CHAPTER: 10

130 3 0
                                    

Elijah's POV

Nasa gym na kami ngayon at nagpapractice para sa Foundation na gaganapin sa lunes iniwan nalang muna namin ang napamili namin ni Clinth sa kotse.

Hanggang ngayon tulala pa din ako kung bakit ko ba kase hinalikan si Clinth, siguro nagpanic lang ako dahil sa nakita kong pana sa dibdib nya.

"Hoy Elijah! Ano?! Tutulala nalang ba tayo dito?" nabalik ako sa reyalidad ng sigawan ako ni Justine.

"Oo na! Eto na! Ano ba gagawin?" Tinuruan nya muna kami sa talent portion at sayaw ang gagawin namin ni Clinth.

"So ikaw Clinth hahawakan mo sya sa bewang tapos ikaw Elijah syempre sa balikat! Kada isang kamay lang dahil ang dalawa nyong kamay sa kaliwa magkahawak kamay." Lumapit si Clinth at hinawakan ako sa bewang, medyo naiilang ako kase parang masyado syang seryoso na ewan.

Nagsimula ang tugtog at nagsway kami ng mabagal, dahil sa turo ni Justine umikot ako at--

"Tapos Clinth at Elijah closure ng mukha! Tapos dapat sincere yung pagtitig nyong dalawa." Ang init ng pakiramdam seryosong seryoso sya sa pagtitig sakin samantalang ako di ako makatingin ng diretso sa asul nyang mga mata.

"Ayan! Ang bilis nyo naman palang turuan! You two both dancer right?" Kinulbit ko nalang si Clinth senyas na mag agree nalang sya.

"So pahinga muna tayo ng ten minutes tapos tuturuan na kitang rumampa Elijah with heels na." Nag nod nalang ako at umupo si Clinth sa sahig at nag cellphone habang ako ay may nakitang gitara sa tabi and I think kay Justine na dala 'to.

Kinuha ko ang gitara at tinanggal ito sa lalagyan. I strum it once at itinono ko, and then I start playing.

"I know your eyes in the morning sun." I suddenly stop while remembering the chords.

"Oh I think its Em7." pagsasalita ko sa sarili ko at inulit kong muli ang pag kanta.

"I know your eyes in the morning sun,
I feel you touch me in the pouring rain..."
This was may favorite song ever since, kase theme song 'to ni mama at papa, you know bringing back memories.

"And the moment that you wander far from me, I wanna feel you in my arms again." Sa bawat pag strum at pagkanta ko naiilang ako kase feel ko na nakatingin si Clinth, at nagpahalata nalang ako na hindi ko sya napapansin na nakatitig sa akin.

"How deep is your love" nagulat ako ng may sumabay sakin and it was Clinth. Napatigil ako sa pags-strum sa gulat.

"Wow sintunado." pagbibiro ko pero as in ang ganda ng boses nya.

"Tanggi ka pa e napatulala ka nga."

"E kung ihampas ko kaya sayo 'tong gitara?" pagbibiro ko at sumingit si Justine.

"Alam nyo? Sa ganyan nagkatuluyan yung lolo at lola ko." Tumayo na agad ako at ibinalik sa lagayan ang gitara baka mawala na naman ako sa mood.

"Argh magsimula na tayo." Inis kong sabi e kase tong si Clinth lakas makapang asar!

Clinth's POV

Her voice is angelic, diko din alam kung bakit ako napasabay sa pag kanta sa kanya.

After non nagpractice ulit kami hanggang sa mabuo yung sayaw namin at mabilis kaming naturuan.

"Favor naman, kung pwede lang sana ideretso mo na ako sa Coffee Shop may trabaho pa ako e." Nag nod nalang ako at nakita ko syang umidlip saglit siguro dahil narin ng pagod. Pinatay ko muna ang aircon at binuksan ang bintana, para makalanghap man lang ng fresh air, wala rin naman na masyadong sasakyan kaya wala ding masyadong usok.

Sleeping Guardian (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon