A/N: Sorry ang gulo hahahha pero sa mga nakapagbasa ng update ko kagabi may in-edit (dinagdag) ako ngayon lang (May 15) sa ending ng Chapter 7, na isang scene.
Enjoy reading!👅🍆💦
Nagkausap ulit kami ni Katrina at sinabi niya sa'king mamaya na daw ang dinner.
I don't know what I'm thinking kanina at pumayag ako sa invitation niya.
Magkakasama na naman kami ni James, iyon nga ang iniiwasan ko pero um-oo pa rin ako.
I get it! Hindi niya basta basta ibibigay ang hinihingi ko ng ganun ganun lang. Knowing him he used to get what he wants. Always! Hindi sumusuko.
Ano, he wants to try me again at makipagbalikan sa'kin? After six long years ngayon lang?
Ang dami daming babae. Hindi ba sila ni Nadine? Imposible naman ata na hindi sila. I don't really know what happened then nung umalis na ako. He tried to reach out pero ako na mismo ang pumutol sa koneksyon namin. Ayaw ko lang. And for once I want to try doing everything alone. At maganda naman ang kinalabasan. Look at me now!
Pero hindi ka naman hahabulin niyan dito kung may girlfriend siya di'ba? Ano yun trip niya lang?
Bulong ng isang bahagi ng isip ko.For once maging firm ka naman sa desisyon at prinsipyo mo. You already spat it in his face na hindi ka na babalik sa kanya.
Naipikit ko ang mata at itinigil ang pakikipag-debatehan sa sarili.
Naglagay ako ng mamahaling perfume sa palapulsuhan at likod ng tenga.
I'm wearing a light make-up on my face habang nakalugay lang ang aking buhok.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin at umikot. I am just so amazed with my body parang wala lang kasing nangyari.
Hapit ang katawan ko sa suot na black satin bodycon dress that ends on my midthigh.
Long sleeves but slitted from the elbow down to the wrist.
It looks so decent but it shows a lot of skin at the back so I ended up not wearing a bra.Hindi ako nakapag-work out sa barkong to pero ganon pa din naman ang katawan ko. My curves are on the right places and my behind made it sexier.
I realized na hindi sapat ang mga designer items and expensive clothes especially now that I can afford them. Mahalaga rin ang magandang katawan.
The sexyness of the mini dress compliments my body so well. I don't have love handles and back fat as well as stomach rolls kaya bagay na bagay.
Hindi maganda ang magsuot ng stiletto dito kaya pinaresan ko lamang ito ng simpleng black sandals.
I also brought with me my black purse.
I wink at my reflection in the mirror tsaka tinungo ang pinto.
Napako ang tingin ko kay James na nakasandal sa gilid ng pinto at may kausap na babae. The girl looks middle eastern.
He's wearing a black polo na nakatupi hanggang siko ang sleeves at khaki pants. He looks clean and dashing. He smells nice too. Nainis ako dahil ang gwapo niya makaside view.
Nang mapansin ako ay napaawang ang labi niya at napalunok nang masilayan ako ng buong buo.
Hmn. Maglaway ka!Kinakausap pa siya nung babae kahit nasa akin na ang mga mata niya.
Nilagpasan ko sila para pumunta na sa restaurant.
My hips are swaying as I walk with my head held up high.
Naramdaman kong nakasunod naman siya sa'kin.