Chapter: 4

135 9 0
                                    

Elijah's POV

Natapos na ang klase namin at dali dali akong pumunta sa gym dahil late na ako sa practice, habang naglalakad ng mabilis tinetext ko si Yuan at Manong Gilbert na late na naman akong makakauwi, nilagay ko sa bulsa ko ang phone at tumakbo.

"Araaaay!" aish, who's that pokemon!? sakit naman nun mang bunggo di naman inaano.

"Wag kase pahara-hara sa daan." Pagtingala ko ay si kuyang naka black hood kanina!
Natulala lang ako kaya diko sya nahabol. Nevermind.

"Pag ikaw talaga nahuli huli ko kung sino ka talaga, lagot ka sakin-- Ay pucha! late na pala ako!" bale 15 minutes na akong late.

"Well well well, late kana naman! Echosera to!" Sabi ng baklang nagtuturo samin ng sayaw, buti nalang talaga kapitbahay ko sya dati sa tabi ng bahay nina Tita kaya medyo close ko sya ay close ko pala talaga sya. Nagusap na kami kaya di nya sinasabi kay tita kung nasaan ako.

"Okay! Pahinga muna ng 5 minutes then gora na ulet tayo! Malapit na ang Foundation Day kaya kelangan hapit ang practice!" sabi ni Justine, as i said yung bakla kong kapitbahay bestfriend ko sya since elementary, niloloko ko syang bakla sya non dinedeny pa ayan ngayon bumigay na ng tuluyan.

"Yes coach!" sabi ng lahat, ang iba ay bumili ng tubig at snacks sa canteen pero ako kumuha lang ng tubig sa bag ko a--

"Biscuits?" sabi ko habang hawak hawak ang nakita kong biscuits sa bag ko.

"Ay bongga ka teh? first time makakita ng biscuits?" natatawang sabi ni Justine.

"E di naman kase ako bumili ng tinapay kanina pero meron sa bag kong ganito." Nagtataka na talaga ako.

"Secret admirer lang ang peg? Hay nako sis kung ako sayo kakainin ko na lang yan dina ako magpapakachoosy pa, echosera ka talaga!" sabi nya at kinuha ang isa.

"Oo na tss." habang kinakain ko e diko talaga mapigilang mag isip, hay nako Clinth!
Huh!? At bakit ko naman nabanggit ang pangalan ng gunggong na yon!?

"Oh sya may iaanounce nga pala ako sa inyo." Sabi ni Justine, at mukhang excited ang lahat, habang ako e walang kagana gana.

"Dapat may representative tayo para sa Foundation Day! You know rampa rampa like that!" sabi ni Justine at nag sample pa ng rampa at tawang tawa naman ang lahat.

"Si Elijah coach!" ha?

"What?" nakatingin ang lahat sakin at nakangiti.

"Haha no, di ako interesado e pag me-make up pa nga lang ayoko na pag rampa pa kaya? Tsaka kasali ako dito sa sayaw kaya NO" pagdidiin ko.

"Andami mong dada Eli!" pagtataray ni Justine, pag eto talaga nahilahan ko ng buhok.

"Okay so si Elijah ang representative ng Dance Club! Kelangan may banner ah? tsaka todo cheer dapat!" sabi ng isa kong kasamahan.

"But--" magrereklamo pa sana ako pero nagsi tayuan na silang lahat at nagpatuloy na sa pagpractice.

"Dont worry sis, tuturuan kita rumampa para naman hindi ka siga pag nagmodel, kung alam mo lang, lalaki ka pa sa boyfie ko! and, ako na din mag memake up sayo."

"Wow support na support ah!" kakatuwa talaga tong beki na to kahit minsan nakakainis napapatawa padin ako.

"Para naman kahit konti e magsisi yung bruha mong ex na iniwan ka at ipagpalit sa mas pangit!" Mas lumakas ang tawa ko sa sinabi nya.

"Kinakalimutan ko na pinapaalala mo pa! HAHAHAH" nagtawanan lang kami at nagpractice na.

Nagaabang na ako ng taxi at nag text uli kay Yuan atsaka kay Lolo Jamie na bibisita lang ako kina tita para atleast makapagiwan man lang ako ng sulat tsaka ng kaunting halaga ng pera.

Sleeping Guardian (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon