Andito na kami sa mall at kanina pa kami palakad-lakad. Ewan ko ba kay beshy ka text naman niya si alexis pero parang hindi kami magkita dito sa mall.
"Asaan na ba kayo?" Narinig kong tanong ni beshy sa kausap niya sa phone. Si alexis iyan."Ano! Hala paano yan." Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya at umiling-iling pa siya."Sige pupuntahan na lang namin."
"Bakit daw?" Tanong ko habang siya naman kinakalikot pa ang phone niya.
"Maling mall daw napuntahan natin. Naalala mo yung mall na nasa tabi ng river? Duon daw tayo dapat pumunta hindi dito." Napasapo naman ako sa ulo ko at nagsimula na lang kaming maglakad papunta duon dahil nakaalis na ang driver niya.
"Miss, sakay na kayo."
Umasim naman ang itsura namin parehas ni beshy ng marinig yung boses ng binatilyo. Mga tao talaga ngayon! Hindi ba nila alam na bawal ang cat calling!! Tsk.
"Ano ang pangalan niyo?"
Naglakad kami lalo ng mabilis ni beshy para makaalis na sa daan na ito. Asaan ba kasi ang ibang dumadaan dito? Baka naman mga multo itong tumatawag samin?! Susko po. Ayuko sa mumo.
"Beshy, malayo pa ba tayo?" Napatingin naman siya sakin at medyo nag-aalangan na sagutin ang tanong ko.
"Medyo beshy. Bilisan na lang natin maglakad para makalayo dito. Nakalimutan ko na maraming tumatambay na adik dito." Sarap batukan ni beshy diba? Lahat na lang ng makakalimutan ito pa!
Nahinto ako ng may humawak sa kamay ko. Susuntukin ko na sana ang pangahas na humawak sakin pero natigilan ako ng makita ko ang mukha ni adrian sa aking pagharap. Omg! Napaka guwapo niya sa suot niyang black t-shirt at mid-short. Si alexis naman nakita kong umakbay kay beshy, ayun hindi na ata makahinga sa sobrang kilig. Nakapagpalit nadin si alexis ng suot.
Dapat pala nagpalit muna kami ni beshy ng masusuot bago kami dumiretso dito. Nakasuot padin kami ng school uniform namin.
"Dapat hindi kayo dito dumadaan. Hindi niyo ba alam na masiyadong madilim dito at hindi gaano nadadaanan ng mga tao." Sermon samin ni adrian. Well hindi naman talaga sermon pero para sakin sinisermonan ako. "Tara na."sabay hila sakin ni adrian. Hindi padin niya binitawan yung kamay ko. Feel na feel niya ah?
"Bakit para namang sarado yung mall?" Sabi ni beshy sa bandang likuran ko. Nauna kasi kami ni adrian maglakad. Ewan ko ba dito atat ata.
"Oo nga parang sarado na." Dugtong ko naman.
"Hindi yan sarado. Ganyan lang talaga ang style ng mall na yan pero madaming tao sa loob." Paliwanag ni alexis. Si adrian ayun tahimik lang at walang expression na makikita sa mukha. Ano ba naman itong future husband ko. Teka? Future husband daw? WAAAHHHH kinikilig ako! "Aray!" Sigaw ko. Pinitik ba naman ako sa tenga ni adrian.
"Tama na ang day dreaming mo. Kung ako man ang iniisip mo, wag na lang. Hindi kita type." Sabi niya sabay walk out.
"Hoy! Hindi din kita type!" Sigaw ko sa kanya at huminto naman siya.
"Edi totoo ngang ako ang iniisip mo?" Nakangisi niyang sabi. Aba'y putik na yan! Bahala siya diyan.
Naglakad na kami papasok at tama nga si alexis ang daming tao sa loob ng mall. May pagkakataon pa ngang ilang beses akong nabunggo. Ano bang meron?
"Wag na kayo magtaka kung bakit madaming tao ngayon. Andito kasi ang BTS para mag promote ng kanilang bagong kanta." Napahinto kami ni beshy at tumingin kay alexis.
"Totoo?! Asaan!!" Sigaw ni beshy. Maski ako nakaramdam ng kuryente sa katawan dahil sa excitement.
"Waaaahhh!! Puntahan natin!" Sabi ko. Hindi naman agad nakasagot si alexis kaya ng may makita akong isang grupo ng babae na tumatakbo hinila ko agad si beshy. "Baka papunta sila sa BTS." Sabi ko. Nakitakbo naman si beshy sakin.