PROLOGUE

1K 8 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, events, and incidents are either the products of the author's imagination.

Some part of the story contains strong language that are not suitable for young readers. Please do understand that it might have typographical and grammatical errors.

This is my first story so I really appreciate if you give some lil support. Luvluv.

ENJOY READING!


Third Person Point of View:

She was just an ordinary girl named Elijah Gabrielle De Villa. Since she was 8 years nakakakita na siya ng mga kakaibang bagay tulad ng multo. She's now 18 years of age and every 8 years someone calls her in her dream.

"Elijah ngayong nasa tamang edad kana ikaw ay bibigyan ko ng misyon ito ay bayad sa mga kasalanan na ginawa ng iyong ama ikaw ay magiging bantay sa mga natutulog na sumakabilang buhay na at may dadating na---"

"Elijah! Gumising ka na! Anong oras na wala pa kaming almusal! Ipagluto mo na kami!"

"Ha?! O-opo!" Napaupo ako sa sobrang gulat at napaisip sa isa na namang panaginip.

"Ano na naman ba yun? Anong kasalanan ang nagawa ni papa?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

"Elijaaah!"

"Opo tita heto na! Aga aga pinaparindi tenga ko." bulong ko.

Dali dali kong niligpit ang pinaghigaan ko at lumabas ako kaagad, nagluto ako ng apat na itlog at nag fried rice.

"Ano na Elijah? Andami dami nating bayarin baka naman balak mo ng maghanap ng trabaho?!"

Nakakapagod na sa lahat sana andito ka mama para hindi ako naghihirap ng ganito.

Naligo na ako at mabilis na nagbihis sumakay na ako sa bike ko at dali daling pumunta sa school.

















"Okay class dismissed!" dali dali kong niligpit ang gamit ko at pumunta sa paborito namin puntahan ni mama, umupo ako sa isang lumang bench at tumingin sa palagid at lumanghap ng preskong hangin.

"Ma.."

"Kung pede nga lang sana bumalik kana ulit, ma ang hirap, wala akong kaibigan kase kinatatakutan nila ako kesho nakakakita daw ako ng multo"

"Pero ma, wag ka magaalala ha? Makikita ko rin si papa sana masaya kayo jan sa langit" Pinunasan ko ang luha na tumutulo sa pisngi ko at tumayo saka umuwi.

~~~~

"Andito na po ako" sabi ko pero walang tao sa bahay dumiretso na ako sa kwarto at natulog saglit.

"Bibigyan kita ng kaunting halaga ng pera at magpaalam sa iyong tiyahin at mga pinsan ikaw ay pumunta sa isang mansyon na nakasulat sa isang papel na kung saan nandoon ang address"

Bigla na naman akong nagising sa isa na namang panaginip ngunit boses lang ang aking napakinig tumingin ako sa labas ng bintana at nakita kong madilim na tumingin ako sa relo ko at alas dose na ng hatinggabi, tatayo na sana ako ng may itim na papel akong nakita sa tabi ng aking unan.

Binasa ko ang address at may nakasingit dito na pera. Dali dali akong nagimpake at paglabas ko nakita kong mahimbing na natutulog sina tita at ang mga pinsan ko, nagiwan ako ng sulat para sa pagpapaalam.

"Hmm ang lamig." sabi ko dahil sa saktong paglabas ko ay ang sabay ng malakas na pag ihip ng hangin.

Naglakad ako papunta sa sakayan ng bus nang may naramdaman akong may sumusunod sa likuran ko.

Sleeping Guardian (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon