CHAPTER: 16

103 3 3
                                    

Elijah's POV



Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na nakatutok sa muka ko, bumangon ako at napa sigaw sa sakit ng ulo ko.




"Ah!" Ganon ba epekto ng soju saken!?



Nakita kong iba na ang damit ko naka panjama na ako at naka jacket.

Nagulat ako at kung ano ano na agad ang pumasok sa isip ko.



"Don't assume." Napalingon ako sa nakaupo sa table sa left side at nandon at Clinth na umiinom ng kape.





"Pervert!" Sabi ko at binato sya ng unan. Saktong tumama sa kanya yung unan at nabuhusan sya ng mainit na kape sa binti nya.



"What the fuck Elijah!" Namula sya sa galit at halatang nainitan sa buhos ng kape.



"Uh.." Diko alam ang gagawin pero tumayo sya bigla at binato ang unan sakin at tumama sa ulo ko na kinatumba ko sa kama.



"Tangina Clinth babae ako tapos kung makabato k----" Naramdaman kong pumatong sya sa akin at tinakpan nya ako ng unan sa mukha at nahihirapan ako huminga.




"Fuck y-you, I-i can't b-breath!" Sabi ko at sinasabunutan sya sa buhok, para kaming nag aaway na aso at pusa.



"Iha Elijah eto mainit na tubig inom ka muna a----" Napatigil si Clinth sa pagbaon ng... Unan sa mukha ko at napabangon naman ako, nakatayo sa may pintuan si Aleng Benie at may hawak na tray na mainit na tubig at may mga pagkain.



"Ay sorry sir nakakaistorbo po ata ako hehe."



"A-ah hindi po! Wala po kaming ginagawa. Aleng Benie pinapatay nya po ako hindi nya po ako inaano." Nakita kong walang reaksyon ang muka ni Clinth at lumabas.



"Hay nako para kayong mga aso at pusa." Napailing nalang sya at lumapit sa akin.


"Oh eto para mabawasan ang sakit ng ulo mo, nasabi kase sakin ni Clinth na naginom ka daw, kainin mo muna ito saka mo inumin itong gamot." Napangiti naman ako at yumakap kay Aleng Benie.


"Thank you po." Napaka maalagain nya talaga. Since the day na nandito ako sa mansyon silang dalawa ni Ate Ana ang nagaalaga sakin talaga.


"Wala yun, o sya sige na, bilisan mo na diyan at may pasok ka pa." Napabuga naman ako sa tubig. MAY PASOK!?




"May pasok po? Anong araw po ba ngayon?"




"Biyernes iha sige na bilisan mo na, ki bata mo pa e napaka malilimutin mo na." She laughed.

Kumain lang ako ng isang tinapay at uminom ng gamot.

Ng matapos na akong magready kinuha ko na ang bag ko at nakita ko si Clinth sa baba na nagcecellphone at mukang may katext. Sasabay kaya siya samin ni Manong Gilbert?

"Sabay ba tayo? o--"



"Hindi."



"Okay." Sabi ko at lumabas madali naman ako kausap duh sino ba sya para pakiusapan ko. Nasa parking na si Manong Gilbert at nagtatali ng sintas.



"Oh iha, kamusta pakiramdam mo?" Sabi nya at kinuha ang susi sa bulsa nya at sumakay na kami sa sasakyan.



"Okay naman po, medyo nabawasan naman po sakin ng ulo ko." Ngumiti ako at nag nod nalang sya.



Habang nasa gitna ng byahe naisip ko tuloy kung ano bang nangyari kagabi. Ang natandaan ko lang e hindi si Yuan ang sumundo sakin at si Clinth yun, tapos..

Sleeping Guardian (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon