««««AICELLE'S P.O.V
Pagkapasok ko sa room ay tinatamad na ako. Ewan ko ba sa sarili ko.
"Hala, beshy. Anong nangyari sayo?" Bungad sakin ni beshy. Bakit anong meron sakin? "Mukha kang zombie! Umiyak ka ba? Kasi maga mata mo tapos ang laki ng eyebags mo." Pinakita naman niya sakin ang sarili kong repleksyon sa compact niya.
"Haha! Kasi yung mga assignments natin tinapos ko tapos nag review nadin ako kasi may quiz daw tayo sa unang subject diba?" Pagdadahilan ko sa kanya na sana umubra.
"Ah ganun ba? Buti na lang ako tinapos ko na agad pagkauwi ko." Pgkatapos niyang maupo sa tabi ko ay nagsimula na naman siyang mag kuwento patungkol kay alexis at sa nangyari sa kanila kagabi. Wala naman ako sa mood magsalita kaya nakinig na lang ako kahit na ang totoo wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Bakit ba ako nagkakaganito? Tama na nga ito! Walang mangyayari sakin kung ipagpapatuloy ko ang ganito. Hindi naman ako puwedeng ma fall sa lalaking ngayon ko lang naman nakilala sa malapitan.
-----Lunch time-----
"Buti naman at ngumingiti ka na. Kanina kasi parang ang lungkot mo sobra." Nakita ko naman si beshy na naglalakad palapit sakin. Nakita ko tuloy ang kanyang maikling buhok na abot lang hanggang balikat at ang kanyang kayumangging balat. Hindi din siya mahilig sa make-up pero pag may lakad o okasyon akala mo laging may collection ng make-up sa kuwarto niya.
"Hindi naman ako malungkot kanina ah? Kelan ba ako naging malungkot? Haha!" Pagpapalusot ko. Maski ata sarili ko hindi magawang makisabay sa mga sinasabi ko.
"Mukha mo. Magsisinungaling ka na lang yung halata pa. Ano bang nangyari sayo?" Nag-aalangan pa ako kung sasabihin ko sa kanya baka kasi pagtawanan lang niya ako pero dahil bestfriend ko siya ay dapat sabibin ko sa kanya kasi karapatan niya yun at dapat ipaglaban!
Nakaupo kami sa likod ng school namin kasi merong bench at may harang ang bandang itaas kaya hindi kami matatamaan ng araw kahit tumambay pa kami buong magdamag. Wala kasi kami dito na mala paraisong tambayan sa likod ng school. Ano ito wattpad? Sa wattpad lang mababasa yung mga ganung effect ng school haha! Sa likod ng school namin ang tanging makikita niyo lang ay court namin at ibang tambak ng basura haha! Sosyal kami bakit ba haha!
"Hoy! Akala ko ba andito tayo para i kuwento sakin yung nangyari sayo?" Ay, oo nga pala. Ayun nga at sinimulan ko ng i kuwento sa kanya yung nangyari kagabi at kung bakit ako nagkakaganito.
"Kaya naman pala." Binatukan ko siya dahil may paghawak pa siya sa kanyang baba na parang nag iimbistiga. "Normal lang naman yan na mangyari sayo beshy. Lahat naman tayo dumadaan sa ganyan." Sabi niya sabay himas sa likod ko.
"Okay naman na ako beshy. Tiyaka ko na lang iisipin yan pag napasa natin ang mid-term. Malapit nadin kasi ang foundation day natin at dahil student council president ako at ikaw ang vice marami tayong dapat gawin." Nag thumbs up lang siya sakin kaya nag kuwentuhan na lang kami buong lunch time. Buti na lang hindi ko nakita si adrian baka kasi masira na naman araw ko pag nakita ko siya.
Hindi muna ako pumasok sa huling klase namin kasi pinatatawag daw ako ng principal kaya heto ako ngayon naglalakad papunta sa office ng matandang yun. Ano na naman kaya kaylangan nito?
Tok tok tok
"Come in." Narinig kong sabi ng principal namin kaya pumasok na ako. Laking gulat ko ng makita ko si adrian na andito din at kaharap niya ang principal. "Maupo ka." Umupo naman ako at sa hita ako ni adrian napunta pero joke lang yun! Assuming!
"Bakit niyo po ako pinatawag?" Magalang kong tanong sa kanya. Matandang dalaga nadin yan pero mabait naman. Minsan lang hindi.
"Gusto ko sanang sabihin sayo na itong si Mr. So ang magiging vice president mo sa student council." What?! Si beshy ang vice ko eh! "Nakausap ko nadin pala si julie ang dating vice at pumayag naman siya na ibigay ang posisyon kay adrian." Ano?! Pumayag yung baliw na yun? Paanong nangyari ito?
"Ah, bakit po biglang napalitan?" Tanong ko. Nagtataka kasi ako bakit bigla-biglang pinalitan ang vice.
"Kasi po Ms. Layton ang kaibigan mo mismo ang nagsabing ayaw niya nang maging vice. So let's proceed to our real topic." Napatango na lamang ako. Yari sakin mamaya yung babae na yun. "Sa darating na foundation week natin ay sana magkaron kayo ng ideya kung ano ang exciting na puwedeng mangyari sa isang buong linggo na yun. Okay ba? Kayo na bahala sa ideya at ako na lang ang titingin kung approve ba o hindi." Tumango lang ako at si adrian naman ay parang wala sa sarili. Ano bayan! Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.
Paglabas namin ng office ay lumapit ako kay adrian. "Mamaya na lang tayo mag-usap patungkol diyan." Aba, paano niya nalamang kakausapin ko siya patungkol sa foundation week. Maligno ata itong guwapo na ito. Pero kung maligno siya ako naman ang diwata niya! Aayyyiieee! Kilig tumbong.
"Hala? Asaan na yun?" Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala na si adrian sa harap ko. "Maligno nga talaga yun." Nagsimula na akong maglakad para hanapin ang babaeng pinagtripan ang inosente kong utak. Magkausap naman kami kanina tapos hindi niya sakin sinabi na..... urgh!
Napaupo ako sa sahig ng may biglang bumangga sakin na isang babae. "Omo. I'm really really sorry. Hindi ko sinasadya." Tinulungan ako ng babaeng maganda na tumayo.
"Naku, okay lang yun. Minsan nga mukha ko pa ang tumatama sa lapag. Sanay na ako haha!" Nakita ko namang ngumiti siya sakin. Ang ganda naman niya. Kahit na naka make-up siya, makikita talaga ang kagandahan niya. Ito ang totoong diwata sa pagkaputi ng balat, matangos na ilong, magandang kilay, at katamtamang haba ng blonde niyang buhok. Wow!
"My name is Arriane and you are?" Pati boses ang sarap pakinggan. Ito na lang kaya ang mahalin ko? Haha! Joke lang.
"Ako si aicelle. Pinaka magandang anak ng magulang ko." Nakangiti ako ng inabot ko ang kanyang kamay para makipag shake hands.
"Nakakatuwa ka namang kausap. Sige alis na ako kasi may hinahanap pa kasi ako."
"Puwede kitang tulungan." Sumilay naman ang ngiti sa kanyang labi.
"T-talaga?" Tumango lang ako. "Hinahanap ko kasi ang room 3-2 maaari mo ba akong dalhin duon?" Tanong niya sakin. Tumango lang ako naglakad na kami papunta duon.
"Galing ka pala sa america. Wow, rk ka pala." Pang-aasar ko sa kanya.
"Hindi naman. Ilang taon lang naman ako nag stay sa america pero ang home town ko talaga dito sa pilipinas." Paliwanag naman niya.
"Bakit ka nga pala bumalik dito?" Tanong ko sa kanya. Sasagot na sana siya pero napatingin siya sa likod ko.
"A-adrian." Nabigkas na lang ni arriane kaya napatingin ako sa likod ko. Nakita ko namang gulat ang reaksyon ni adrian at biglang hinila si arriane at sumunod naman si alexis.
"Anung nangyayari?" Tanong sakin ni beshy pagkalabas sa classroom namin.
"Malay ko. Muka bang alam ko ah?" Ayun ang babae hindi ako pinansin at pumasok na lang sa room namin habang ako naman ay nakatingin kay adrian habang hawak ang kamay ni arriane. Weird.