"Ate! Yung baon ko po." Nagulat na lang ako sa tawag ng kapatid kong babae na si kc. Inabot ko naman sa kanya ang pera at ang kanyang lunch box.
Ulila na kami ni kc at lumaki akong tinataguyod mag-isa ang nakababata kong kapatid. Namatay sa car accident si mama at papa buti na lamang at nakaligtas kami ni kc nung mga panahon na yun. Ayst! Tama na nga drama baka umiyak pa ako dito.
"Ate asaan na kiss ko?" Awww ang cute talaga ni kc kahit na gr 6 student na siya napaka sweet padin.
Tssuuupp
Nagpaalam na si kc na sasakay na ng kanyang school bus kaya nag wave na lang ako sa kanya pabalik. Tinitigan ko naman ang bahay namin. Hindi ito ganung kalakihan pero kasya dito ang lima o pitong katao dahil may 2nd floor pa kami at merong apat na kuwarto dito sa pangalawang palapag at dalawa ding bathroom, hindi pa kasama ang cr namin ni kc sa sarili naming kuwarto at ang mga kuwarto pa sa unang palapag. Pagmamay-ari ito ng yumao naming magulang at ako ang namamahala ngayon sa company na naiwan ng magulang namin na ngayon ay si tito gab muna ang humahawak dahil nag-aaral pa lang ako.
"Aicelle saan ko ba ilalagay itong padala na box ng tito niyo?" Tanong sakin ni ate lida. Isa siyang matandang babae na iniwan ng mga anak niya. Ewan ko ba napakasama ng mga anak nito para iwan siyang mag-isa.
"Kahit duon na lang po sa kuwarto ko. Alis na po ako ate lida kayo na po bahala ni manang cecille dito." Nakangiti kong sabi bago ko lumabas ng bahay. Sila lang naman lagi tao diyan at ang isang guard at driver namin. Yung laman ng box panigurado ay puro papeles lang ng company.
Kring kring kring (ayan ang sound ng phone ko pag may tumatawag. Astig!!)
"Hello?"
"BESSSHHYY!!" Piling ko matatanggal yung tenga ko sa kaingayan ng babaeng ito.
"Problema mo beshy?" Tanong ko habang hinihimas ko yung tenga ko. Nakakaloka naman kasi itong babae na ito lakas ng boses. Pati ata driver namin narinig yung boses niya.
"Beshy, pumasok dito sa High Axel university si fafa Alexis!!" Okay, here we go again. Si fafa alexis kasi na yan ay ang kanyang ultimate crush! Hindi yan nauubusan ng crush pero si alexis talaga ang pinaka sinusundan niya. Pati ata size ng paa ng lalaking yun alam niya. Isa pang sikat na basketball player kaya halos lahat ng magazine nito ay meron siya.
"Oh ano naman?" Walang gana kong sagot sa kanya. "Alam naman nating sikat at high class ang HAU kaya hindi na nakakapagtaka kung pumasok yun duon." Nakabusangot kong sabi. Aga-aga kasi yun agad bungad sakin. Haler! Hindi ba puwedeng pag-aaral muna? Wag muna landi Haha! Char!
"Kung wala kang interes kay fafa alexis ko. Puwes! Baka dito meron." Huminto pa talaga siya at pinag-antay niya ako ng isang oras para sa sagot niya pero siyempre joke lang yun. Baka mabatukan ko siya kung ganun katagal. "Si Adrian andito nadin mag-aaral!!" Tili niya. Hindi ko na siya pinatapos at binaba ko na ang tawag.
"Kuya, pakibilisan mo ang pagmamaneho may hahabulin po kasi akong guwapo este fafa ay este teacher." Natatawa ako sa palusot ko na mali-mali.
Si kuya naman tawa lang ng tawa. Ewan ko ba dito hindi ko masiyado naririnig magsalita kaya siguro yung sina ate lida at manang cecille laging kausap yung guard namin, iyon kasi napakadaldal haha! Minsan sirang plaka pa kasi paulit-ulit sinasabi, siguro itong si kuya maliit lang dila kaya hindi madaldal? Kasing liit ng 2 years old na bata Haha! Joke lang naman.
Pagkababa ko ng kotse ay nag ala si flash ako at natumba lahat ng mga estudyante sa paligid ko na nag dadaldalan tapos yung iba na nakatingin sakin ay bakas ang pagkagulat kasi ang bilis ko pero joke lang ulit yun kasi andito pa lang ako sa entrance ng HAU haha!