Chapter: 5

143 6 0
                                    

Elijah's POV

"Elijaaah! Tanghali na! Kaloka! Ready na ako umalis ikaw nakahiga pa!"

"Teka oo na kakarindi ka naman e!" bumangon ako pero diko pa minumulat ang mga mata ko.

"May practice ba tayo mamaya? I mean ng sayaw?" dugtong ko.

"E ano sa tingin mo?"

"Ampilosopo mo talaga." tumayo na ako at wala akong kadala dala kahit toothbrush.

"Need ng toothbrush? Ayun yung pangkuskos sa bowl shede na ba?" wtf?

"Are you serious? Aga aga naiinis ako sayo beki ha." tumawa lang sya atsaka kumuha ng bagong toothbrush sa kit nya.

Naligo na ako at buti nalang may extra akong damit pang alis at nakaready na din pala yung uniform para sa trabaho.

"Zein Eun Jung?" tanong ko, yun kase yung tatak sa uniform. Ang ganda at unique ng name nya

"Lalaki?" tanong ko ulit.

"Babae sis! Hay nako ang dami mong tanong tara na! Late na akes!" Tong baklang to puro nalang sigaw ang ginagawa.

Walking distance lang yung coffee shop kaya di na kami sumakay ng tricycle. Nakita kong andaming costumer at di magkaintidihan ang mga staff sa sobrang dami.

"Masanay kana bes, sa sobrang ganda kase ng may ari neto talagang dinadayo ng mga tao HAHA!"

"Ows? Haha! Tingnan natin baka mas maganda pa ako ha?!" natatawa kong sabi

"Aba ang kapal ng mukha mo beki!" sabi nya at naglakad na kami papasok tinulak ako ni beki sa may cashier at diko alam ang gagawin. Nagtitinginan sakin yung ibang nagtatrabaho at biglang may lumapit na DYOSA! uh- ahmm

"Hi! Elijah, right?" natulala lang ako kase napakaganda nya! ang kinis kinis tapos ang amo pa ng mukha nya at ang haba ng buhok nya na wavy sa dulo, teka tomboy na ata ako.

"Opo!" yan ang lang ang tangi kong sinabi, tumawa lang sya at bago ay itinuro ang dapat kong gawin.


10 minutes later..



"Cinnamon Dolce, Cappucino, Mocha and..." dami namang order ng lalaking to hakot lang?

"And what sir?" tanong ko at medyo familiar yung boses nya parang loko kase nakatungo hindi man lang nagpapakita ng mukha, uhmm naka hood pala.

"And thats all." what!? naka hood!

"Kuyang naka hood!" hinabol ko sya pero nandun na sya sa waiting area ng mga orders. Nginitian ko na lamang ang next costumer at nagpatuloy sa pagtatrabaho.

"Clinth.. Clinth.." paulit ulit kong banggit, feel ko talaga sya yun e!

"Clinth." sa patatlo kong banggit biglang lumakas ang hangin at nagtununugan yung mga babasaging baso.

"Ama namin sumasalangit ka--"

"Hoy beki! Bakit ka nagdadasal jan?! wala tayo sa simbahan nasa coffee shop tayo!" sigaw na naman ni Justine.

"Tss. Wala! Nga pala! Mamaya e uuwi na ako sa dorm bukas na ulit ang balik ko." sabi ko at nagpunta sa boss ko

"Ahh maam? May sasabihin po sana ako." nakakahiya naman e ang ganda kase nitong boss ko! Parang model urghh

"What is it?" shems kinakabahan ako

"Malelate po ako bukas, may klase po kase ako atsaka kasali po ako sa Dance club." yan lang ang nasabi ko kase nakakahiya naman talaga

Sleeping Guardian (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon