Chapter 6

0 0 0
                                    

Nag-uwian na ang lahat pero hindi padin nakakabalik ang tatlo simula ng umalis sila kanina. Andito pa nga din ang bag ng dalawang lalaki.

"Ehem." Nagulat naman ako ng may isang maskuladong lalaki ang nasa pintuan. "Alam niyo po ba kung nasaan nakalagay ang bag ni Mr.So at ni Mr. Gorn?" Tinuro ko na lang at tiyaka niya kinuha ang dalawang bag. "Salamat."

Magtatanong sana ako kung anong nangyari sa dalawa pero mas pinili ko na lang na wag magsalita. Para kasing mangangain ng buhay yung tingin ng maskuladong lalaki na yun. Alam niyo si johny bravo? May pagkahawig ang katawan nila baka isang pitikan lang sakin baka mapunta na ako sa mindanao. Spell oa!

Kring kring kring

"Yes?" Panimula ko kay beshy.

"Nagawa niyo na ba ni adrian ang assignment niyo bilang mag partner? Bukas na daw pasahan nun sabi sa gc." Hala ka! Oo nga pala hindi ako nakapunta sa bahay nila. Hindi ko din alam saan bahay nung guwapo na yun.

"Si alexis may number ka ba?" Hindi ko pinansin yung sinabi niya. "Text mo sakin number niya." Pagkatapos namin mag-usap ni beshy ay sinave ko na ang number ni alexis at tatawagan ko na sana siya pero biglang nag send sa akin ng text si alexis at ang nakalagay sa message ay ang address ni adrian kahit wala pa akong tawag o text na pinapadala sa kanya. Ang lakas din ng radar nito parang si beshy.

Nagmadali akong sumakay sa kotse para makauwi agad. Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso ako agad sa kuwarto ko para magpahinga saglit at maligo. Nagsuot ako ng pantalon at V-neck na black shirt tiyaka inayos ko nadin ang dadalhin kong mga gamit.

"Manang si kc po?" Tanong ko. Kasi naman walang bumungad sa akin na maingay.

"Kasama ni ate lida mo. Namili sila sa supermarket. Susunduin din sila ni tito gab mo kasi may ibibigay daw sayo mamaya." Paliwanag ni manang sakin.

"Pakisabi po na male-late po ako ng uwi kaya iwanan na lang sa kuwarto ko po." Tumango lang si manang. Paalis na sana ako pero pumunta muna ako sa kusina at nagluto ng tinola.

"Oh bakit nagluluto ka? Magluluto naman na ako pagbalik ni lida." Bungad sakin ni manang.

"May pagbibigyan lang po ako manang." Nakangiti kong sabi sa kanya. Siya naman ay tumabi sakin.

"Ang alaga ko nag dadalaga na. Mahalagang tao siguro yang pagbibigyan mo dahil nagluluto ka lang kapag may tao kang pagbibigyan na mahalaga sayo." Si manang talaga kahit kelan. Mahalaga nga ba sakin si adrian?

"Ikaw talaga manang! Wala lang ito." Ngumiti lang si manang sakin tiyaka nagpaalam na may gagawin pa siya.

Pagkatapos ng isang oras ay okay na at bumiyahe na kami ng driver ko. Pinakita ko din sa kanya ang address at malapit lang pala ito sa amin.

"Salamat po. Kaya ko na pong umuwi mag-isa mamaya. Malapit lang naman ito." Tumango na lang si kuya bago lumulan paalis.

Nakita ko namang malaki ang bahay nila. Mas triple pa ang laki nito kesa sa bahay namin. Meron ding mini garden sa bandang kaliwa.

Ding dong ding dong

Hanggang gate lang ako kasi naman nakasarado ang gate nila kaya hindi ako makapasok sa loob. Sosyal!

"Ano po kaylangan niyo?" Bungad sa akin ng isang katulong na babae. Ang cute naman ng outfit niya parang mga nasa castle nag tratrabaho.

"Classmate po ako ni adrian. Gagawa po kasi kami ng assignment." Sabi ko. Ngumiti lang siya at inaya akong pumasok. Ang bait naman niya.

Pagkabukas ng front door ay namangha ako sa linis at aliwalas ng loob. Madami ding appliances at latest pa lahat. Yaman ni adrian ah.

"I told you many times-" napatigil ang pagsigaw ni adrian ng makita niya ako. "What are you doing here?" Aba nagsusungit pa. Hindi ko din naman ginustong pumunta dito.

No Title PaWhere stories live. Discover now