Chapter 7

0 0 0
                                    

Pagkabalik ko ng bahay ay tulog padin si aicelle. Mukhang nagulat siya ng sobra sa aso ko.

"Yaya, lutuan mo naman ako ng lugaw." Tumango lang siya sakin tiyaka umalis.

Ang magulang ko nasa ibang bansa at buzy sa kanilang trabaho. Nag-iisa lang din naman akong anak at hindi sakin problema yun. Masaya naman ang buhay ko kahit nasa ibang bansa ang parents ko.

Si arriane ang ex ko. Siya ang dahilan kung bakit umalis ako ng america dahil nakita ko siyang may kasamang lalaki sa bar at ang mas masakit duon ay kahalikan niya at hindi pa nakuntento. Pumunta sila sa isang hotel at hindi ko na nagawang sumunod pa. Alam ko na kasi ang mangyayari at ayuko pang panuorin yun. Sinayang niya ang 3 years relationship namin na binuo. Kaya ng nakita ko siya sa classroom ay hinila ko agad siya paalis duon at hinatid sa kanila.

⊙⊙⊙FLASHBACK⊙⊙⊙

"What are you doing? You really want me to suffer hah!" Sigaw ko sa kanya sa loob ng kotse.

"I'm sorry." Yun lang ang lumabas sa bibig niya. Lalo lang akong naiinis pag naririnig ko siyang humihingi ng tawad ng paulit-ulit.

"Do you really think na sa tuwing humihingi ka ng kapatawaran ko nagiging okay ang lahat?! Hindi! Damn! Arriane please. Lumayo ka na."

"A-ayuko. I still love you. Come back to me baby." Pilit niya akong yinayakap pero linalayo ko lang siya.

"Mahal mo ko pero nagloko ka? Ano ba ito gaguhan?" Nasabi ko na lang sa kanya. Lumabas na lang ako at hinila siya ng maayos palabas ng kotse ko.

"Hindi padin ako susuko adrian." Narinig kong sabi niya bago ko pinaandar palayo ang sasakyan ko.

⊙⊙⊙END OF FLASHBACK⊙⊙⊙

Kahit na masama ang ugali niya at nasa loob ang kanyang kulo hindi yun naging hadlang para mahalin ko siya pero hindi ko aakalaing gagawin niya ang kalokohan na yun sakin.

"Dalhin ko na po ba sa kuwarto niyo ang lugaw?" Nabalik ako sa reality ng nagsalita si yaya na may dalang lugaw kaya napatango na lamang ako.

Pagkalapag niya ay nakita ko namang nag-unat si aicelle. "Buti naman at gising ka na." Nakita ko namang gulat na gulat yung reaksyon niya.

"A-anong ginagawa ko dito?! Pinag samantalahan mo ko noh?! WAAAHHHH!!" Tinakpan ko ang bibig niya at tumahimik naman siya.

"Wag ka ngang maingay. Hindi kita pinag samantalahan! May taste naman ako. Tiyaka nakita na lang kitang nawalan ng malay sa harap ng gate namin kaya pinasok na lang kita ulit dito." Paliwanag ko sa kanya. Kumalma naman siya kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya.

"Ang baho ng kamay mo!" Sigaw niya sakin. Hindi ba niya alam na siya lang ang babaeng hinawakan ko ang bibig? Dapat nga matuwa siya dun dahil sikat na basketball player ang kaharap niya. "Wow! Lugaw!" Nakita ko namang natuwa siya na may lugaw sa mini table ko.

"Para sakin yan wag kang assuming." Pagpigil ko sa kanya. Natawa naman ako sa hitsura niya kasi para siyang nabagsakan ng ilang semento sa pagkalumo. "Hahaha! Nakakatawa yung mukha mo."

"Manahimik ka. Share na lang tayo puwede? Favorite ko kasi talaga yan." Ganun ba niya talaga ka gusto ang lugaw at nakikiusap pa siya? "Mahilig kasi kami gawan ni mama ng lugaw. Ayan ang huli naming kinain bago kami na aksidente. B-bago sila nawala sa buhay namin." Nagulat ako kasi nakangiti padin siya habang sinasabi niya yun.

Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko din alam bakit ko ito ginawa pero ang alam ko lang gagaan ang pakiramdam niya sa pagyakap ko sa kanya.

«««««AICELLE'S P.O.V

Nakauwi na ako ng bahay pero hindi ko padin makalimutan ang pagyakap niya sakin. Ano ba ito? Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Bakit parang kinikilig ako?

"Manang!" Sigaw ko pagkababa sa hagdan. Alam ko naman din kasing tulog na si kc.

"Oh, aicelle bakit? May kaylangan ka ba?"

"Manang!" Sabi ko habang yakap ko siya. Nagulat naman siya pero hindi niya na lang muna pinansin. "Manang paano mo ba malalaman kapag mahal mo na ang isang tao?" Tanong ko sa kanya.

"Ayan lang pala. Alam mo ikaw lang makakasagot niyan kung mahal mo na ba ang isang tao pero may mga bagay kang mararamdaman pag andiyan siya. Yung bang parang may nagkakarerahan na kabayo sa dibdib mo, pag lagi mo siyang iniisip at kapag nararamdaman mo ang kiliti sa bandang sikmura mo. Andun nadin yung concern ka sa kanya ng sobra kahit maliit na bagay lang ang aksidenteng nangyari sa kanya." Nakita ko namang nag-iisip pa si manang. "Sa tingin ko yun lang. Bakit mo natanong?" Napailing na lang ako sa kanya kasi nasagot na ang tanong ko at alam ko na talaga kung ano nararamdaman ko para kay adrian.

"Salamat manang!" Sabay kiss ko sa kanya at dumiretso na ako sa kuwarto ko.

Mahal ko na nga siya. Gagawin ko lahat para lang mapansin niya ako at sisiguraduhin kong mamahalin niya din ako tulad ng nararamdaman kong pagmamahal sa kanya ngayon.

~~~KINABUKASAN

"Beshy meron daw tayong bagong classmate." Bulong sakin ni beshy sa likod.

"Sino naman daw?" Tanong ko sa kanya habang nakalumbaba lang.

"Hindi naman nasabi pero yun yung balita. Galing din daw america." Sino naman kaya ang magiging bagong classmate namin.

Tumahimik bigla ang klase namin ng pumasok ang adviser namin at nakita kong kasama niya si arriane. T-teka?! Si arriane kaya ang bago naming classmate? Napatingin naman ako kay adrian at ang sama ng tingin niya.

"Class nabalitaan niyo naman na siguro na may bago kayong classmate at si arriane iyon. Magpakilala ka na."

"Ako nga pala si arriane mendez sana makasundo ko kayong lahat." Nag palakpakan naman ang mga lalaki sa classroom. Para silang naka jockpot ah.

Nakita ko naman na kausap niya si ma'am at biglang tinuro ni arriane ang puwesto ni adrian. Tumango lang si ma'am at nagsimulang maglakad si arriane. Nagulat ako ng makita kong si adrian na umalis sa upuan niya at si alexis ang naupo duon.

"H-hoy! May katabi ako." Sabi ko kay adrian ng bigla siyang tumabi sakin.

"Hindi na yun tatabi sayo. Duon na siya sa upuan ko." Nagtaka naman ako kasi si alexis na ang nakaupo duon. "Upuan ni alexis talaga yun at ang upuan ko talaga duon sa kanan hindi sa kaliwang banda." Paliwanag niya na parang binabasa ang nilalaman ng utak ko.

"Tinatanung ko ba?" Pagtataray ko sa kanya. Ngumisi lang siya tiyaka tumingin sa harap. Ito na naman yung puso ko. Mamaya magpapa check up na nga ako baka kasi pag naging kami na e malagutan na ako ng hininga. T-teka magiging kami ba?! Waaahhh!

"Wala kang balak kumain beshy? Si alexis sasabay sa atin." Napatingin naman ako kay beshy tiyaka tumango.

No Title PaWhere stories live. Discover now