ng hindi ito ginawa, marahil pinapaalalahanan Niya ako na nandyan Siya upang tulungan ako.

Pakiramdam ko'y, sa wakas, mayroon ding tumanggap sa akin kung sino at ano ako. Hindi ko na kailangan pang ipagpilitan ang sarili ko.

Pagkatapos kong magdasal, ay lumabas na ako ng simbahan at muling naglakad.

Sa aking paglalakad ay may nakita akong isang studio. Tila may selebrasyon na nagaganap dito.

Hindi ko alam kung bakit, ngunit dire-diretso ang aking mga paa hanggang sa makapasok ako rito.

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng mga puso ko ng makita ko ang loob nito na punong-puno ng mga magagandahang kuha ng letrato mula sa iba't-ibang lugar.

Ito ang pangarap ko.

Pangarap kong mag-excel sa isang bagay na gusto ko, ang pagkuha ng letrato.

Ngunit, kahit sa pagkuha ng letrato ay hindi ako mahusay. Gusto ko siyang ginagawa, ngunit minsan lang ako nagkakaroon ng magagandang kuha.

"Ang ganda ng isang 'yan hano. Ang lalim ng ibig sabihin." biglang may nagsalita sa tabi ko, habang kami ay parehas na nakatingin sa isang malaking letrato

Ang letrato ay nagpapakita ng isang lalaking tila pinapalo ng tsinelas ang aso na kagat-kagat ang isang pitaka, na marahil ay pagmamay-ari ng lalaki.

"Malalim nga." pagsang-ayon ko sa kaniya

"Tingnan mong mabuti ang letrato." tahimik lang akong nakikinig sa kaniyang sinasabi at pinagaaralan ang letrato

"Napansin mo ba yung pagkain sa baba?" pagpapatuloy niya

Tumango ako bilang tugon sa tanong niya.

Napangiti siya na para bang may halong pagmamalaki bago magsalita, "Binigyan na nga ng pagkain ang aso, ngunit tingnan mo ang ginawa sa kaniya? Ninakawan pa. Tsk. Minsan hindi lahat dapat pakitaan ng kabutihan. "

"Naturuan siguro ng may-ari ng aso kung paano magnakaw sa iba." pagpapatuloy niya

Sa pagkakataong ito, hindi ako tumango sa kaniyang sinabi.

"Mukhang may kulang yata sa kuwento mo." sagot ko sa kaniya

Napatingin siya sa akin saglit at tumingin ulit sa letrato habang pinapaliit ang mga mata.

"Wala akong makitang mali sa paglalarawan ko." depensa niya

"Nakikita mo ang babaeng iyon?" turo ko sa babaeng nasa gilid ng pangyayari

Tumingin siya doon at kumunot ang noo.

"Pansinin mo yung hawak niya at ang reaksyon ng itsura niya."

Napangiti pa muli siya bago magsalita, "Kaibigan, hindi purkit may hawak na pera at abot tenga ang ngiti ng babaeng 'yan ay siya ang nagnakaw ng pitaka."

"Hindi nga 'yon sapat na ebidensya. Ngunit bigyan mo ng pansin ang perang hawak niya, hindi ba't parang punit?"

Tahimik niyang pinag-aralang mabuti ang babae sa letrato.

"Tingnan mo rin ang damit niyang kulay pula, sira-sira rin ang laylayan, na parang kagat ng aso?"

Tahimik lang siyang nakikinig sa aking mga sinasabi.

"At tingnan mo ang wallet na kagat ng aso, may pulang telang kasama na kagat ang aso."

Tahimik na naka-kunot ang noo ng katabi ko. At pinagpatuloy ko ang aking pagpapaliwanag,

"Nakukuha mo na ba ang buong kwento sa larawan? Pinakain ng lalaki ang aso, ninakawan ng babae ang lalaki, inagaw ng aso ang wallet sa babae, at pinarusahan ng lalaki ang aso."

"Tinulungan na nga ng aso ang lalaki, ngunit pinarusahan pa siya. Siguro nga hindi lahat dapat pinapakitaan ng kabutihan." pagbibigay diin ko sa paggaya ko sa sinabi niya kanina.

Natahimik lamang siya ng ilang sandali bago napangiti habang umiiling pa. Sa pagkakataong ito, iba na ang ibig sabihin ng ngiti niya, may halong tuwa at paghanga.

"Haha magaling ka kaibigan. Hindi ko 'yon napansin. "

"Hindi lang kasi ako sa isang anggulo tumitingin. Pinag-aaralan ko ang lahat ng anggulo ng isang letrato. Buong larawan, hindi ang isang persepsyon lang."

Pinalo niya ako ng mahina sa aking balikat at sinabing, "Nag-aaral ka pa ba? Anong kurso ang pinag-aaralan mo?"

"Opo. 2nd year college na ako, Mechanical Engineer." sagot ko sa mga tanong niya

Umiling-iling siya at nagsalita, "Masaya ka ba sa kursong iyan? Pakiramdam ko'y may ibang daan na nakatdhana para sa'yo."

Napayuko lamang ako dahil ayoko rin talaga ng kursong M.E. At ang gusto ko talaga ay ang pagkuha ng letrato, ngunit hindi rin ako magaling sa pagkuha ng letrato.

"Tumigil ka sa pag-aaral mo ng Mechanical Engineering at tutulungan kitang makuha ang tadhanang nakalaan para sa'yo."

"Ngunit hindi naman po ako magaling kumuha ng letrato." sagot ko

"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. At sa talento mong iyan, alam kong malayo pa ang mararating mo."

Tiningnan ko ang pangalan nya na nakaburda sa kaniyang polo. Armando Morales.

Tiningnan ko ang pirma sa baba ng letrato, Armando Morales.

At naalala ko ang nakasulat sa labas ng studio, Armando Morales.

 Bigla ring pumasok sa isip ko ang sinabi ni Miggy, "Lahat ng tao ay may karapatang magmahal, kahit walang kasiguraduhan kung mamahalin ka pabalik."

Worth it kaya na pasukin ko ang opportunity na 'to kahit na wala akong kasiguraduhan kung magiging matagumpay ako sa larangang ito?

"Pagiisipan ko po. Salamat." sagot ko at saka lumabas

The Second Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon