Chapter 4

317 23 14
                                    

I woke up 6 kahit pa nga late na kong nakatulog kagabi. After talking to Tutti I made some necessary calls pa. My body is just programmed to get out of bed this early. I opened my laptop to check some reports from my managers all around Europe.

Napakunot pa ang noo ko wala naman kaming inorder na waterjet machines. May ideniliver na at least two machines sa lahat ng branch ng waterspa ko sa Europe. We don't have that sa spa namin because that is so expensive 100 000 US dollars ang pinakamababang presyo ng isang waterjet. Kaya nga we use some affordable water machines. Wala din namang bawas kahit piso ang bawat shop. Mas lalo tuloy akong atat makauwi, something strange and weird is going on.

Napukaw ang pag-iisip ko nang may mag doorbell.

"Room Service ma'am"
Napakunot naman ang noo ko I can't ramember na may room service package breakfast na kasama.

"Someone ordered this for you" nasagot na ng room service waiter ang tanong sa utak ko.

"May I know who?"

"Anonymous I must say but what I can assure you is that these foods are safe."
He gave me a smile while pushing the cart. Okay the waiter is quite charming for a waiter.

Lumabas na rin siya agad nagpasalamat lang ako.

I eyed the foods, very European. Sausages, croissants, bagels, jam, fruits, peaches, oats, orange juice and more. Napataas ang kilay ko pano niya nalaman gusto ko to?

Sige na nga kakain na ko I remember how I struggled not eating rice. Even tho I followed some diet in the Philippines pero alam mo yun at the end of the day kakain pa din ako ng kanin. Pero nong umalis ako nahirapan din akong mag adjust sa pagkain, may binebenta namang bigas pero hindi lahat ng restaurant may kanin. Minsan naiiyak na lang ako kaso yun yung hinahanap ng sikmura ko. Syempre lumipas ang buwan taon natanggap na rin ng sistema ko ang pagkain nila. I have no other choice.

After eating ay naligo na ako. I wore a skirt and a knitted top I also braided my hair ayaw ko namang magmukmok lang sa loob ng kwarto habang hindi pa nagpapakita ang unanimous engkanto.

Dala ko ang laptop at lumabas na sa cabin. I smiled when the familiar breeze hit my face medyo malakas ang hangin ngayon at nilipad pa ang summer hat ko.

Nilipad ito patungo sa pintuan ng katabing cabin. Pinagpagan ko ito at isinuot ulit. Naagaw ang atensyon ko maliit na papel sa sahig. I picked it up at itatapon na sana sa malapit na trash bin.

Binundol ng kaba ang dibdib nang marealize kung ano ito.
Receipt ng breakfast ko kanina. Maraming bagay ang pumasok sa isip ko isa lang ang sigurado ako. Hinarap ko ang pinto at pinihit ang doorknob na bukas naman pala.

Walang tao.

It's a deluxe cabin like mine there's a queen size bed that looks really neat. Walang masyadong gamit only a laptop and a black watch above the table.

Walang tao but I can hear the shower tila nabahag na ang buntot kong puntahan pa ang kung sinumang naliligo doon besides baka nagkamali lang ako but my instinct is telling me not to leave, yet.

Dahan dahan kong tinungo ang kama at sumandal sa headboard. The Tv is on and playing a documentation on NatGeo, Gorilla sex? Hmn.
It's on zero volume kaya di ko napansin kanina. There's a mini refrigerator on the side. Maraming beer in cans when I open it. Sobrang pakealamera ko talaga.

Kumuha ako ng isa and drink from it while my eyes are roaming around the room.

Mukhang nakakalasing ang beer na to hindi pa ko nakakalahati ay parang babagsak na ang talukap ko. At hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Ito na ata ang pinakamasarap na tulog ko dito sa cruise. The bed is so comfortable, I like how my hair is being caressed. I'm curious kung sino ang gumagawa non sa'kin but I'm too sleepy to even open my eyes.

I woke up and in a dark room hindi man lang ako nakaramdam ng takot. I recollect my last memory. Somehow kinabahan ng kaunti from what I remember pumasok ako sa katabing kwarto ng cabin ko. I sat on the bed and drank a beer from a stranger's refrigerator which lulls me to sleep. Pinakiramdaman ko ang sarili mukhang wala namang may nangyaring masama sa'kin. I'm still fully clothed pero hindi na nakatirintas ang buhok ko. Agad ko ring naalala na may naramdaman akong humahaplos sa buhok ko. I know now that it was not a dream. Pumikit ulit ako.

Nang magising ulit ay pinilit ko ang sariling bumangon.
Inabot ko sa gilid ang lamp at ini-on ito medyo nasilaw pa ko sa ilaw. Nang maka-adjust ang mga mata ay inilibot ko ang paningin.

There's a man sitting on a chair medyo malayo lang sa kama and I must say na kanina pa siya nakamasid sa'kin. I can't see his face dahil nakasandal siya sa upuan at tanging katawan niya lang ang naabot ng liwanag. By the way he is half naked. Half fucking naked! At ngayon lang nag sink in sa'kin na may kasama ako sa kwartong lalaking hindi ko kilala at half naked pa.
He stood up para i-on ang ilaw and boom alam kong ine-expect niyo na na si James Reid ang lalaking ito.

"Long time no see chandria."
Okay no matter how I tried to maintain my mature and unbothered aura ay nanlaki pa rin ang mga mata ko.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now