CHAPTER: 9

134 7 1
                                    

Elijah's POV

"Ehem." Nabalik ako sa reyalidad ng marinig si Yuan na tumikhim.

"Nakatakas! San ka ba nagpunta ha? Hindi mo man lang ako tinulungang patayin ang gagong yun." sabi ni Yuan kay Clinth, hindi nila kami nakita? Ibig sabihin invisible ang ginawang shield ni Clinth e nasa loob din naman kami ng Coffee Shop.

"Minamanyak mo ako ano!?" nagtaka naman si Yuan sa sinabi ko.

"Anong minanyak e tumugon ka nga e!"

"Tumugon!? Asa ka pa!" sabi ko at tinuro turo pa sya.

"Gusto mo itry ulit? Your lips taste good, like uhm.. Caramel Coffee HAHAH!" sumabay din sa pagtawa na akala mo ay kasali sya sa usapan.

"HAHAHAHAHAHA." tawa parin ng tawa si Yuan, lumapit si Clinth at tinapik tapik sa balikat habang tumatawa padin ito.

"Okay lang yan pre, tanggap kita." sabi nito ng pabiro at napatigil naman si Yuan.

"Anong akala mo sakin? Baliw?"

"Oo, baliw sayo." etong si Clinth nagjojoke hindi man lang gumawang ngumiti. Kelan ko kaya to makikitang nakangiti?

Nakita kong ayos ang lahat ng tao dito sa Coffee Shop at parang walang nangyari.

"I erased all of their memories." Woah, may ganoon din palang kapangyarihan itong si Clinth?

"Let's go." hinatak ako ni Clinth palabas.

"T-teka magtatrabaho pa ako!" Hindi na ako nakatanggi binitawan na nya ang kamay ko at pumasok sya sa isang pinto, sumunod naman ako at wtf!? Nasa mansion na kami kaagad!

"What!? Paano nangyaring nakasunod ka sa akin?!" nagtatakang sigaw naman nitong si Clinth.

"E kinamalayan ko ba!? Sinundan lang kita sa pintong pinasukan mo at boom nasa mansion na din ako!" sigaw ko din, aba! Wala akong kinalaman dito.

"Hindi ba dapat hindi mo na kailangang magtaka kase sya nga ang mapapangasawa mo at obvious na ganyan ang mangyayari." Sabi ni Yuan at ano?! Asawa!?

"What!?" sabay naming sigaw ni Clinth.

"W-wala! Sabi ko ay ikaw ang Sleeping Guardian kaya ganoon!"

"Ahh okay, kaya pala hehe." napakamot nalang ako sa ulo ko at umalis na.

"Bilisan mong magbihis may trabaho ka pa, I'll train you para hindi na maulit yung nangyari nung nakaraan." naintindihan ko naman sya at dumiretso na sa kwarto ko.

Habang nagbibihis ay hindi ko pa din maiwasan isipin yung nangyari kanina, Imposible kase na nagteleport sya tapos nakasama ako.

"Hurry!" Inis na sabi ni Clinth.

Nandito na kami sa kwarto at ganoon padin ang itsura may nakahiga dito at parang normal na tao lang ang nakahiga dito.

"Clinth, bakit sila nandito? Hindi pa dapat diretso na sila kung saan man sila mapupunta?" taka kong tanong.

"No one knows." Napatingin naman ako sa binabantayan namin.

"Hindi lang basta tayo tutulala dito, kelangan mong hawakan ito." Inabot nya sakin ang isang sculpture na maliit na kasing laki lang ng kamay ko at dragon ito na kulay ginto at berde, kaparehas ng nakaukit sa pana na nakalagay sa dibdib ni Clinth at.. yung kwintas ni maam Zein, ganoon din ang nakaukit.. paano?

"Habang hawak mo ito, ipagdadasal mo sya, like, sana maganda at maayos ang pupuntahan nya or kaya maging peaceful sya and the important is you'll need to concentrate. Kelangan sincere yung mga sasabihin mo sa kanya, pwede sa isip ko kaya ay isasalita mo, pero much better if isasalita mo. Pero kung mawawala ka sa concentration magigising ito at mangyayari ito sa tulad nung nakaraan nyong nabantayan, and worst it will turn into a bad person." pagpapaliwanag ni Clinth, pinanood ko muna sya at sa isip nya sinasabi lahat.

Sleeping Guardian (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon