"Ayan kasi bakit ka nagpaulan." Sermon sakin ni manang cecille. Paano ba naman kasi nakahilata ako ngayon sa kama dahil inaatake ako ng ubo, sipon at lagnat ohhhh! Triple kill!!
"Manang, magulat ka pag ako hindi nabasa ng malakas na bagsak ng ulan pero nakauwi ako. Ibig-sabihin lang nun may pagka maligno na itong alaga mo." Natawa naman siya sa sinabi ko kasi halata na sa kanyang nag-aalala siya at ayukong nakikitang nag-aalala siya. Para na namin siyang pangalawang ina ni kc kaya love na love namin siya.
"Ate, are you okay?" Sabi ni kc sakin pagkapasok niya ng kuwarto ko at si manang naman ay lumabas na dahil magluluto pa daw siya ng ulam namin.
"Yes, baby. Ate's fine don't worry. Gagaling din si ate soon." Sumilay ulit ang ngiti sa kanyang mukha kaya yinakap niya ako.
"Ate i kikiss kita kasi alam kong gagaling ka na pag natanggap mo ang kiss ni kc." Sabi niya na nagpangiti lalo sakin. Sinimulan niya na akong i kiss at natawa ako kasi napakalambing niyang bata. "Maglalaro lang ako sa labas ate ah?" Kaya naman pala ang lambing kasi may kaylangan haha! Tumango lang ako sa kanya at sinabing magpasama siya kay ate lida, agad naman siyang tumango at lumabas ng kuwarto ko.
Kring kring kring
"Hello?"
"Beshy!! Asaan ka na? Hindi ka ba papasok ngayon?" Hindi pa pala niya alam na may sakit ako ngayon.
"Beshy, hindi kasi ako makakapasok ngayon. Linalagnat ako." Paliwanag ko sa kanya.
"Sige ipapaalam kita sa mga teachers natin. Get well soon beshy! Daanan kita diyan mamaya." Pagkatapos niyang sabihin yun ay binaba niya na ang tawag. Hindi man lang ako hinintay na magsalita. Napakagaling!
««««ADRIAN P.O.V
Narinig ko ang pag e-excuse ni julie sa kanyang bestfriend na babae. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit may sakit ngayon si aicelle. Mapuntahan nga yun mamaya. Hindi naman ako ganung kasama para hindi kamustahin yung kaklase ko. Tsk. Pero hindi ko siya type.
"Oy, bro may lakad tayo mamaya. Samahan mo ko." Pag-aaya ko kay alexis na bestfriend ko simula pa ata ng magkaron ako ng utak.
"Sige ba. Saan ba punta natin?" Tanong niya sakin habang kumakaway sa nga fans namin, tsk.
"Sa bahay ni aicelle." Nakita ko namang nagtataka siya sa sinabi ko kaya bago pa siya mag-isip ng kung ano-ano ay nagsalita na ulit ako. "Wala akong gusto duon. Alam mo naman kung sino ang mahal ko and besides pakiramdam ko ako ang may kasalanan bakit siya nagkasakit. Hinayaan ko kasi siya kahapon na maglakad pauwi habang umuulan." Walang gana kong paliwanag sa kanya.
"Bakit naman hinayaan mo umuwi ng wala man lang payong?" Buti naman hindi na siya nakatitig sakin na parang hindi niya ako maintindihan.
"Tinatamad akong sundan siya. Ginusto niya din naman kaya bakit ko pa susundan diba?" Bakit ba ako nagpapaliwanag dito? Ay, bahala na nga! Nauna na akong maglakad papunta sa canteen at sumunod naman sakin si alexis.
Kumain na muna kami bago namin naisipang puntahan si julie para sumabay mamaya papunta sa bahay ni aicelle. Puwede naman naming itanong sa principal kung saan nakatira si aicelle ayaw lang nitong si alexis.
"You're julie right?" Narinig kong tanong ni alexis duon sa babae. Ayan na naman siya sa ngiti niya.
Halata namang nagulat si julie at hindi agad nakapagsalita. "Yeah, i am. B-bakit?" Nauutal pa yung babae habang kausap si alexis. Ang tagal naman ng usap nila.
"We're here to visit aicelle. Puwede bang sumabay kami mamaya pag punta sa bahay nila?" Nakisabat na ako sa pag-uusap nilang dalawa dahil parang haharutin muna ni alexis itong si julie bago makakuha ng sagot.