Chapter 7

259 24 5
                                    

A/N: Read Chapter 6 first before reading this dahil binago ko yun.😅

Nakakuyom ang kamao ni James habang nagtatagis ang bagang. Madilim ang mga mata niyang nakatitig kay Rafael.

"Raf!" Dinaluhan ko ito at inalalayang makabangon mula sa pagkakahandusay sa sahig. Hindi na siya makatayo ng maayos dulot na rin ng kalasingan.

"James ano bang problema mo?" matalim ang titig ko sa kanya.

Nakatingin na sa'min halos lahat ng tao sa dancefloor.

"What the fuck man?" nang makatayo si Rafael.

"Do you know him?" takang tanong ni Rafael sa akin.

Hindi naman gumanti si Rafael kaya hindi natuloy ang nagbabadyang away ng dalawa kung kaya't bumalik na ang mga tao sa kanya kanyang ginagawa.

"I'm sorry Rafael. Excuse me." paalam ko sa kanya. Hinila ko si James palabas ng bar at halos itapon ang kamay niya.

"James, What the fuck? Really? Gagawa ka talaga ng gulo dito?" sigaw ko sa kanya. Ngayong nakainom ako ay nailalabas ko ang totoong reaksyon pag inis at frustrated.

"Kathryn, he is taking advantage of you. You're drunk!" sigaw niya pabalik.

Minasahe niya ang balat ng matangos niyang ilong sa gitna ng mga mata.

"He's not, James. Bulag ka ba? O nagbubulagbulagan? Ako ang humalik sa kanya. Kagustuhan ko yun. "

"You're drunk. You don't know what you're doing."

"I perfectly know what I'm doing James! Talagang nagbago lang ako. I'm not the innocent girl you used to play with six years ago. I am not clueless anymore. I know better now and I know what I want. Thanks for waking the bad girl in me anyway" napahalakhak pa ako. " I can drown myself in alcohol and still stay sober."
Just like right now.

Shit! Nasusuka ako. Tinakpan ko ang bibig habang nanlalaki ang mata. Hindi ko na rin alam saan pupunta.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa restroom para sumuka.

Hagod hagod niya ang likod ko at hawak sa isang kamay ang buhok ko.

Parang nanghihina ako.

Inalalayan niya kong tumayo at dinala sa sink. Inabutan niya ako ng tissue pagkatapos magmumog doon.

"Yeah you really know what you're doing" sinamaan ko siya ng tingin sa pagka-sarcastic niya.

Nang mahimasmasan ay iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Tinalikuran ko siya at tuluyang lumabas na sa bar na yun para bumalik sa aking cabin.

Pakiramdam ko ipinahiya ko ang sarili sa harap niya.

Nakasunod lang siya sa'kin walang imik tanging panggabing hangin lang ang naririnig ko at ang nalulunod na tunog ng musika na nagmumula sa nga clubs sa lower deck.

Pumasok ako at malakas na isinara ang pinto.

Ilang sandali pa ay binuksan ko ulit ito at nagulat na nandon siya mismo.

Pinilit kong wag maawa sa kanya. He deserve it! 
Huminga akong malalim at tiningnan ulit siya sa mga mata.

"My name is Chanda. Don't you call me Kathryn again. She's dead. Six years ago." at saka isinara ulit ang pinto sa mukha niya.

---

Hinubad ko ang sunglasses na suot at pinagmasdan ang pinong buhangin at malakrystal
na tubig sa harapan.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now